Ch. 15 - Pt. 2 - Fres Candy

102K 1.9K 216
                                    

SNLTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 15 - Pt. 2

  

"Wow naman! Ceres Transport! Sosyaaal!" - rinig kong kwentuhan nina Prances.

"Hi Prances" - Ako. 

Bianca's POV. 

Tumingin lang sila sa'kin. 

"Nasan sina Layzzah?" - Ako. 

"Tara sa 7eleven. May baon kayo?" - Prances na hinihila sina Kimberly. 

Napatingin na lang ako sa sahig. Habang paalis sila sa harapan ko.

Nakita ko naman ang nag aalinlangang tingin ni Pamsy. 

"Eh di ba Prances, bawal magdala ng pagkain sa EK.." - Pamsy. 

"Sa byahe! Kagutom yon." - Prances. 

.

Nawala na sila sa harap ko.

At least naman, sabihin nila kung bakit nila ako iniiwasan di ba?! Kaiyak kaya! Buset!!! Nagbabagya na namang pumatak luha ko! 

"Bianca koo"

  

Napalingon ako. 

"Tabi tayo!" - Ji. 

"Tse! Kahit naman di mo sabihin! Alangan namang wala akong katabi no!" - Ako.

  

"Ba't high blood ka?" - Ji. 

"Kasi tae ka!" - Ako sabay sakay dun sa Bus #1. 

Sumunod naman si Ji. Umupo ako sa pinakaunahan at sa may bintana. Humalimbaba agad ako.

  

"Ang ganda ng noo mo" - pang aasar ni Ji. 

"Tsk. Pwede tahimik muna?" - Ako.  

"Ok." - Ji. 

Nagmumura yung utak ko dahil inis na inis ako. Eh kasi naman! Di ko alam kung bakit di nila ako pinapansin! Ano bang problema kasi?! 

Mga 9:17 am nung may umakyat na teacher sa bus.

  

"O, kasya dito mga estudyante ko, palilipatin ko na lang sila."

  

May narinig akong ng yehey sa mga kaklase ko. Tumingin ako kay Ji na nagsosoundtrip.

  

Kinulbit ko sya. Inalis nya naman agad yung earphones na nakapasok sa tenga nya.

  

"Nasan si Gosu?" - Ako. 

"Ahh.. Ewan? Wala pa ba?" - Ji sabay tingin sa likod (kase kami nasa pinakauna)

(Book 2) She's No Longer the Ice Princess (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon