Ch. 7 - Pt. 1 - EXO

122K 2K 227
                                    

SNLTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 7 - Pt. 1

"Ano yun?" tanong sa isip ko nung may makita akong papel na nakadikit sa bintana sa kwarto ko. Nasa taas pa man din yun kaya tumayo ako para kunin.

Charice POV.

"Go to Diamond Hotel, Ice Princess. (B2ST)" - ang nakasulat sa papel. Sakto namang may kumatok at bumukas nung pinto ng kwarto ko. "Morning wifey" bati ni Gosu sa'kin.

Napansin n'yang may hawak akong papel kaya nilapitan n'ya ako.

"Ano yan?" - Gosu na nalapit sa'kin para tingnan kung ano yung nakasulat sa papel.

"Wag kang pupunta." - tuloy pa n'ya nung nakita n'ya.

Ba't ako pupunta, di ko nga alam kung san yung Diamond Hotel x)

Bumaba kami. Nakita naman namin sina Ji at Bianca na nagkakape. Napatingin sila sa'min.

"Anong ginawa n'yo?" - Bianca na nanlalaki ang mata.

"Ba't sabay kayong bumaba?" tanong pa ni Ji.

"Ha?" - Kami.

"Kahapon di ba monthsary n'yo?" - Bianca.

"Tapos?" - Ako.

"Ginawa n'yo.. yun?" - Bianca sabay tingin sa akin.

"T-teka! Di ah!!!" - pagtanggi ni Gosu kahit di ko magets.

"Anyway, ano ba to, Bianca?" tanong ko sabay bigay sa kanya nung papel. Binasa n'ya naman agad yun. "Di kaya.. nagalit sila dahil umalis ka?" teorya n'ya.

Di naman ako makasagot. Di ko rin alam eh.

"Teka? Diamond Hotel? Di ba.. ang hotel ng B2ST ay.. B2ST Hotel?" Bianca na suot suot yung necklace n'ya ng B2ST kaya sa tingin ko, alam na ni Ji.

"Oi, taba, tarang magpataba." - Ji sabay hila kay Bianca.

"No thanks, mas kailangan mo ata." - Bianca.

Halata naman na nagtitigan sila ng masama based sa view ko -__-

"Wifey!" - Gosu.

"O?" - Ako.

"U." - Gosu.

"U?" - Ako ?__?

"A, E, I.." - Gosu.

Ano daw ?__?

"Lagi ka kasing O. Ako si U. Tingnan mo lips ko wifey. U!" - Gosu na adik =___=

"Kiss daw. Wahaha!" - Bianca.

Nag roll eyes na lang ako. Buti na lang Sabado ngayon kaya pakape-kape lang sina Bianca. Mamaya naman, habang naghuhugas ako ng plato, biglang tumunog yung doorbell.

Pagtingin namin, andun sina Layzzah, Prances, Pamsy at Hya. Speaking of Hya... ngayong alam kong B2ST member s'ya, idol ko na s'ya! LOL! Bakit kaya n'ya tinatago na B2ST member s'ya?

Pinapasok namin sila. Mag movie marathon daw kami. Syempre, si Bianca, s'ya yung agad na nagsaksak ng TV. Umupo ako sa tabi ni Hya. Sabagay, alam n'yang B2ST member si Bianca dahil ng necklace n'ya. At saka pustahan, nagkita na sila nung pinakilala si Bianca bilang B2ST.

"Hya" tawag ko habang busy sina Ji at Gosu sa pag aayos ng makakain namin.

"Kung bumili kaya kami ng popcorn?" rinig ko pang suwestyon ni Gosu.

Pasimple kong iniabot sa kanya yung papel.

"Sht?! Bakit may letter ka galing EXO?" - bulong ni Hya sa'kin.

"I-ekso?" - pag ulit ko.

"At mukahng... ikaw yung target nila... pero di ko gets kung bakit... pwera na lang kung ikaw yung..."

"Yung?" - Ako sabay tingin sa logong nasa likod nung papel na ang shape ay Hexagon tapos nakasulat ay EXO-plosion o . O

"Uhh" - Hya na parang nag aalinlangang ituloy.

"Labas lang ako. Bili ng coke" - Gosu na may hawak ng susi.

"Ok!!!" sagot naman nina Prances at Layzzah.

Busy pa rin naman sa pagsaksak ng TV si Bianca dahil wala na namang video. Di naman nagtagal, nagkaron na ng video. Tumayo naman si Pamsy para iabot yung DVD na piratang binili nila.

"PAMSY!!!" - Layzzah sabay hawak kay Pamsy. Napatayo yung iba sa'min sa nangyari. Nakita kong pumunta agad si Ji sa sala para tingnan yung nangyari.

Natamaan si Pamsy sa mata ng bubog(?) na mukhang galing sa labas. Agad na inalalayan ni Layzzah si Pamsy habang umiiyak si Pamsy sa sakit. Bigla namang nagsunudan ang mga parang paghagis ng mga bubog mula sa labas.

"Upo!" - sigaw ni Ji na bakas sa mukha ang pagtataka.

"Ah!" - Prances na hawak yung binti n'ya. Natamaan din kasi ng bubog... pero this time, bubog ng bintana ng bahay.

FCKSHT! SINISIRA YUNG BAHAY NA PINAGHIRAPAN NI MAMA!!!

"Cha! Wag kang tumayo!" - sita ni Bianca sa'kin.

Pero bago ko pa nalaman, bigla na lamang lumiwanag ng sobrang liwanag na puro puti lang talaga ang nakita ko at may usok pa. At nalaman ko na lang na parang may kamay na humila sa'kin papalabas ng bahay.

*BANG*

Rinig ko ang mga pagsigaw nina Bianca, Layzzah at Prances nung biglang may malakas na putok. Medyo nawawala na yung usok. Nakita ko pa si Bianca na nakaupo dahil siguro nung putok. Pinilit kong alisin yung kamay nung nakahawak sa'kin pero di ko magawa dahil medyo nahihirapan na akong huminga dahil nung usok. Naramdaman ko rin ang mabilis na pagposas sa aking mga kamay.

"WIFEY?!!!! SHT!!!!" rinig kong tawag at sigaw ni Gosu sa'kin nung malaman kong pinasok ako sa isang kotseng puti. Di ako makasigaw pabalik dahil sa kamay na nagtatakip ng bibig ko.

At bago pa sumara yung pinto ng kotse ay nakita ko si Gosu na patakbong papunta sa'kin.

"STOP!!! WIFEY!!!"

Mabilis siyang lumiit sa paningin ko dahil na rin sa bilis ng takbo ng kotseng sinasakyan ko. At bago pa ako lumingon para makita ko kung sino yung nakahawak sa'kin ay nagdilim na ang paningin ko. Tinakpan na nila ang mga mata ko. Pero naririnig ko yung tugtog mula sa radyo. Paulit ulit na EXO lang yung lyrics.

(Book 2) She's No Longer the Ice Princess (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon