Chapter 14: Dew

5.4K 113 11
                                    

Dedicated kay FleshAgent26. Hihi. Mwa :* sa mga gusto ng dedication. PM lang :D

“Hintayin na lang kita ulit mamaya pagkatapos ng detention mo.” Sabi ni Michael saka siya tumalikog at naglakad papalayo sa’min ni Lana.

“Chandrielle!” Sigaw ni Lana habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa braso ko. “Magtatapat na sa’yo si Michael! Sa wakas tatantanan ka na ni Lee!”

“Parang.. ayokong pakinggan ang sasabihin niya.”

“Bakit naman? Chance mo na ‘yun noh. ‘Wag ka nang umarte! Excited na ako! Hihintayin kita mamaya ha!”

“Siguro nga kailangan ko na ring malaman kung totoo ba ‘yung nakita ko o nadala lang ako kay Lee.”

“Ha? Anong sinasabi mo?”

“Ahh wala! Cafeteria na lang tayo.”

Nagpatuloy na kami ni Lana sa paglalakad sa hallway patungo sa cafeteria ng school namin. Bumili lang kami ng calamansi juice saka naupo saglit para ubusin ang iniinom namin.

“Lana?”

Napalingon kami parehos ni Lana sa tumawag sa pangalan niya. Hindi familiar ang babaeng nakita ko. Maliit ang mukha niya, mahaba ang buhok niya na kulot sa dulo, manipis ang kilay niya na halatang inahit pa niya.

“Dew!” Tawag naman ni Lana sa kanya pabalik.

Kung hindi ako nagkakamali, si Dew ang tinutukoy ni Lana kanina na new student namin dahil lahat ng kakilala ni Lana, kilala ko rin. At ngayon lang ko siya nakita sa campus namin.

“Akala ko ba ayaw mo maglunch?” Tanong ni Dew pagkatapos niyang makalapit kay Lana. Naupo na rin siya sa bakanteng silya sa table namin.

“Nag juice lang kami ni Chandrielle.”

“Ikaw pala si Chandrielle!” Bulalas niya sabay ngiti ng malapad sa’kin. “Kanina ka pa kinukwento ni Lana sa’kin habang nag lelecture si Ma’am sa English. I’m Dew. Misty Dew Fernandez.”  Inabot niya ang kamay niya sa’kin para makipaghandshake.

“Chandrielle. Chandrielle Sebastian. Bestfriend ni Lana. It’s nice to meet you Dew.” I told her saka ako nakipagkamay. Ngumiti rin ako sa kanya pabalik.

“Chan, siya ‘yung tinutukoy ko sa’yong bagong classmate natin.” Sabi ni Lana.

*riing* *riing*

Tumunog ang bell kaya agad kaming tumayo na tatlo ang naglakad pabalik sa classroom namin. Kinausap ako ni Dew habang nasa hallway kami. Tinanong niya kung anong mga paborito kong pagkain, paborito kong kulay at kung anu-ano pa. Magaan naman ang loob ko sa kanya at sa tingin ko magkakasundo naman kami kaya natuwa rin ako at lumipat siya sa school namin.

“Anak ng tupa!” Bulalas ni Lana pagkatapos naming makapasok sa pinto ng classroom namin. Napatigil siya kaya napatigil rin kami ni Dew sa paglalakad. “Akala ko ba absent si Kangkong ngayon hindi pala. Malakas talaga tama niya sa’yo Chan.”

Napatingin ako kay Lee na nakaupo na sa silya niya.

“May gusto siya sa’yo Chan?” Tanong ni Dew sa’kin.

“Wala. Hindi nga kami magkasundo niyan. Payong kaibigan lang. Iwasan mo iyang lalaking ‘yan para di ka magkaproblema.” Tumango lang si Dew.

Dahil bagong transfer si Dew, nagdagdag ng upuan sa classroom namin. Sa pinakadulo siya nakaupo ngayon. Katabi ni Lee. Oo malas rin siya katulad ko dahil katabi niya ang demonyong kaklase namin.

“Akala ko absent ka ngayon.” Bulong ni Lee sa’kin habang nagsisimula ang klase namin.

“Akala ko rin absent ka ngayon. Masaya na sana ako.”

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon