Chapter 46 "His side"

4.8K 91 6
                                    

(JUSTIN'S POV)

******KOTSE

pagpasok palang nya ng kotse nakita ko na ang pagkunot ng noo nya.

"bakit andito ka? diba may klase ka." tanong nya sakin pero sa labas sya nakatingin.

"masama nabang hanapin ang asawa ko?" tanong ko at kitang kita ko na tumaas ang kilay nya sa sinabi ko.

"oh? asawa mo na ako ngayon kasi ako kasama mo. eh kanina?" mataray na tanong nya

kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

ano daw??

ang sungit nanaman nya. tsk! ganyan daw talaga ang mga babae kapag buntis.

"oh dika makasagot? di mo ko maloloko. kilala ko ang amoy na yan. pabango ni Brianna yan." walang gana nyang sabi.

nanlaki ang mata ko sa sinabi nya

WHAT THE??? ang lupit naman ng pangamoy nya! tsk! 

"nagusap lang kami. humi...." may sasabihin pa sana ko pero pinigil na nya ako

"as if I care kung nagusap kayo at lalo naman sa pinagusapan nyo. bumalik kana ng school. uuwi na ako. magpapahatid nalang ako sa mga kaibigan ko. di ko matitiis yang amoy mo. " sabi nya at bumaba ng kotse

SH*T!! napahampas ako sa manibela

pero hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa naisip ko.

kahit na galit sya sakin hindi nya kayang itago ang selos nya.

******BAHAY

(JESTINE'S POV)

WAAAHHHH!!! NAKAKAINIS!! paano ko sya bibigyan ng second chance kung ganyan sya!!

nagusap daw! mukha nya! baka naglandian kamo! GRRRRRRR!!!!! 

sa sobrang inis ko pinaghahampas ko yung unan.

"kawawa naman yung unan." biglang may nagsalita at kilalang kilala ko kung sino kahit hindi ko pa sya nakikita.

"naaawa ka? oh edi palit kayo ng unan. tara dito ng sayo ko ibunton yung inis ko. tutal sayo naman talaga ako naiinis." sabi ko at nilingon sya at lalo lang akong nainis nakangiti pa ang loko

ibinato ko yung unan sakanya pero nakailag sya

"oyyy!! teka! bakit ba inis na inis ka? akala ko ba wala kang paki?" natatawang sabi nya

aba at ang loko nagawa pang mangasar.

He's Going To LOVE Me,.....SOON!!! (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora