Kabanata XXII

69.9K 3.1K 204
                                    


"who is who"


LUCIA

I hate this life. I hate everything!

Hindi ko gustong maging ganito but I had no choice! I don't want my mother to die! I don't want to die! Kaya kahit ayoko, kailangan kong lunukin ang madilim na kapalarang ito.

I was seven when my mother, Liana, met Donovan Pedrigal. A very young yet very handsome and filthy rich man. Akala ko magkakatuluyan na sila, but Donovan left the country without saying a word to my mother.

Lumipas ang mga taon, hanggang sa sumapit ang 18th birthday ko, hindi na ulit nagka-boyfriend pa si Mama. Akala ko dahil hindi lang niya makalimutan si Donovan, but I was wrong. Hindi niya naman pala minahan ang lalaking iyon. I remembered her saying "Hindi ko naman mahal ang lalaking iyon. Pera lang ang gusto ko sa kanya. Sayang lang talaga dahil iniwan niya tayo, naglalangoy na sana tayo sa pera ngayon kung hindi lang siya umalis."

Typical na naririnig ko kay Mama ang mga ganoong salita. Siya kasi ang klase na mahilig sa mga lalaking mayayaman. Si Donovan na ang pinakatumagal sa kanya, ito ang pinaka-perfect catch pero iniwan naman siya nang walang pasabi.

Akala namin si Donovan na ang sagot sa mga pangangailangan namin financially, pati sa mga luho naming mag-ina. And now my mother is feeling hopeless. Tumatanda na siya, lumilipas na ang taglay na alindog at kagandahan. Wala ng mayayamang lalaki ang nararahuyo sa kanya. Mas tumindi pa ang pagsubok sa aming buhay ng madiagnosed siya na may stage 3 cancer. Wala kaming mapagkunan ng pera kaya kinailangan kong huminto sa pag-aaral at magtrabaho para masuportahan ang mga gamot niya.

Akala namin katapusan na namin dahil dumating na sa point na araw na lang ang hinihintay ni Mama para lisanin niya ang mundo. Malalang-malala na siya. But a miracle happened the day she was about to leave the earth—her ex-boyfriend, Donovan Pedrigal came back to our lives.

"I'm sorry for leaving you, Liana, my beloved mortal."

The man didn't age even a bit. Walang nagbago rito. He's still the same young and good looking man my mom used to date when I was a seven-year old kid.

"I thought I already have everything and I don't need love. I thought I don't need you in my life, that I can forget you, but to no avail."

Hindi ko alam kung paano ito nakapasok sa loob ng bahay namin samantalang naaalala kong naka-lock ang lahat ng pinto bago ako pumasok sa kuwarto ni Mama. Nagulat na lang ako na naririto na siya. Saan siya dumaan? Bakit hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya?

At paano niya nalaman na dito na kami nakatirang mag-ina?

"Akala ko sapat na ang kapangyarihan para maging maligaya ako. Pero miserable lang ako na wala ka. Sa loob ng mahigit sampung taon, ikaw lang ang babaeng pinakamamahal ko. Binabalikan kita at sana hindi pa huli ang lahat para tanggapin mo ako."

Lumuhod ito sa harapan ng kama. Dumilat si Mama at kahit siya ay nagulat nang makita si Donovan Pedrigal.

"I can heal you, Liana."

Iyon ang pinakagagong narinig ko. Maski nga doktor hindi na mapagaling si Mama tapos magsasalita ang walanghiyang ito nang ganito? Gusto ko siyang sigawan dahil bakit pinapaasa niya ang mama ko!

"Yes I can do that. I will heal you and make you strong and beautiful again. I will take you to my kingdom and make you my queen. I will give you everything you want. I will give you the world."

Naluluha si Mama sa higaan habang pinapakinggan si Donoval Pedrigal.

"Lia, you just have to say it."

His QueenWhere stories live. Discover now