BEINTE-CINCO

6 2 0
                                    


BEINTE – CINCO

Sabrina Ana Maniego

Nagising ako na nakagapos at madilim ang paligid nagdulot ito ng matinding takot sakin, hindi dahil takot ako na mamatay o mapahamak kundi takot na mag-alala sakin si dad , ayoko siyang mag-alala sakin lalo na ngayon na sigurado akong hinahanap niya ako dahil kung hindi ako nagkakamali ay umaga na dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana, hindi na ako nag-aksaya ng lakas na sumigaw pa dahil sigurado akong kung may masama silang balak sa akin ay hindi nila ko dadalhin sa lugar na may makaka-alam, maaring pag sumigaw ako ay matawag ko lang ang pansin nila, umisip ako ng paraan , lubid ang nakakatali sa mga kamay ko na nakatali naman sa paanan ng upuan, luckily hindi nila itinali ang paa ko kaya nakatayo ako at dahil hindi naman ganoon kabigat ang upuan ay sinikap kong buhatin ito at lumapit sa isang maliit na lamesa katabi ng pinto, kinakabahan man pero kailangan kong makaisip ng mabilis na paraan kung paano makakatakas.

Nakakuha ako ng lighter sa lamesa binuhat ko ng isang kamay ang upuan na inaalalayan ng aking likuran kaya naka-bow position ako ngayon at yung isa kong kamay ang pinagkuha ko ng lighter , pero dahil may narinig akong yabag ng mga paa ay dali dali akong bumalik sa kinalalagyan ko kanina. Sakto namang bumukas ang pinto, " gising kana pala, wag kang gagawa ng kahit anong ikaiinis ko kundi hindi mo magugustuhan ang magagawa ko sayo ... mag-ingat ingat ka , sexy ka pa naman ... tiba tiba kami sayo miss. " nakakadiring tugon nito bago lumabas , hindi ko na siya sinagot pa dahil baka mapikon at mapahaba pa ang diskusyon , dahan dahan kong sinindihan ang lighter sa likod ko , medyo makapal ang lubid kaya natagalan itong matanggal , pilit kong tiniis ang paso sa kamay ko dahil sa hindi ko kontrolado ang posisyon ng lighter dahil sa pagkakatali ng kamay ko , ng matanggal ako sa pagkakagapos ay humanap na ko ng ibang daan palabas , binuksan ko ang bintana at dun ako dumaan ginamit ko ang upuan kanina para makalabas sa bintana at di naman ako nabigo , tahimik sa labas at mukhang hindi pa kami nakakalayo sa South Village dahil tanaw ko pa ang highway mula sa kinatatayuan ko pero madamo ang paligid kaya sigurado akong private property ito, binaybay ko ang likod na bahagi ng building ng may marinig akong sumasaklolo mula sa isang bintana, at ng silipin ko ito ay nakita ko si miss anastacia na nakagapos " sa tingin mo ba matatakasan mo pa ko? Ilang taon mo kong tinaguan ana at pinagmukhang tanga ... you can't get away with it ." – sabi ni mr.deliano na ngayon ay nakatayo sa harap ng mommy ko , " alam mo? Ang hindi mo pagtanggap sa kapalaran mo ang maghahatid sayo sa impyerno filimon, at kung sa tingin mo dito matatapos ang lahat nagkakamali ka ." – palabang tugon ni mom habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa harapan niya , at dahil dun ay isang matunog na sampal ang binigay sa kanya ni mr.deliano dahilan para mapakapit ako sa bintana ... ng biglang may humatak sakin at tinakpan ang bibig ko para di ako makasigaw , nagulat naman ako na si xierjhon pala ang humatak sakin. " i-ikaw??"- gulat na sabi ko sabay atras . " wag kang mag-alala sam, I'm against this idea , I heard dad talking to his men at nalaman ko na ikaw ang target kaya sumunod ako kaagad dito , kailangan mong magtago dahil pag nalaman nila na nawawala sa kwarto ay ipahahagilap ka nila , sumunod ka sakin..."- wala na akong ibang bagawa kundi ang sumunod sa kanya , dumaan kami sa gitna ng damuhan at nagulat ako ng may hinugot siyang damo at biglang may bumukas na kahoy na lagusan pababa. Agad naman akong sumunod sa kanya at isinara ang lagusan, hindi mahahalata ang pinto na iyon dahil natatabunan ng mga matataas na damo , at ang panghatak dito ay artipisyal na damo rin kaya lalong hindi ito pansin, " anong plano ngayon xierjhon, hawak nila si miss anastacia ... baka saktan siya ng daddy mo ... "- nagaalalang tugon bago maupo sa isang upuan katapat ng maliit na lamesa , " dad were really obsessed with tita ana , your mom, hindi niya parin matanggap until now that she escaped para matakasan ang planong kasal nila noon, at first dad wants me na mapalapit sayo simula nang malaman namin na anak ka ni tita ana, but I just can't , you've been so good to me para lokohin kita, mabuti kang tao sab, that's why you deserve me , kaysa kung sinong tao na sasaktan ka lang ."- pagpapalinawag nito sabay abot sakin ng isang sobre ng imbitasyon, You are Cordially Invited to the Nuptials of Joseph Monzanto and Krystal Sy , na lalong nagpagulo sa isip ko , kasal? At paano? Si krystal na kaibigan kong florist at si joseph? Ni hindi nga sila magkaibigan tapos ikakasal? " I guess you didn't know yet? That your friend krystal is a daughter of a famous hotel owner Mr.Lenard Sy, and he is a Major Stock Holder in Monzanto Group of Companies , and their wedding will be a great success sa pag-iisa ng families nila." Parang unti-unting nanghina ako sa mga sinabi niya ? bakit? Hindi ba umamin siya sakin? Ano yun? Hindi totoo lahat yun? Kasinungalingan lang? yung halik niya? hindi rin totoo? Ang daming tanong sa utak ko , parang biglang bumigat yung mata ko ... ikakasal na siya ... sa kaibigan ko pa.

*************

Maghapon akong hindi nagmukmok sa hide out ni xierjhon , dinadalhan niya ko ng pagkain pero hindi ko yun kinakain, hindi ko alam kung bakit ako naaapektuhan sa kasal nila eh ni hindi ko nga sinabi sa kanya na gusto ko din siya , hindi ako umamin kahit isang beses sa kanya na may nararamdaman ako sa kanya , kaya sa tingin ko kasalanan ko din, hindi ko sinabi , kaya hindi niya nalaman.

" bukas ng umaga ilalabas na kita dito , palalabasin natin na nakatakas ka , di pwedeng malaman ni dad na tinago kita dito, but promise me one thing, if you need any help you'll reach for me okay?"- pag-aalala nitong tanong , " salamat xierjhon , hindi ko inakala na susuwayin mo ang dad mo para tulungan ako , pero paano si mom?" – tanong ko ng maalala si miss anastacia, " hindi siya papatatayin ni dad for sure , pero sa ngayon hindi muna ako pwede mangialam sa plano niya , pero I'll update you , I'll make sure she'll be safe ."- hindi man ako sang-ayon sa plano niyang pabayaan si mom ay um-oo na lang ako , kailangan kong makalabas dito para maligtas siya .

Kinaumagahan ay tuloy ang plano may nakausap si xierjhon ng track na ang ruta ay mula sa kabilang bayan papuntang South Village at sinigurado nitong hihinto ito malapit sa private property nila para daanan ako , pagkalabas namin sa lagusan ay maliwanag na , ilang metro pa ang lalakarin ko papunta sa highway , hindi na ako nagpasama kay xierjhon dahil kung mabulilyaso ang plano na to , hindi pwedeng malaman ng dad niya na kasabwat ko siya, tumakbo na ako ng marinig ko ang truck na susundo sakin, ng biglang may sumigaw , " ayun siya ! habulin natin! "- sigaw ng isang lalaki na nakaitim at saka naman sila tumakbo papunta sa direksyon ko , mabagal ako kaysa sa kanila dahil sa panghihina mula sa di ko pagkain maghapon, sakto naman na huminto sa harap ko ang truck at tinulungan ako nito na makaakyat pero huli na ng paputukan ako ng isa sa mga lalaki at tinamaan ang isang binti ko habang ang isa naman ay nakaakyat na sa unahan ng pinto, " manong andar na ! "- sigaw ko bago pa makalapit ang mga lalaki sa amin , habang umaandar ay pinilit kong ipasok ang sarili ko sa unahan ng truck at isara ang pinto , pinaulanan nila kami ng bala pero hindi na nila kami naabutan ...tuloy tuloy ang pagdaloy ng dugo sa binti ko kaya naman humingi ako ng extra na tela kay manong , buti na lang at may tuwalya si manong at iyon ang pinantali ko sa binti ko para hindi ako mauubusan ng dugo ... " manong pakibaba na lang ako sa ospital ng south village , salamat po ..."- yun an lang ang naalala ko bago ako mawalan ng malay...

Miss Fortunate [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon