Chapter 37 "Mrs. Wright! ... PRESENT!!"

5.1K 120 27
                                    

A/N: I'm BACK!! namiss nyo ba ko?? ayy este sila Sophie at Husher pala.. hihi..

this chapter is dedicated to @pink_girl19 isa sa mga bago kong reader.. thank you for reading my story.

enjoy this chapter guys.. i hope magustuhan nyo po.

(JEST'S POV)

*YAWN!!!*

whoo umaga na pala. napasarap pala ang tulog ko.

naku!! si husher! hala! nakatulugan ko nga pala kagabi yun.

dali dali akong bumangon at pagbukas ko ng pinto

hala! bakit dito to natulog.

kawawa naman ang husher ko.naku naman kasi jest eh!

"husher?? gising kana. bakit dito ka natulog.?" sabi ko habang ginigising sya

antatag! oh! tulog mantika din pala to minsan

nakihiga nadin ako paharap sakanya at tinitigan sya..

Ang gwapo talaga ng asawa ko.

whoo!! ang lamig ng sahig. nakatagal sya ng ganito?

"husher.. gising na." sabi ko ulit

Bigla nya kong niyakap at pinaunan sa braso nya.

"kiss muna." sabi nya at ngumuso pa.

aba't ang loko gising na pala

"kiss mo mukha mo. bumangon kana at makapagayos kana para makapamasok na. magluluto pa ko ng almusal." sabi ko

bumangon sya at inalalayan din ako patayo.

"magayos kana din. sa labas tayo kakain." sabi nya

"ha? ehh baka.. baka may makakita satin?" sabi ko

"hindi yan akong bahala. trust me." sabi nya at hinalikan ako sa pisngi bago pumasok sa kwarto nya.

***COFFEE SHOP

"sigurado ka bang walang pumupunta na taga school dito? or kaibigan mo na hindi alam ang about satin?" kinakabahan na tanong ko

Para kasing may mangyayaring di maganda

"wag ka ngang magisip ng kung anu-ano. ano naman kung may makakita satin?" sabi nya

"HEY! bakit mo ko binatukan?" inis na sabi nya

"napaka mo kasi! eh malamang kapag may nakakita satin madaming pwedeng mangyari. una sa lahat alam mo namang bawal at baka matanggal ka sa school at baka pati yung pinaghirapan ko mapunta sa wala." sabi ko

"eh ano kung malaman nila? baka nakakalimutan mong kami ang may ari ng school." confident na sabi nya

"ehh basta! wala dapat makakita satin. malapit na naman matapos ang klase. gagraduate na ko. onting tiis nalang naman siguro diba?" sabi ko

" kinakahiya mo ko? ayaw mong malaman na nila na asawa mo ko?" malungkot na sabi nya

"Uyyy! hindi ganun yun! alam mo namang kung ako lang gustong gusto kong ipagsigawan na asawa kita. na ikaw yung husher ko kaso hindi pa talaga pwede. maraming pwedeng maapektuhan kapag may nakaalam. Kilala ang pamilya nyo, mahirap na kapag kumalat ang tungkol satin." paliwanag ko

"ok! i'll respect your decision." sabi nya na nakatingin sa labas kaya napatingin din ako

at nanlaki ang mata ko sa nakita ko at agad akong tumayo.

Pero agad nya kong nahawakan.

"oh bakit? san ka pupunta? di kapa nakakakain masyado ah?" sabi nya

He's Going To LOVE Me,.....SOON!!! (COMPLETED)Where stories live. Discover now