Author's POV

963 17 7
                                    

|Author's POV

For now magiging anonymous na muna ako, though yung ibang mag babasa nito ay kilala na ako dahil ginawa ko po talaga ito para sa aking cellgroup at sa mga nag cecellgroup para may mga guide lessons sila sa mga ice-cell group din nila.

Kung matagal na kitang reader, masasabi ko lang na maninibago ka sa book na ito dahil ito po ay iba sa lahat na nasulat ko, dahil alam mo na, ang mga genre na mga sinusulat ko ay Action, Drama, Romance, Sci-Fi, Fantasy and etc. Pero ang isang ito ay informational. Kung nabasa niyo naman na ang book ko na "I Am A Christian" about din po sa ating spiritual na buhay iyon.

Paalala ko lang din po na if ever na may pattern po kayo na sinusunod sa inyong church marapat lamang po na sundan mo iyon. Katulad po saamin, G12 System ang ginagamit namin na process sa aming church (if familiar kayo doon) may sunod sunod ng patterm but itong mga lessons na ito ay ginawa ko (sa tulong ng Lord at ng mga books din na mga nababasa ko) for our weekly cellgroup.

Yung idea din po ng "series by series" ay para po ay mas abangan pa nila ang mga susunod na lessons niyo every week.

Ako po kasi as a listener mas na eenganyo po ako sa ganoon para hindi din po patalon talon ang mga lessons.

Bakit nga ba nilagay ko rin ito dito sa wattpad? I just a have a vision from the Lord to share these lessons hindi lamang sa group ko kundi sa iba pang leader to enhance their leadership for discipleship, sabay sabay po tayong lumago!

2018 pa po ako nag umpisa sa mga series na ito kaya sobrang tagal na po.

I pray to God na kung sino man po ang mag babasa nito ay una ay lumago mismo ang taong iyon sa kanyang faith lalo na po kung siya ay isang leader ng Lord at makatulong din po ito sa kanyang hinahawakan na group.

Kapag may tanong kayo just message me or comment nalang, I will answer po.

Godbless and lovelots ♡ x

#GuideLessonsForYourCellgroup

Guide Lessons For Your Cellgroup | Leadership x DiscipleshipWhere stories live. Discover now