BEINTE-SIETE

10 1 0
                                    


BEINTE-SIETE

Sabrina Ana Maniego

Hindi ako nakadalo sa Graduation Ball , dahil hindi pa ako pinayagan ng doctor na lumabas ng ospital , mukhang naging masaya naman si suzy at klent sa party , at ngayon ay masaya na din akong aakyat sa entablado bilang magtatapos, masaya ako na naligtas ni dad si mom mula kay mr.deliano , at ngayon ay kasama ko silang aakyat sa stage at alam kong masaya sila para sakin, tama nga si dad kamukha ko si mom at sa unang tingin pa lang ay hindi na maitatanggi na anak nga niya ako , wavy hair , mapungay na mata, maliit na ilong at bibig, having them feels like home. Im now home, with my real family, guess I can say im fortunate enough to have a family again.

" Congrats anak, you did great, proud kami sayo at sa lahat ng napagdaanan mo na nalampasan mo nagpapasalamat kami sa diyos at ligtas ka at kasama namin ngayon"- emosyonal na tugon ni mom habang palabas kami ng school, tapos na ang ceremony, umuwi na din si suzy dahil bumiyahe ang parents niya mula pa korea para i-celebrate ang graduation niya, at sila mom and dad naman ay nagpahanda din sa bahay, they invited all their friends and relatives dahil may pa party sila sa mansion , although tinanggihan ko na magkaroon ng ganon kalaking celebration may announcement daw kasi sila, kaya din sila nagpa-party .

Magara ang ayos ng garden sa likod ng mansion, doon nila gaganapin ang party, nagbihis naman ako at nagayos ng sarili bago tuluyang bumaba, si timothy at dad naman ang paunang nag-welcome sa mga bisita sa ibaba, habang nagaayos ako ay biglang kumatok sa pinto, at pumasok si mom na ngayon ay napakaganda, kahit nasa 40's na siya ay kita padin ang natatangi niyang ganda, " are you ready?"- tanong nito ng makapasok , lumapit naman siya sakin at hinagod ang buhok ko sa likod , " opo, masaya rin po ako na kasama ko na kayo ni dad ."- nakangiting tugon ko sa kanya " but you're eyes says , you are not fully happy... what's bothering you? Hindi man kita nakasama ng mahabang panahon , but I've been following you, the last time I saw your eyes smile was when you were with him, siya ba ang dahilan ng lungkot sa mata mo anak?"- diretsong paliwanag niya na ikinagulat ko, kilala niya si joseph? " he's now engaged mom, kahit gusto kong sabihin sa kanya na nasasaktan ako sa desisyon niya di ko po magawa dahil ni minsan di ko naman inamin sa kanya na gusto ko din siya , na mahal ko din siya, but he always makes me feel special and safe all the time, sa katunayan po ilang beses na niya kong niligtas, he's always there for me, he even say na willing siyang samahan ako sa lahat ng mga pagsubok na dadaan ko kasi mahal niya ko , but now he's getting married to my friend." – paliwanag ko pero di pinigil ko na mabakas sa mukha ko yung lungkot , ayoko na sirain ang magandang araw na to. " pero mahal mo ?"- diretsong tanong niya " yes mom."- tipid na sagot ko " then you should fight for it, dapat nagawa mo na muna ang lahat bago ka sumuko anak, para wala kang pagsisihan sa huli." - natauhan naman ako sa sinabi ni mom tama siya wala pa kong ginagawa sumusuko na ko, ni hindi ko pa nga nasasabi na gusto ko siya eh . " let's go now, hinihintay na tayo ng dad mo sa party."- saka naman ako tumayo at sumunod sa kanya, im now wearing the necklace , yung necklace na sinauli sakin ni joseph.

" I now present to you , ladies and gentlemen, my long lost daughter , Sabrina Ana Carvajal "- panimula ni dad bago ako umakyat sa platform, nagpalakpakan naman ang mga tao sa anunsiyo ni dad, " after how many years we already found her, and also her mom , as for another announcement may I call on , Anastacia Saldivar"- lumapit naman si mom ng nakangiti habang pinapalakpakan ng mga tao, nagulat naman kami ng lumuhod si dad sa harapan ni mom " it's been years stace, but it still you , still the woman I only love, the woman I see myself grow old with, It has always been you, and you until forever, my stace... will you marry me?" – sabay labas nito ng singsing na hinugot niya mula sa bulsa , na nagpaiyak kay mom at ganun nadin sakin, what a sweet public proposal , kitang kita sa mata nila ngayon ang saya " of course yes, my ricky !" – naging hudyat naman iyon para tumayo si dad at isuot kay mom ang singsing na tanda ng pangako nilang pagharap sa altar.

Mula naman sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang tao na kanina ko pa hinahanap , alam kong dadalo siya sa imbitasyon ni dad, paalis na sana siya kaya naman agad ko siyang sinundan, pabalik na siya sa pinto papunta sa mansion, ng tawagin ko siya " Joseph ..."- napahinto siya ng marinig ang boses ko, nanghihina ako pero kailangan kong lumapit sa kanya, lumingon siya sa direksyion ko habang papalapit ako sa kanya, halong kaba at tuwa ang naramdaman ko ... di ko alam kung paano magsisimula.

" Matuloy man yung kasal mo o hindi, masaya ko para sayo sa desisyon mo ..."- hipokrita kong sabi kahit sa totoo ay ayaw ko naman talagang matuloy.

" pero bago man sana mahuli ang lahat, masabi ko man lang to sayo , bihira ang makatagpo ng taong kagaya mo, masaya ko na nakilala kita, sa pagligtas mo sakin, sa pagkakahanap mo sa totoo kong katauhan, sa pag-aalala mo sakin, lahat ng iyon nagbigay sakin ng senyales para magustuhan k-ka ..."- nakakatal na sabi ko kahit na sumasakit na yung lalamunan ko sa namumuong luha sa mga mata ko, kailangan ko ng masabi lahat ngayon... " hindi ko man nasabi sayo noon pero mahalaga ka sakin Joseph, loosing would feel so empty , the night you said ' I love you' alam kong sakin kana , di ko lang alam kung tama ba yung pagkakataon para ibalik ko yun sayo , pero kung hindi man ito yung tamang pagkakataon, baka kasi ito na yung huling pagkakataon para sabihin ko sayo na mahal din kita ..."- naluluha kong sabi bago lumapit sa kanya at yakapin siya, yumakap din siya pabalik na lalong nagpaiyak sakin. " You wont be replaced sab, dad planned that wedding with krystal, she was very persistent na matuloy yun, kaya na-convinced niya yung dad niya para kausapin si dad na malaki ang magiging impact sa company kung magsasanib ang families namin, at first I don't wanna refuse to dad's offer dahil alam kong ikakagalit niya yun, pero habang kasama ko si krystal sa ilang family gatherings , yung utak ko ikaw ang iniisip, and that's the cue that I have to talk to dad, lahat kaya kong gawin for them pero hindi yung pagmamahal ko sayo yung maisasaalang-alang , hindi na siya tumutol nang malaman niya na ikaw ang gusto ko , he knows ninong Richard, pero nung makarating ako sa ospital hindi ko alam na nakarating na sayo yung balita, hindi ko alam kung maniniwala ka sakin pag sinabi kong hindi na matutuloy yung kasal, alam kong madami ka pang iniisip at pinoproblema, I choose to distant myself from you, until matapos lahat ng pinagdadaanan mo ... I love you sab and no circumstances can change that."- mahabang paliwananag niya na ikinabigla ko ... " Sabrina Ana Carvajal , will you be my mine? "- tanong nito habang nakahawak sa mga kamay ko , parang huminto ang mundo ko sa mga narinig ko , nananaginip ba ko? " oo namaaaan! Im all yours joseph, my heart is yours ." – at hinalikan niya ang mga kamay ko ng sagutin ko siya , ito na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay ko , at ako na ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo.

Miss Fortunate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon