Four

10.1K 267 66
                                    

Four

Venturanza

  

"Sinong nag-sabing umupo ka dyan?!" Malakas na sigaw sa akin ni Madam bago ako binato ng basahang hawak-hawak niya lang kanina. "Tumayo ka dyan at maglinis ka na! Mahiya ka, Bea. Dinala ka at tinulungan ng anak 'ko dito para mag-trabaho hindi tumunganga. Tandaan mo, hindi ka dinala dito para umupo-upo lang!" Malakas na singhal niya sa akin bago nagpaypay gamit ang malaking pamaypay niya, hindi pa din siya tumitigil sa pagsasalita pero ngayon, Spanish naman ang sinasabi niya kaya hindi 'ko na maintindihan. 

Pero sigurado naman akong, tungkol sa akin na naman iyon, mga masasamang bagay tungkol sa akin. Ano pa nga bang bago? Sanay na sanay na naman ako sa mga ganitong bagay. Ilang taon na ba ako inaalila dito? Isa? Dalawa? Kahit ako hindi 'ko na maalala kung ilang taon na akong naghihirap kasama ng mga taong 'to. 

Tumayo ako sa kinauupuan 'ko at dahan-dahang pinulot ang basahan na ibinatoni Madam sa akin. Masaya naman akong nandito ako, pero pagod na pagod na ako. Wala naman akong magawa kasi kung hindi dahil sa pamilya nila, wala ako dito. Kaya kahit ganito, malaki ang pasasalamat 'ko sa pamilya Venturanza. 

Nahirapan pa ako sa pagtayo dahil sa malaking sugat na nasa bandang paa ko. Nahulog kasi yung vase kahapon nung naglilinis ako. Mabagal akong naglakad papunta sa gilid ng sofa at pinunasan ang mga litrato nila. May picture dito sa Madam, si Ma'am Celle, si Sir Vin at ang dalawang anak nilang lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita. Bata pa kasi sila sa mga picture. Ang sabi kasi sa akin ng ibang katulong, nasa Manila daw ang magkapatid at minsan lang din bumisita dito.  Asar din daw sila kay Madam, kahit lola pa nila yun.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako. Sariwang-sariwa pa rin sa utak 'ko kung paano ako tinulungan ng pamilyang 'to. Kung paano ko dinilat ang mata ko at nakangiting mukha agad nila ang bumungad sa akin. Nung una takot agad ang naramdaman ko. Sabi nila, nakita na lang nila ang katawan 'ko sa isang isla na pinuntahan nila at ng iba pa nilang mga ka-bussiness. Marami akong sugat, ilang buto rin daw ang nabali sakin. Sobrang malaki na nga ang pasasalamat ko na buhay pa ako nung nakita nila ako. Maraming tanong ang nasa utak ko pero hindi ko magawang magtanong sa takot na nararamdaman ko. Base sa nakita kog sarili ko, hindi ako makapaniwalang buhay pa ako. Biglaan ang aksidenteng nangyari sa eroplano at parang sa isang iglap, bigla na lang nawala ang lahat. Nagkalayo na rin kami ni Mom at hindi 'ko na maalala kung ano pa ang sunod na nangyari. 

Nalaman ko na lang  na Pilipino rin ang mga taong una kong nakita pagkadilat ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula noon, wala akong pera, ni wala rin akong kilala sa lugar na hindi ko rin alam kung saang parte ng mundo makikita. Ang tanging meron lang ako ay ang maliit na bag na nakasabit pa rin sa katawan 'ko simula nung araw na naaksidente ako at ang isang singsing nakalagay sa daliri ko, na bigay ng taong iniwan ko. Nagmakaawa ako sa kanila na tulungan akong bumalik sa Pilipinas, at magtatrabaho ako sa kanila hanggang sa mabayaran ko lahat ng tulong nila sa akin. Dahil sa sobrang mayaman ang Pamilyang Venturanza, parang sa isang pikit lamang ay nasa bansa na ulit ako. Walang kahirap-hirap na naibalik nila ako dito. Kung maswerte na akong buhay ako, mas lalo akong naging maswerte nang makilala 'o ang sobrang bait na gaya ni Ma'am Celle at  Sir Vin. At dito nila ako dinala sa Davao, sa Mansion ng mama ni Ma'am Celle na si Madam Carmen. Sobrang yaman ng pamilya nila, kaya kahit si Madam lang ang mag-isa dito ay Mansion ang meron sila. Marami rin silang katulong dito at isa na ako doon. Dito ako ulit nag-simula. Kahit mahirap, kinakaya ko.

Chasing youWhere stories live. Discover now