DIESI-NUEVE

10 1 0
                                    


Sabrina Ana Maniego

Natapos lahat ng laboratory tests at pinayagan na kami ni joseph na pumasok ulit sa school, halos isang lingo din kami sa ospital at dinlaw na din ako nina mang ben at ni krystal na nag-alala sa nangyari , di rin sila makapaniwala sa nalaman na iba ang totoo kong mga magulang , sinabihan din ako ni mang ben na huwag na pumasok sa flowershop pero tinanggihan ko dahil mahalaga na din sakin ang lugar na iyon na nagpapaalala sa mga taong nagmahal sakin at kumupkop.

Sa mansion muna ni Mr. Carvajal ako tumuloy habang pinapaayos yung bahay naming mula sa sunog, alam kong di na maibabalik yung orihinal na ayos nun pero ang mahalaga maiayos yung bahay na kinalakihan ko , malaki din ang utang na loob ni Mr. Carvajal kila papa sa pagkupkop sakin kaya isang paraan na din ng pasasalamat ang ipaayos niya ang bahay namin.

May naghatid din sa akin sa school, tatanggihan ko sana si Mr. Carvajal pero naintindihan ko na natatakot na siya matapos ang pagsunog sa bahay naming, alam kong natatakot na siya na may mangyari ulit na hindi maganda sa akin, habang naglalakad papunta sa silid ni Mr.Hector para sa klase ko sa kanya ngayong araw, nang may biglang humawak sa braso ko kaya napatigil ako,

"Sam, nabalitaan ko yung nangyari ... kamusta ka?"- nagulat naman ako ng si xierjhon ang makita kong may hawak sa akin, mababakas na nagaalala siya sa ekspresyon ng mukha niya ngayon, " ayos lang ako , nakakabawi na din sa mga nangyari ... salamat " yun na lang ang nasabi ko at naglakad nang diretso papunta sa klase ko , di ko alam kung ano mararamdaman k okay xierjhon , kung dati ay puro kilig , saya at tuwa ang nararamdaman ko pag nakikita ko siya ngayon hindi ko na alam, kahit pa wala pa akong ebidensya na ang daddy niya ang may gawa ng lahat , di ko pa din maiwasan ang maghinala at matakot para sa buhay ko .

"Sam , kung may problema ka , pwede mo akong lapitan." Di pa ako nakakalayo ng magsalita siya ulit, at naglakad na rin siya sa salungat na direksyon, kung noon niya siguro ako kinausap ng ganito ay malamang kinilig at nagtatatalon na ako sa tuwa,pero iba na ang sitwasyon ngayon,di ko na maintidihan yung sarili ko sa mga dapat kong maramdaman at para di ako magkamali sa kilos ko ay iiwas muna ako sa kanya, sa kanila.

"so ayun na nga, sinagot ko na si klent, and its really not a drill sab!!"- excited na nagkukwento si suzy na sinagot na niya si klent kahapon, walang duda na sasagutin niya ito dahil talaga namang bagay sila , at pareho ng lahi, masaya man ako para sa kanila di ko naman buong maipakita yun kay suzy at alam kong naiintindihan niya ako.

Natapos ang lahat ng subject at nakatanggap ako message mula kay Mr.Carvajal

From:Dad

Ana, be home on time , your little brother is excited to meet you.

Si timothy kasi ay kaninang umaga lang bumiyahe from manila, nung nalaman daw na nahanap na yung nagiisang ate niya sa first love ng dad niya ay nagmamadali daw na nagsabi kay Ma'am Mathilde na umuwi sa southvillage, ako din naman ay natutuwa na ngayon ay may kapatid na ako, at may pamilya, maghapon ko namang hindi nakita si joseph hindi ko alam kung pumasok siya o hindi pero deserve niya na magpahinga at lumayo sakin at sa hindi magagandang bagay na pwede ko idulot sa kanya.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako at nag-iisip, ano pa ang susunod na mangyayari? sino pa sunod na mamamatay dahil lang sa matagal na nilang hinanakit? Hindi ko mahulaan ang plano ng mga deliano pero isa lang ang sigurado, hindi sila titigil hanggat di nakikita si mommy at napapagbayad sa kahihiyan na ibinigay sa kanila ng hindi matuloy ang kasalan,

kailangan kong mahanap si mommy anastacia.

Hindi din maalis sa mata ko ang isang asul na kotse na kanina pa samin nakasunod mula sa school, sinabi ko sa driver na ihinto sa tabi ang kotse at ng huminto kami ay agad na nag u-turn ang asul na kotse malamang ay alam na niya na napansin ko ang pagsunod niya sa amin, at agad naman kaming dumeretso sa mansion.

Mula sa gate ay nakaabang na sila dad sa front door ng mansion, kasama si timothy at ilang mga kasambahay, nakakatuwang malaman na may pamilya na akong uuwian ulit at sa pagkakataong ito ay kadugo ko sila at tunay na pamilya, isang batang lalaki na medyo may pagkaseryoso ang mukha ang nasa tabi ni mr.carvajal, malamang siya si timothy , suplado sa unang tingin, at kung hindi lang sinabi ni dad na excited siyang makita ako ay iisipin ko na ayaw niya sakin dahil sa mga mata niya, nasa edad labindalawa na siya at masyadong malaki ang pagkakahawig nila ni Mr.Carvajal, mula sa kilay hanggang sa labi ay di maitatanggi na mag-ama sila

Nang makalapit na ako ay agad nagsalita si Mr.Carvajal,

" Timothy, I would like to introduce to you, your sister , Sabrina ., Sabrina this is timothy , your little brother .. " panimula niya, lumapit naman sakin si timothy at kinuha ang kamay ko sabay halik dito na siyang ikinabigla ko " nice to meet you big sister ." – maikling pagbati niya na wala manlang reaksyon ang mukha , inisip ko na lang na baka naninibago pa siya na may kapatid na siya ngayon , " ako din , ikinagagalak kong makilalala ka timothy..."- nakangiti kong tugon at umaasa na makampante siya pagkatapos non,

"nakahanda na ang hapunan , let's go inside ." pag aya ni Mr.Carvajal , pumasok na kami sa mansion upang maghapunan, marami silang inihanda na para bang may malaking okasyon na ipinagdiriwang mahaba ang lamesa sa dining area na kakasya ang labinlimang tao sa aking palagay, hindi tulad ng nakasanayan ko na lamesang may apat na sulok lang para sa amin ni papa, mama at manang teri noon pag kumakain kami sa hapag, simpleng mga putahe na niluto ni mama at manang, tawanan habang nagkukwentuhan, simple man at maikli ang naging buhay ko kasama sila, naging masaya at makabuluhan naman iyon para sa akin, sila ang humubog sa kung sino ako ngayon, at habang buhay koi yon ipagpapasalamat sa kanila, pero sa ngayon kailangan ko munang mag-adjust sa bago kong mundo, at maging isang carvajal.

Miss Fortunate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon