Kabanata VII

94.6K 3.7K 386
                                    

“The King of Hearts”

ANG SARAP...

  Malambot at mamasa-masa ang mga labi niya, mainit at mabango ang kanyang hininga.

Thist really feels good. Ganito pala ang halik? Nakaka-adik pala ang pakiramdam na may nakadikit sa bibig mo, na may sumisipsip sa labi mo at may kapalitan ka ng laway.

  Hindi ko kasi alam kung paano ang humalik at mahalikan. Dahil sa sobrang busy ko sa trabaho, wala na akong panahon para sa ibang bagay. Meaning, maliban sa work at family, wala na akong ibang life, like lovelife.

  Hindi pala nakakadiri, kundi nakaka-shock lang. 'Tapos iyong shock mo, mauuwi sa excitement. Parang may mga naghahabulang paru-paro sa sikmura ko. Parang may makukulay na fireworks sa paligid na ako lang ang nakakakita, at sa background ay boses ni David Pomeranz habang kinakanta niya ang King and Queen of Hearts na ako lang din ang nakakarinig.

  Shit. What the hell am I thinking?

  Itinulak ko si Z palayo sa akin. Namimilog ang mga mata ko habang nakatingala ako sa kanya, samantalang siya ay cool lang habang nakatungo sa akin.

  Hinampas ko siya sa balikat. “Loko ka, ah. Bat ka nanghahalik?!”

Wala siyang ekspresyon. Inosente ang mukha niya, para bang wala lang sa kanya iyong nangyari kani-kanina.

  Pinagpawisan ako nang malapot. “H-hindi mo sinasadya iyon, di ba?”

  Bakit ba inaaway ko siya? Ano ba ang alam niya? Wala. Wala siya sa katinuan.

  Hindi ko siya dapat sisihin at pagalitan sa isang bagay na hindi niya naman sinasadyang gawin.

  “Wala ka sa tamang pag-iisip, Z. Pinapatawad na kita kaya kalimutan na lang natin ang—” Natigil ako nang bigla siyang tumungo at idampi ang mga labi niya sa mga labi ko.

  Hinalikan niya ako ulit!

Mabilis lang, pero hinalikan niya ako ulit!

  Pinandilatan ko siya. “Hoy!”

  Tumungo siya at hinalikan ako ulit.

  Napaawang ang mga labi ko. Hinalikan niya naman ako ulit. Ulit. Paulit-ulit. Padampi-dampi. Mainit. Tuloy-tuloy.

Namihasa!

  Nang mahanap ko ang katinuan ko na sandaling namasyal sa kawalan ay itinulak ko siya at agad akong lumayo sa kanya. “Sobra ka na, Z! Namimihasa ka! Salbahe ka!”

  Humakbang siya palapit at hinawakan ako sa bewang. Seryoso ang mukha niya nang muli siyang tumungo para abutin muli ang mga labi ko.

  Anak ng sampalok! Hahalikan niya na naman ako!

  Naghanda na ako. Bago lumanding ang tukso sa akin ay naiharang ko na ang palad ko.

  Pero wrong move pala. Now I could feel his wet and hot lips on my palm. My whole body felt hot. Pakiramdam ko, hindi lang palad ko ang hinalikan niya, kundi pati kaluluwa ko.
Agad akong lumayo. Wala akong pakialam kahit nagkanda-bunggo-bunggo na ako. Basta ang importante, makalayo ako sa kanya.

  Tagaktak ang pawis ko kahit malakas ang AC ng kuwarto. “Kalimutan na natin 'to, Z. Inuutusan kita na kalimutan na ito at wag ka na ulit uulit!”

  Nakatayo lang siya sa gitna ng kuwarto at kalmadong nakatingin sa akin. How can he be so calm?

  Humihingal na dinuro ko siya. “You’re not in your right mind! You’re crazy! You don’t know what you’re doing!” Saka ko siya basta iniwan.

His QueenWhere stories live. Discover now