Extra: YoonJae's Side Story

111K 1.8K 239
                                    

YoonJae's Side Story, POV

"Kim, sa tabi ni Jae."

Ang boses ni Ma'am na yon, yun ang linyang hinding hindi ko makakalimutan.

   

//4 years ago// 

"Para naman mahawaan ng katahimikan ni Kim si Jae. O, Jae, kausapin mo yan para umingay."

  

Natahimik ako.

  

Itinaas ko ang kaliwang paa ko, naghalumbaba at tumingin sa unahan. Tinitigan ko lang ang pisarang walang sulat. Parang nag iisip lang ako ng nakakatakot na plano sa pwesto ko. Hah!

  

Nag aayos si Ma'am ng bagong seating arrangement. Tuwing Grading Period nya yun ginagawa at talagang iniinis ako at pinaglayo kami ni JunSu na kasama ko sa pambubully.

  

Oo, bully yata tong nagrereklamo sa inyo 

<__< ginamit ko ang gilid ng mata ko para tingnan tong bago kong seatmate. 

Nag aayos sya ng bag at sobra talagang tahimik. Lagi nyang inaayos yung bag nya tuwing hindi naglelesson. Katamad yon di ba? =___=

  

/shock 

Agad kong inalis ang mga mata ko sa pagtingin sa kanya gamit yung gilid ng mata ko't iniba ko naman yung pwesto ko. Bale, nakataas pa rin ang kaliwang paa pero kung kanina ay kaliwang kamay din ang nakahalumbaba, ginawa kong kanan. 

Sa sobrang gitla ko dahil tumigil sya't tumingin sa'kin, lakas tuloy ng tibok ng puso ko.

  

Pshh. Horror ba to? O sobra sa kape? 

- - -

  

"Basta" - Ako.

"Kulot" - JunSu.

"Salot!" - Ako. 

"Basta" - JunSu.

"Kulot" - Ako.

"Salot!" - JunSu. 

Kami yan ni Jun na kumakanta ng pang inis dun sa kaklase naming kulot.

  

Halata namang naiinis. Para kasing pugad ng ibon yung buhok e kakalalaking tao! Hah!

  

"Yan si itim, lalong umiitim! Hahahahaha" - JunSu.

  

Actually, mas grabe mang inis si Jun. >__> 

- - - 

1 week na't.. Di pa ko kinakausap ng katabi ko. Tch. At akalain mo sa mundong ibabaw? Posible palang magkaroon ng nilalang hindi natawa't nagsasalita?! 

(Book 2) She's No Longer the Ice Princess (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon