Ten

7K 253 87
                                    

Ten

Kasama


"Sino ba yang tinutukoy mo? Sabihin mo ng mahanap 'ko sa Manila! I'll try to help you!" Aniya habang matamis na ngumingiti sa akin. Totoo ngang mabait siya. Pero tama bang sabihin 'ko na si Calix Fontanilla iyong lalaking tinutukoy 'ko?

Gustong gusto kong makita si Calix pero pakiramdam 'ko, wrong move 'yun kapag nagpatulong ako kay Kendice. Hindi naman sa sinasayang 'ko yung chance na makita ulit si Calix. Pero baka dahil sa gusto 'ko, masira lang si Calix. Hindi naman ako tanga para di malaman na sikat na sikat na siya, sigurado akong magiging issue lang 'to kaya kahit na gusto 'ko. Wag na lang.

May tamang oras para dito, 'di ba? Yung ako mismo ang makakakita sa kaniya, ako mismo ang makakapagsabi ng mga nangyari sa kaniya. Yung galing mismo sa bibig 'ko na hanggang ngayon mahal 'ko pa din siya.

Ilang araw na din ang lumipas at mukhang bumubuti na ang pakiramdam ni Kendice, minsan kapag wala akong ginagawa tumutulong ako sa paggagamot sa mga sugat niya. Nakakatawa nga tong babae na 'to, kahit sugat sugat na at lahat nagagawa pang tumawa.

"Dahil sa katangahan sa love na yan, tingnan mo oh! Sugat sugat na yung legs 'ko na simula bata inalagaan 'ko!" Natatawang sabi niya habang ginagamot yung mga sugat niya. Napatawa na lang ako.

"Ganiyan talaga pag natuto ka ng magmahal. Hindi mo alam na kaya mo palang gawin yung mga bagay na kahit kailan hindi mo naisip na gagawin mo. Parang 'yan, inalagaan mo yang legs mo para sa itsura mo, para maging maganda ka sa mga pupuntahan mo, pero kahit kailan ba naisip mo na 'ay wala na akong pakialam sa magiging itsura ng legs ko, wala akong pakialam kahit mapuno ng sugat tong legs 'ko. Basta makuhan 'ko lang siya, ayos na.'" Napangisi ako sa kaniya pero kitang-kita 'ko na napapais siya sa mga sinasabi 'ko. "Ang corny pakinggan pero totoo diba? Ganun tayo sa love. Kaya natin gawin lahat para sa love."

Kahit ako, hindi 'ko din alam kung saan ako humuhugot ng ganito. Pero shit, kapag talaga ganitonyung mga pinaguusapan, lalo lang akong nasasaktan para kay Calix.

Ngumiti si Kendice at dahan-dahang tumango, "Siguro sobrang mahal mo siya 'no?" Tanong niya sa akin. Pakiramdam 'ko tuloy anytime, tutulo na tong peste kong luha. Isa din to sa mga epekto ng pesteng love na 'yan sa akin eh. Kilala 'ko naman yung sarili ko bilang matapang na tao, pero nung npnatuto na akong magmahal, doon ko lang din nasabi na naging mahina na ako.

Mahinang-mahina na. Na parang sa isang iglap, nawala lahat ng tapang 'ko. Lahat ng iyon dahil sa love na 'yan.

"Sobrang mahal mo siya kaya ngayon pakiramdam 'ko sobrang expert mo na sa love." Tumawa siya habang nakatingin sa kawalan. Ewan 'ko ba, pero kahit na bilang lang sa daliri yung araw na magkasama kami ni Kendice, tuwing naririnig 'ko yung ganitong side niya. Naaawa ako. Kasi pakiramdam 'ko, parehas lang kami ng sitwasyon. Parehas kaming nasasaktan. "Kainis kasi tong nararamdaman 'ko eh. Maniwala ka sa hindi, party girl talaga ako. Ipinaparty 'ko na lang kasi noon ayaw 'ko talaga ng love na yan. Todo iwas ako sa love na 'to kasi alam kong sisirain lang ako nito. Katulad nito!" Tumawa na naman siya pero nakita 'ko ang pagkinang ng mata niya. Ayan, naiiyak na siya. "Akala ko pwedeng umiwas. Pero bwisit na kupido! Nakit 'ko yung sparks sa kaniya e, naranasan 'ko yung slow-mo. Lahat 'yun. Bwisit, tinamaan nga ako diba?"

Bigla tuloy pumasok sa isip 'ko, paano kami ni Calix? Hindi imposibleng isang araw magkita ulit kami. Paano kaya kung may iba na siyang gusto? Paano kung ikakasal na siya? Paano na lang kung... Ayaw niya na sakin? Oo, puro negative. Pero kasi pag mga ganitong pagkakataon, parang mas nangyayari yung mga negative diba?

Syempre iniisip 'ko din na sana ako pa din. Na kahit matagal kaming hindi nagkita, hindi siya magdadalawang isip na piliin ako. Pero kasi parang sinasampal sa mukha 'ko na humarap ako sa reyalidad. Na hindi imposibleng sa tagal kong nawala, imposibleng wala siyang nakilalang hihigit sakin.

Kaya ngayon pa lang, hinahanda 'ko na eh. Pero nakakatawa kasi, alam 'ko na kahit anong handa 'ko alam kong kapag nandyan na. Sobrang sakit pa din. Yung sakit na lara bang hindi ko inasahan lahat ng iyon. Kaya ngayon pa lang, pinipilit 'ko na ang sarili 'ko na huwag na kang umasa.

"Namimiss mo na ba ang Manila, Bea?" Tanong sa akin ni Darren nung nagpunta kami sa mall para mamasyal. Pinilit akong isama ni Ken para daw may makausap naman siya habang nagiikot sa mall. Mabuti na lang talaga at pinayagan kami.

Miss? Gusto kong tumawa. Hindi nila alam kung gaano 'ko na kagustong bumalik sa Manila pero hindi pwede. Kulang pa ata yung salitang 'miss'. "Oo naman, sobra. Doon ako lumaki eh."

Napatingin ako kay Kendice na tumatawa sa tabi 'ko ngayon habang nakatingin siya kay Darren. Pati si Darren ay nakangisi. Ano bang meron? "Good." Masayang sabi ni Kendice sa akin. Ano na talagang nangyayari?

"Kasi kasama ka namin sa pag-uwi sa Manila! Doon ka na din titira, Bey!" Masayang sabi ni Kendice sa akin. Halatang kanina niya pagp gustong sabihin 'yun sakin. Pero sandali. Babalik na ako sa Manila?

//

Sorry kung madaming typo, sa ipad lang ako nagtype. Lol.

Thank you po pala sa lahat ng bumili ng EX KO ANG IDOL NIYO book! Sa mga wala pang libro, ano pang hinihintay niyo? Bili na! LOL. HAHAHA.

Chasing youWhere stories live. Discover now