Chapter 18 "HEP! DON'T SAY HER NAME!"

5.7K 80 9
                                    

A/N: sorry po mejo natagalan ang pagupdate.. hehe mejo nabusy lang po. J enjoy reading po.

(JUSTIN’S POV)

“SOPHIE!!!!! “  tawag ko kay Sophie, hindi pa kami tapos magusap!

Ayun at tumakbo na sa labas! Akala naman nya eh hahabulin ko sya. N.E.V.E.R.!

TSK! Ang sakit ng sampal nya! 1st time may sumampal sa GWAPO kong mukha! Napasobra ata ako sa mga sinabi ko, pero totoo lang naman ang sinabi ko sakanya. Kung tutuusin talaga sya ang sagabal sa amin ni Brianna. Hindi naman pala nya kayang tanggapin ang katotohanan sana hindi sya nakipagsabayan sa akin oh kaya eh sana hindi nya binastos ng ganun si Brianna.

**BAHAY NI ELLE

(ELLE’S POV)

Andito kami ngayon sa kwarto ko at pinapatahan itong si jest. Sumugod ba naman dito ng umiiyak?? Kaya pati itong si mille eh napasugod dito. Kelangan namin malaman ang dahilan bakit sya umiiyak.

“jest, tubig oh.. tahan  kana. Pagusapan natin ang problema mo.” Pagpapatahan ko kay jest, kinuha naman nya yung tubig.

“ano bang nangyari jest?” mille, im sure nagaalala nadin sya kay jest.

“ahhhh… ehhh.. kasi may nakita akong pusa na nasagasaan ayun naaawa ako . hehe”  sabi ni jest. Lokang to! Magpapalusot nalang hindi pa kapanipaniwala.

“ hay naku jest!, wag mo nga kaming pinagloloko! Bakit nga kasi? Hindi mo iiyakan ng ganyan ang nasagaan na pusa!!” mille, yari!! Nagagalit na ito.

“teka mille, CHILLAX! Ok?? Magkwekwento naman yan . parang di mo kilala yan.” Me

“eh kasi naman! Nagwoworry na ko. last time na umiyak sya eh dahil sa pagkawala ni tita.” Mille

“shhh.. wag ng ungkatin ang topic na yan. Sorry kung pinagalala ko kayo. Sige na magkwekwento na ko.”jest

AYOWN!!! Magkwekwento na sya.

“sige na kwento na! nagiinit na talaga ko! hindi ko mapapalampas kung sino man ang may gawa nyan sayo.” Mille

“ikaw talaga mille, ano bang nangyari jest?” me

“eh kasi nakasagutan kami ni Steve =( “ jest, steve daw?? As in ni sir pogi??

“nino?? Ni Sir JUSTIN STEVEN WRIGHT??” me, tumango si jest

“ABA!! Inaaway kaba nya jest?? Kahit pa Professor natin sya hindi ko sya sasantuhin!” mille , naku HB na talaga ito.

“HOY!! Mille!, tigil tigilan mo ngang pagsigaw mo. Relax ka nga lang. hayaan natin magkwento si jest. Bakit ba kayo nagkasagutan ni Sir pogi? “ me

“ eh kasi ganito yun. Kanina nasa bahay yung pinakamamahal na babae ni steve, eh kilala nyo naman ako minsan may sumpong kaya gumana nanaman ang kamalditahan ko. nakipagsabayan ako ng basagan dun sa babaeng yun. Tapos ang nakakainis pa sya yung kumain nung parte ko dun sa niluto ko . dahil nagkakainitan na kami kaya pinauwi na sya ni Steve. Tapos pagalis nya eh kinausap ako ni Steve kinakausap daw nya ko ng maayos eh sinisigawan nya ko. alam nyo namang ayaw ko ng sinisigawan ako diba? Tapos nagagalit sya kasi bakit ko daw binabastos ng ganun yung si ano.. yung pinakamamahal nyang babae. Tsaka wag na wag ko daw tatawagin na MISTRESS yun kasi daw kung tutuusin ako yung mistress para sakanila. Kasi ako yung sagabal sakanila  =( “  kwento ni jest. Grabe naman!! Ang sakit naman nun.

“HEP! HEP! Wag kang iiyak!! Tama na yung kanina! Kapag umiyak ka malilintikan ka saken!” mille

“eh kasi naman eh. =( ang sakit sakit ng mga sinabi nya.” Jest

He's Going To LOVE Me,.....SOON!!! (COMPLETED)Where stories live. Discover now