Eleven

3K 105 52
                                    

{ Nagreread ako kagabi before ako mag-update kaya napagdesisyonan 'ko na mag-edit muna ng mga dating chapters (dahil ang jeje) bago ako mag-start magupdate ng Chasing you. Hehe yun lang. Thank you! –Shai }  


Eleven

Welcome back


Nararamdaman 'ko ang daliri na tumutusok-tusok sa bandang pisngi 'ko kaya kahit na nakakaramdam pa ako ng antok ay ipinilit kong idilat ang mata 'ko. Laking gulat 'ko na lamang ng makita 'ko si Migel sa tabi 'ko.


Nandito na si Migel sa tabi 'ko. At isa lang ang ibigsabihin nito..


Tinitigan 'ko ng mabuti si Migel, hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon. Ni hindi 'ko magawang magsalita. Totoo ba ang lahat ng ito?


At mukhang naintidihan naman ni Migel ang mga sinasabi 'ko dahil tumawa-tawa siya bago tumango-tango. "Yes baby girl, you're now in Manila. Welcome back, Chanel."


Hindi 'ko alam kung paano ako magrereact sa sinabi niya, hindi 'ko alam kung paano 'ko sisimulan ang pagpapasalamat sa kaniya at sa buong pamilya niya, sobra-sobra na ang lahat ng 'to. Kung hindi dahil sa lalaking ito at sa pamilya niya, hindi 'ko magagawang bumalik ditto. Kung wala ang pamilya nila na tumulong sa akin, hindi 'ko alam kung saan ako pupulutin ngayon. Hindi 'ko alam kung paano ako magsisimula.


Hindi 'ko alam kung paano 'ko sisimulan ang pagpapasalamat 'ko kay Migel kaya ang una 'ko na lamang ginawa ay niyakap siya. Alam 'ko na para na akong tanga ngayon sa harap niya dahil umiiyak pa ako. "Thank you, Migel. Maraming maraming salamat. Hindi niyo alam kung gaano kalaking tulong 'to para sa akin. Sobrang thank you." Humihikbi na akong parang bata pero wala na akong pakialam.


Sobra-sobrang kasiyahan ang nararamdaman 'ko ngayon. Para bang onti-onti na ulit akong nagkakaroon ng pag-asa na makita at makasama ulit sila.


Maya-maya ay naramdaman 'ko na ang kamay ni Migel na humahagod sa likod 'ko at kasabay nun ang pagtawa niya sa akin. "Ang laki-laki mo na, napaka-iyakin mo pa." Natatawa niyang sabi at wala akong nagawa kundi ang matawa na lang din habang humihikbi.


"Sorry, Migel ha? Ang laki na nga ng utang 'ko sa'yo, dinudumihan 'ko pa ata tong damit mo." Nahihirapang sabi 'ko sa kaniya. Narinig 'ko naman ang pagtawa niya ulit. "Hayaan mo idodowny 'ko na lang ng bongga 'to." Sabi 'ko na lang at lalo naman siyang natawa. "Pero salamat talaga, Migel. Sorry itong yakap na ito pa lang ang mabibigay 'ko sa'yo. Wala 'eh. Pero hayaan mo kapag nakaluwag-luwag ako, ililibre kita. Pero sa mura muna ha?"


Bigla siyang lumayo sa pagkakayakap 'ko at nakasimangot na naman ang loko. Napasimangot din tuloy ako. Ano problema niya?


"Hindi kita tinulungan para may makuhang kapalit, Bea. Masaya na akong matulungan ka, pero alam mo kung ano pang mas makakapagpasaya sa akin?"


Nag-isip ako ng isasagot sa kaniya. "Yung downy?"


Tumawa siya ng malakas bago ginulo ang buhok 'ko. "Ang matupad ang pangarap mo. I want to see how happy you are kapag nakita mo na yung mga dati mong kaibigan, Bea. It's enough for me. I just want you to be happy. Kaya hahanapin natin sila okay? Kahit mahirap, paonti-onti natin silang hahanapin." Pagkasabi niya ay kumindat pa siya akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing youWhere stories live. Discover now