Ch. 13 - Pt. 1 - That necklace

104K 1.8K 202
                                    

SNLTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 13 - Pt. 1

  

"Para po." - Ako. 

Bianca's POV 

*swooosh*

  

Nice, ang gora. Pagbaba ko may hangin agad. Ang peaceful naman ata dito oh.

  

Ay onga pala, kung nasan ako? Eto, nasa La Salle. Ginagawa ko? Uh pasyal? Free time kasi?

  

"Burger!" 

Nagtinginan sa'kin. Eh sino naman kaseng shunga na sisigaw ng burger eh pwede namang bumili eh no? 

Tumungo ako saka ko kinuha cellphone ko at kunyareng nagtetext. Pasimple akong lumapit sa Burger Machine at napatingin ako dun sa tarpaulin ng La Salle. Congratulations bla bla bla yung nakasulat.

  

Titingin na sana ako sa ibang direksyon kasi di ko naman ka-ano ano yung mga andun ng may mapansin akong parang ukit sa may gilid ng tarpaulin. 

Hindi ko naman alam ang irereact ko dun sa nakasulat. Eh kasi, di ako makapaniwalang iuukit nya yon. 

Lalaki kasi sya pero nagawa nya yun? 

< Ji and Bianca Hwang. First Date: January 25, 2012. > 

May bilog pa yun. Bato siguro yung ipinang ukit nya. 

Napaisip tuloy ako. 

Sya nga kaya yung nakita ko nun?! 

- - -

"Kyaaaahh! Ang gwapo gwapo talaga nung Gosu ng FA! Gusto ko sya iuwi!" - naririnig nya habang naglalakad.

  

Third Person's POV

'Gosu? Aso siguro yun. Gusto nya iuwi eh' ang nasa isip ni Charice. 

Itinapon naman ni Charice yung lalagyan ng ice cream ng maubos na nya ito. Oo, kinain nya pa rin kahit nawalan na sya ng gana. Sayang din naman. 

Lumapit sya at sumilip silip sa pinagkakaguluhan ng mga babae. Pagsilip nya, laking gulat nya nung parang nakuryente sya dahil nakatingin din yung lalaki sa kanya. 

Nagtitigan lang ang dalwa kahit ang dami daming tao, parang nawawala ang mga iyon at yung lalaki lang na nakatingin sa kanya yung tanging nakikita nya. 

"Gwapo ni Gosu nuh!" - narinig nyang bulong ng isa dun sa isa. 

'Gosu? Pangit naman ng napiling pangalan sa kanya. Dapat gagu na lang, mas madaling bigkasin.' nasa isip na naman nya. 

(Book 2) She's No Longer the Ice Princess (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon