Chapter 22 "concern or guilty?"

6.2K 84 27
  • Dedicated to aqua_rius
                                    

A/N:dahil anniversary namin ni wattpad PARTY! PARTY. as a  gift ko sa aking mga readers eto po ako ngayon at nagupdate. .. haha thank you po sa pagtangkilik ng “He’s Going To Love Me,…SOON!”

 As I promised, eto na po.. babawi ako. Hehe enjoy reading guys..

dedicated to : aqua_rius .. thank you sa pakikipagkulitan saken. hehe i enjoy it. :) ayan ah.. di mo na ko hahuntingin. nagupdate na me.

(JESTINE’S POV)

“Sophie??, gising ka muna.” Rinig kong sabi ni ano…

teka??sino yun????  

bakit nandito to? Hindi pumasok??

Pagdilat ko..

“kamusta pakiramdam mo?,kain ka muna.  pinagluto kita ng porridge.”

Totoo ba to? Oh nanaginip ako??Ano daw?? Pinagluto nya ko? porridge? Lugaw ba yun na pinaarte lang??

kinurot ko yung sarili ko.

ARAY! Masakit. Tsk totoo nga ito.

“ahhh eh, thank you. nagabala kapa. Bakit andito kapa? Baka hinahanap kana sa school.”

“It’s ok, nagiwan naman ako ng activities sa mga klase ko. wag ng isipin yun. Kumain kana muna. Kaya mo ba??”   tanong nya.

Teka?? Totoo to diba?? Bakit  Parang nasapian tong si husher .

Nakatingin lang ako sakanya na parang nagtataka.

“What? Is there something wrong?” Tanong nya

“ahhmm wala. Naninibago lang ako sayo. Akina na. Thank you ulit dito.” Inayos ko yung tray sa may lap ko  tinulungan din nya kong umayos ng upo.

“wala kabang meeting na pupuntahan ngayon?” tanong ko

“wala naman. Kumain kana nga muna. Tanong ka ng tanong dyan.” Nagsusungit nanaman oh.

After kong kumain pinagpahinga na nya ulit ako. Nagulat ako sa sunod nyang ginawa.

“bakit mo tinatanggal? Uyy teka!!  Kala ko ba…..” ndi ko na natapos yung sinasabi ko.

“para makaayos ka ng higa.” Sabi ni husher.

Alam nyo anong ginawa nya?? Tinanggal nya yung kurtina sa gitna ng bed namin.

“thank you. kaw di ka magpapahinga? Ok na naman ako eh. Nakapagpahinga na ko.”

“Okay? Tignan mo nga sarili mo sa salamin ang putla putla mo padin. kaya magpahinga ka.”

Ehhhh!! Kinikilig na ko.. sya na concern. Speechless na me.

“opo. Magpapahinga na nga po.”

(JUSTIN’S POV)

After akong talikuran ni Sophie kanina naisipan kong ipagluto sya ng porridge para mainitan yung sikmura nya at magkalaman.

 After kong magluto eh ginising ko nadin sya at pinakain. Ewan nga dun nakatitig saken kanina parang may dumi sa mukha ko. 

tapos sinasabi nyang ok na daw sya? Eh ang putla putla padin nya. Nagaalala talaga ko baka kasi nahihiya lang syang magsabi pero masama talaga pakiramdam nya.

“Are you sure na ok ka lang? baka may masakit pa sayo. Magpapatawag na ko ng doctor kung ayaw mong magpadala sa hospital.” Tanong ko

Umayos sya ng higa at humarap saken. Nasa gilid lang kasi ako nakasandal sa headboard ng bed.

He's Going To LOVE Me,.....SOON!!! (COMPLETED)Where stories live. Discover now