Chapter 24 " the key" (part two)

6.4K 132 47
                                    

A/N: Hi readers!! Happy 10k reads!!! Whooooooooooo…. Ang saya… hehe enjoy this chapter… iready ang unan para yakapin kapag kinilig na.. CHOS!

Dedicated to : littlenut23  - this is for you mammuy.. hehe enjoy..

(JESTINE’S POV)

“hawakan mo din kamay ko. baka mahalata nila yung nasa loob ng scarf.” Sabi ni husher

Dahil masunurin ako. Edi

HHWW kami..

Holding Hands While Walking ang peg namin.

“oh ayan na po. Okay na po ba? ayun oh! May karinderya dun! Tara dun tayo.”

Buti may bukas ng karinderya.. medyo maaga pa kasi para magtanghalian. Ang haba pala nung tulog namin.

“karinderya? Papakainin mo ko dyan? Nahihibang ka naba??”

“diba sinabi ko sayo wag kang choosy! Yan lang kaya ng pera ko kaya wag kang maginarte dyan na kala mo mamamatay ka kapag kumain ka dyan! Daig mo pa babae eh!”

Hinila ko na sya papasok sa loob nung karinderya at naupo.

“magandang umaga sainyo iho at iha. Anong gusto nyong kainin?”

“magandang umaga din po. dalawang kanin po tsaka po  isang menudo at may kaldereta po ba?”

“meron iha. Yun lang ba?”

“opo, tsaka po maiinom. Salamat po.”

“walang anuman iha. Boyfriend mo ba iyang kasama mo?”

“naku! Manang.. hindi po.”

“asawa ko po sya.” Mahinang sagot ni husher

Nakita kong nagulat si manang

Miski ako. Bakit ba sa tuwing sasabihin nya yun nagugulat ako.

“talaga iho? Kaya pala ang sweet nyo. Bagay na bagay kayo.”

Ehhhh?? Bagay kami ni husher?? Ayieee…  feel ko namumula ang pisngi ko.

“salamat po manang.” Sabi ni husher

“wag kang magblush dyan!” bulong saken ni husher..

Ano ba yan! Kahiya! Napatungo tuloy ako ng wala sa oras.

“ang cute naman kiligin ng asawa mo iho. Wag mo syang sasaktan ha? Magmahalan kayo at piliting intindihin ang bawat isa.”

Napangiti ako sa sinabi ni manang.

“salamat po” sabay na sabi namin ni husher

“oh, eto na ang order nyo. Libre na itong inihaw na tilapia para sainyo.”

“naku! Hindi ho ba nakakahiya manang? Pero salamat po ah..”

“walang anuman iha. Sige maiwan ko na kayo ng makakain na kayo.”

Umalis na si manang at nagsimula na kong kumain.

Inilabas ko yung kamay ko pero biglang hinila ni husher at binalik sa ilalim ng lamesa.

“aray! Masakit! Bakit mo hinila?”

“hindi kaba nagiisip?? kapag ginamit mo ang kanan mo mahuhuli tayo. Mapapansin nila yung posas.”

“eh anong ipangkakain ko? hindi ako kaliwete! Tsk!”

“bahala ka! Umisip ka ng paraan para makakain ka.”

“tsk! Sungit!”

Pinilit kong magsubo gamit yung kaliwa ko. GRRR!! Ang hirap! Pero teka bakit hindi kumakain itong isang to??

He's Going To LOVE Me,.....SOON!!! (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant