Two

15.8K 346 77
                                    

Two. 

 Hindi na

RINAH

"Rinah, nasaan ka na ba? Nandito na si Calix! Late ka na naman!" Malakas na sigaw sa akin ni Massie pagkasagot 'ko ng tawag niya. 

"Sorry, Massie! I'm on my way! Traffic lang talaga!" Sigaw 'ko. Pero hindi naman talaga 'yan ang totoo. Ang buong akala 'ko kasi susunduin ako ni Calix para sa photoshoot namin ngayon sa isang Magazine, pero wala pala talaga. Siguro hanggang ngayon galit pa din siya dahil sa mga nangyari sa dressing room. 

Simula nung araw na nagkasagutan kami ni Calix sa dressing room, napansin 'ko na ang pagbabago niya. Hindi na siya madalas umimik at hindi 'ko na din makita ang saya sa mukha niya. Awang-awa ako kay Calix. Kung may paraan lang siguro na buhayin 'ko si Chanel, ginawa 'ko na. Pero wala eh. Kung wala na talaga siya, wala na akong magagawa pa. 

Kakausapin 'ko dapat si Calix pagdating 'ko kasi pupunta ako ngayon sa bahay nila dahil may ipapakilala daw sa akin si Tita Sydney. Sigurado na naman akong new girl na naman ito ni Tita Syd na ipapadate niya kay Calix. Pero nagulat na lang ako nung umiwas siya nung nakita niya ako. 

"Calix!" Tawag 'ko sa kanya nung tapos na ang photoshoot namin. Kahit isang beses, hindi niya manlang ako ngitian at kinausap. Galit ba talaga siya sa akin? Dahil ba 'yun sa mga paulit-ulit na sinabi 'ko sa kanya? Lumingon siya sa akin pero wala pa din siyang sinabi. "Pupunta ako sa inyo mamaya ah! Pinapapunta ako ni Tita Syd eh." 

Ngumiti ako sa kanya. Nagbabakasakaling ngumiti din siya sa akin. Pero wala eh. Ganun pa din. Walang saya, walang nagbago sa ekspresyon ng mukha niya. "Ah ge." Sagot niya na wala manlang kagana-gana bago pumasok sa loob ng sasakyan niya. 

Hindi naman agad ako nakadiretso sa kanila kasi dumaan pa ako sa manager 'ko. May mga pinag-usapan pa kami kaya medyo natagalan din ako. Sakto naman nung naipark 'ko na sa labas ng bahay nila Calix ang sasakyan 'ko, nakita kong bumukas ito at nakita kong papasok na ulit si Calix ng sasakyan niya, pero natigilan ako nung nakita 'ko din si Tita Sydney. 

Simula nung araw na nawala si Calix, onti-onti na ding lumayo ang loob ni Calix sa pamilya niya. Onti-onti na siyang nawalan ng buhay at wala na siyang ginawa kundi ang mag-trabaho na lang. Wala na siyang ibang babae. Wala na siyang dina-date. Kasi hanggang ngayon, siya pa din. 

"Calix!" Rinig na rinig 'ko ang malakas na pag-tawag ni Tita Sydney kay Calix. "Balikan mo si Kendice doon. Mahiya ka, Calix. Hindi kita pinalaki ng ganito."  

"Ayoko." Walang modo na sagot ni Calix. Papasok na dapat ulit siya sa sasakyan niya pero hinila siya ulit ni Tita Sydney. 

"Ano ba, Ma?!" Sigaw na sagot ni Calix. "Binigay 'ko na nga lahat sa inyo, lahat ng kailangan niyo! Simula noon, kayo na inisip 'ko! Pati ba naman 'to pakikialaman niyo pa!? Ilang beses 'ko na bang sinabi na ayaw ko na sa kahit sinong babae!? Nakakasawa na ma! Kahit ilabas niyo pa ang pinaka-magandang babae, wala akong pakialam! Si Chanel lang, alam niyo 'yan. " 

Chasing youWhere stories live. Discover now