Seven

6.9K 214 62
                                    

Seven

Para akong tanga na atat na atat sa sunod na sasabihin ng lalaking nagtitinda ng diyaryo. Pero kahit na ganoon ay pinili 'ko na lang manahimik. Ayaw 'ko lang talagang may maka-alam na ex ko ang sikat na si Calix Padilla. Maliban kasi sa madaming hindi maniniwala at sasabihin na nangangarap lang ako, ayaw kong guluhin si Calix. Gusto kong ako mismo ang maka-gawa ng paraan para makita siya. Kasi alam kong hindi pa 'yun ang huli naming pag-kikita. Alam kong magkikita pa din kami. 

Pero shit talaga. Ano ba talaga ang nangyari kay Calix? 

Kumunot ang noo 'ko nung nakita kong napangisi si Kuyang nagtitinda habang kinakalkal ang mga tinda niyang diyaryo, "Fan ka niya, 'no?"

Napangiti ako sa sinabi ni Kuya bago ako napatingin kay Migel na nakangisi ngayon, "Baka fan kuya. Baka." Hindi  'ko mapaliwanag ang tono ng pananalita ni Migel doon. Parang may halong galit sa boses niya. Pero ano ba ang dahilan at galit siya kay Calix? At paanong nagkakilala sila? O baka naman nag-iisip lang ako ng todo todo kahit wala lang naman ang lahat ng 'to? Ang labo. "Ano, kuya? Meron ba?" Tanong ulit ni Migel. 

"Eto!" Masayang sabi ni Kuya at tinaaas ang diyaryo at nagsimulang mag-basa. "Ito ba 'yun? Yung nakatanggap siya ng award? Ito din yung binabasa ng anak 'ko kagabi eh!" Masaya niyang sabi. Napatingin ako sa itsura ni Migel. Seryoso at mukhang malalim na naman ang inisiip.

"A-ah. Okay, kuya. Salamat." Sabi niya at hinila na ako palayo doon sa tindahan. Ano ba ang balitang hinihintay niya? 

Shit, hindi 'ko na kaya 'to. Gusto 'ko ng magtanong. Baka mabaliw na ako kakaisip kung ano ba talaga ang nangyari kay Calix. Wala namang masamang mag-tanong, 'di ba? "Migel. P-pwede ba akong magtanong?"

"Hmm? Ano 'yun?" Bumalik na sa normal ang mukha niya. Hindi na kagaya kanina na seryosong-seryoso at malalim ang iniisip. Ngayon ay para na naman siyang bata. Nakangiti at parang walang kaproble-problema. 

"Kilala mo ba si Calix Fontanilla?" 

Nawala sandali ang ngiti niya pero agad yung napalitan ng isang ngisi, "Sino ba ang hindi makakakilala sa isang Calix Fontanilla? Sikat na sikat ang isang 'yun lalo na sa Manila. Baliw na baliw na ata halos lahat ng babae sa bansa natin sa kaniya." Alam 'ko naman 'yun eh. Si Panget 'ko kaya 'yun! Sa malamang, kababaliwan talaga siya.

 

"H-hindi. Ang ibigsabihin 'ko, kilala mo ba siya sa totoong buhay? M-magkaibigan ba kayo?"

Hindi 'ko alam  kung bakit ganoon ang tawa ni Migel sa tanong 'ko. Para bang sinasabi niyang 'nagpapatawa-ka-ba?'. Bakit ba ganito ang nararamdmaan 'ko? Para kasing may mali talaga. "Magkakilala pero hindi kami mag-kaibigan. Parehas kami ng ibang kaibigan at tropa pero hindi kami magkaibigan. Ayaw 'ko sa ugali ng gagong 'yun." 

Gusto 'kong tanungin si Migel kung bakit parang ang laki ng galit niya kay Calix, pero hindi 'yun ang gusto kong malaman ngayon. Madami pang oras 'ko yung pwedeng itanong, pero itong tanong 'ko, gustong-gusto 'ko ng marinig ang sagot. "Kung ayaw mo sa kaniya, bakit ka naghahanap ng balita sa kaniya? Galit ka ba sa kaniya?" Dire-diretso kong tanong. Hindi naman siguro siya magdududa sa mga tanong 'ko, kasi katulong lang naman nila ako. 

Chasing youWhere stories live. Discover now