DIECISIETE

7 1 0
                                    

Sabrina Ana Maniego

Andito kami ngayon sa isang mansion na hindi ko alam kung kanino, kasama ko ngayon si joseph at ditto niya ako dinala upang maliwanagan sa mga pinagsasabi niya kanina na hindi sina mama at papa ang tunay kong mga magulang, hindi na din niya tinangka pang pagpaliwanag sakin , dahil alam kong natatakot siya sa magiging reaksyon ko, pinapasok naman kami agad sa mansion ng makilala si joseph ng guard, pinaupo niya ako sa sala at sinabing hintayin ko daw siya doon, malaking malaki ang bahay, masyadong mataas ang ceiling nila, may magarang chandelier sa gitna , ang kabuuang tema ng bahay ay parang mint green at white, malamig sa mata at nakakakalma yung ganitong bahay sa paningin, magagara din pati ang mga dekorasyon ng bahay, halos ayaw kong gumalaw sa pagkakaupo dahil baka makabasag o makasira ako ng kung ano .

Ilang minute pa ay bumaba ang isang matandang lalaki kasama si joseph mula sa magarang hagdan sa kanang bahagi ng sala, nasa edad early 50's na siya pero mukha pa ring matipuno, sa tingin ko guwapo siya nung binata siya, makapal ang kilay niya, malalim na bilugan ang mata at matangos na ilong medyo kulot ang buhok niya na kinulayan ng brown, " magandang hapon hija, maupo ka, "- bati niya sakin saka tinawag ang katulong na nakaabang sa gilid, at inutusan kumuha ng meryenda, " magandang hapon din ho " pagbati ko bago umupo, " ako si Richard Carvajal "- sabay abot ng kamay niya " Sabrina po, Sabrina Maniego " nakipagkamay naman ako sa kanya at naupo na kaming tatlo, may dinukot naman si Mr. Carvajal sa bulsa ng pants niya , pitaka niya ito at pagbukas noon ay isang picture ng babae at inabot sakin, wavy ang buhok , kita ang kaputian niya kahit malabo na ang litrato dahil sa kalumaan, kakaiba ang ganda ng babae sa picture, mapungay ang mata niya at maliit ang ilong at bibig, " she's my first love, anastacia is her name, I call her stace, I was 20 when I met her as sa isang gathering she's stunning and she got all the attention of every man that night, kilala ang pamilya nila sa public service her father is a governor before , and their parents got annulled the year before mag-election at nag-asawa ulit si governor saldivar, at silang mag-ina ay napalayas sa mansion sa hindi niya alam na dahilan, plano ng mom niya na ipakasal siya sa binatang deliano na nanliligaw sa kanya, nagkausap na ang mga magulang nila pero nagkakamabutihan na din kami nung panahon na iyon, at alam ko na mahal na din niya ko, late na ng masabi ni stace sa mom niya na kami na at payag akong pakasalan siya para maisalba silang dalawa mula sa pagkaabandona ni governor, mahigpit ang pamilya deliano sa mga pangako, at malaki ang kagustuhan ni filimon deliano na maikasal kay stace dahil sa ganda nito, may nangyari saming dalawa pero pagtapos nun ay umalis na lang siya bigla , I knew she just want to escape and she didn't tell me her plans dahil ayaw niyang madamay ako sakaling magalit ang mga deliano sa di niya pagsunod sa kasunduan nila, namatay ang mom ni stace a week after niyang di magpakita sa mga deliano, Inatake daw sa ito sa puso, but I don't believe it, nagbayad ako ng mga private investigators para hanapin si stace, at huli siyang nakita sa park ng golden village na may inabot na sanggol sa isang lalaki at di na siya ulit nakita, that baby was our baby, this guy is Salvador a friend of stace may asawa siya that time it's rina, sila ang tumayong mga magulang mo , you are my child, I knew it she was pregnant ,pero tinago ka niya sakin, mas magiging ligtas ka mula sa deliano kung binigay ka niya sakin pero dahil ayaw niya kong madamay , kay ador ka niya binigay" nagulat naman ako sa mga rebelasyon ni Mr.Carvajal at tumulo na lang ng kusa ang mga mata ko , buong buhay ko inisip ko na mag-isa na lang ako, at ngayon eto may malaking kwento pala sa likod ng malungkot kong buhay, napahagulgol ako ng makita ang sketch ni papa na nakaside view at ang picture ni miss anastacia na totoo kong ina, bigla naman akong napayakap sa totoo kong tatay, hindi ko alam pero magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko sa nalaman ko. Nakaupo lang si joseph ngayon habang pinagmamasdan kaming mag-ama " ano naman ang kinalaman mo ditto .." – tanong ko sa kanya, " ahh inaanak ako ni ninong Richard, at pinakiusap niya sakin na ituloy ang pagahahanap sayo dahil mas hindi ako paghihinalaan ng mga deliano o ng kahit sino mang may interes sayo dahil estudyante lang ako at maswerte naman na napadaan ako sa flowershop na pinagtatrabahuhan mo at naitanong k okay mang ben kung kilala niya yung nasa sketch at sakto naman na kaibigan niya pala si mang ador, tinuro niya sakin yung puntod at nalaman ko agad na ikaw yun dahil minsan mo na kong sinama sa puntod nung dumalaw ka, at nakasigurado pa ako lalo nung ipa-dna ko yung baso mo at nag-match naman kay ninong , pasensya kana at di na ko nagpaalam sayo nung ginawa ko yun ah, ayoko din na guluhin pa yung isip mo , "

_____________________

Joseph Jayden Monzanto

Habang naguusap kami nina ninong Richard at Sabrina, tumunog ang cellphone niya at tumawag si mang ben sa kanya, napatayo naman si Sabrina sa sinabi nito sa kanya at mukhang mabigat na naman ang isang ito, " bakit sab, anong nangyari,?"- lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya .. " nasusunog daw ang bahay! Si manang teri .. si manang siya lang ang mag-isa dun! Kailangan ko siyang puntahan "- palabas na si Sabrina ng bahay at sumunod naman kami ni ninong sa kotse na lang kami ni ninong sumakay at ako na ang nagmaneho dahil mas kabisado ko ang papunta sa kanila malapit na kami ng makita naming ang kumpol ng mga tao sa nasusunog nilang bahay , mag mga bumbero na din sa palibot ng bahay, pagkahinto naming ay agad na tumakbo si sab papasok ng bahay di na siya napigilan ng mga bumbero na pumasok kaya't sinundan ko siya , mausok sa loob may mga bumigay na din na kisame, natanaw ko si sab sa isang kwarto sa kanan hawak – hawak si manang teri na ngayon ay nakahiga sa sahig, pero naliligo na sa sarili niyang dugo , lumapit ako sa kanila at agad kong binuhat si manang teri, akala ko naman ay susunod na sakin si Sabrina pero nang makalabas ako ng bahay at mailagay sa emergency si manang ay wala pa rin siya kaya pumasok ako ulit, pero ngayon ay mas kumapal pa ang usok, natanaw ko si Sabrina na may hawak na box na kulay brown habang naglalakad papunta sa direksyon ko pero agad akong napatakbo sa kanya ng makita kong mababagsakan siya ng kahoy mula sa kisame na guguho agad ko siyang hinila pero ako ang tinamaan ng mainit na kahoy, agad naman akong napatayo at kahit mahapdi ang likod ay sinikap ko na makalabas kami ni Sabrina ng ligtas sa lugar na iyon.Pagkalabas naming ng bahay ay napayakap na lang ako kay Sabrina ng mahigpit at siya naman ay umiiyak habang pinagmamasdan ang bahay na tinirhan niya at naging tahanan niya sa mahabang panahon.

Miss Fortunate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon