Kabanata XXVIII

81K 3.1K 455
                                    



"TOUCH HER AND I'LL TURN YOUR ASS INTO DUST!" Kasing lamig ng hangin ang malalim at buong-buong boses ng nagsalita.

Nagsisugod ang mga nakahood na bampira ni Liana para lang maging mga abo. Parang mga putik na nagtalsikan ang mga bampirang ito at nang bumagsak sa marmol na sahig ng kuwarto ay mga abo na. At ang tatlong lalaki ang may gawa. Mga lalaking katulad ng nagsalita ay may taglay ring luntiang mga mata.

Ang maputlang si Liana ay lalong namutla nang makilala ito. Mabilis itong umalis sa ibaba ako at ginawang pananggalang ang unang bampirang nahigit sa kung saan. "H-how did you know this place?! Sino ang nagsabi sa inyo?!"

"Secret no clue." Ang may curly na buhok ang sumagot. Nakangisi ang mapula nitong mga labi at nakalitaw ang dalawang pangil.

"Cross..." naiiyak na sambit ko.

They're standing in front of the open glass window. Tila mga hangin na itinangay rito. Lahat ng lumalapit sa kanila ay agad na nagiging abo. Kasing bilis ng kisap-mata ang pagwasiwas ng mga kamay nila sa bawat magtatangkang sumugod na bampira.

My boys' hands are neat yet deadly. Mas matalas pa sa hinasang patalim ang mga kuko. Hindi kulubot, they're still the same. Hindi rin nalulukot ang kanilang mga mukha kahit pa lumalabas ang kanilang mga pangil, not like the other vampires na nagiging halimaw ang itsura kapag lumalabas ang pagkabampira.

Mula sa labas ng bintana ay may patalon na lalaking bampira pasugod sa mga anak ko. Itinaas ni Kaden ang kanang kamay at agad na natigil sa ere ang pasugod na bampira. Namilipit ito na tila hindi makahinga. Nang itikom ni Kaden ang palad ay nangisay ang bampira sa ere at nang bumagsak ay buhangin na.

Si Lourd ay tinitigan ang mga natitirang bampira at sa isang iglap, ang mga ito na ang naglalaban-laban. Si Cross ay ganoon din, nanlilisik ang kulay pula na nitong mga mata habang ang mga bampirang natitira ay unti-unting nagiging mga buhangin matapos saksakin sa dibdib ng matutulis na kuko ang mga sarili.

Ito ang kinaiinggitan ng mga kuya ko... ang kakaibang kakayahan ng mga anak ko kay Helios. Si Kaden ay may kakayahang patigilin ang paghinga, si Lourd ay kayang kumontrol ng isip, at si Cross ay kayang pumasok sa katawan ng kahit sino o anong malapit sa kanila. They can kill without dirtying their own hands if they wanted to. But, obviously ay hindi ganoon ang trip ni Cross.

"And where do you think you're going, Vampie?" Humakbang si Cross papunta sa nahuhuling bampira na akmang maglalaho na sa hangin. 

Mas mabilis siya kaysa rito kaya naabutan niya ang bampira at sa isang iglap, nakatarak na sa dibdib nito ang kanyang kamay. Ang kulay itim na dugong tumalamsik sa kulay puting polo ni Cross ay naging buhangin nang maabo ang bangkay ng bampira.

Humakbang palapit si Helios. I watched his teeth gnash as his raging eyes followed Liana.

Napaatras ang babaeng bampira. "You got it wrong, my love. I'm the real victim here!" Lalo pa itong namutla nang makitang paubos na ang mga alagad. "Plano talaga 'to nina Ria at Lucia! Narinig mo naman ang sinabi niya kanina di ba? She said wants to be free! Alam na ni Ria kung sino at ano siya, o kahit kayo ay kilala niya na!"

Lumipat ang paningin sa akin ni Helios. Mula sa nagliliyab na kulay pula ay bahagya iyong lumamlam.

"Plinano nila ang lahat at hiningi lang nila ang tulong ko. Hindi ako makatanggi dahil aaminin ko, makikinabang kasi ako rito. Ria wants to get rid of you, at syempre sasaluhin kita!"

Gusto kong sumigaw. Gusto kong sigawan si Liana dahil napakasinungaling niya talaga pero hindi ko magawang ibuka ang mga labi ko dahil ang bigat sa dibdib ng mga tingin ni Helios sa akin.

"Helios, alam na ni Ria kung sino ka at kung anong ginawa mo sa kanya. She hates you! Noon pa man galit na siya sa 'yo di ba?! At ito na iyon, gagantihan ka na niya kasi gusto niya nang tuluyang lumaya sa 'yo. Akala ko naman aalis lang siya kaya pumayag ako sa plano, pero gusto ka pala niyang patayin kaya nagalit ako! Iyong naabutan mo kanina, galit ako noon kaya gusto ko siyang saktan!"

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon