Kabanata XVII

67.8K 3.7K 210
                                    

“home”

“SAAN KA PUPUNTA?”

Nahinto ako sa pagpihit ng doorknob ng main door nang marinig ang boses ni Trois. Nang lumingon ako ay nasa likuran ko siya. Nakasuot siya ng pajama na kulay asul at t-shirt na kulay abo. Mukhang bagong bangon palang siya sa kama. At mukhang hindi siya natulog nang maayos para lang mabantayan ako.

“Ria, saan ka sabi pupunta? Alam mo namang delikado, di ba?”

“Trois, hindi pwede na dito lang ako. I need to find answers to all my questions. Sorry pero kailangan ko munang umalis.”

“Ang tigas ng ulo mo! Paano kung mapahamak ka? Mga halimaw iyong gustong kumuha sa 'yo, hindi ka ba natatakot, ha?”

“Bahala na, Trois. Kailangan ko talagang umalis dahil hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang mga sagot sa mga tanong ko.”

Sumimangot siya. “Hindi ka ba papapigil?”

“Sorry.”

“All right.” Napabuntong-hininga siya. “I’ll go with you.”

“Hindi na kailangan, Trois. Ayoko na madamay ka.”

“I insist,” mariing turan niya. “Just wait me here, okay? I won’t be long. Magbibihis at magsesepilyo lang ako. Hindi na ako maliligo.”

“Ikaw ang bahala…”

Humiram ng kotse si Trois sa isa sa mga barkada niya. His reason ay baka natandaan daw ng mga humahabol sa akin kagabi ang gamit niyang sasakyan kaya kailangang iba ang gamit namin ngayon. Heavily tinted din ang sinasakyan naming Toyota vios.

Inabutan niya ako ng dark shades nang umaadar na ang kotse. “Suot mo 'to. Okay rin if magso-sombrelo ka.”

Sumunod na lang ako. Maigi na rin na mag-ingat lalo at hindi ko alam kung sino ang mga taong gustong kumidnap sa akin, at kung ano ang sadya nila sa akin.

Dumiretso kami sa subdivision sa Greenland kung saan kami nakatira ni Mama sa Cainta Riza. Ilang block ang layo ng parada sasakyan sa mismong bahay pero kita pa rin at malinaw ang lahat sa pwesto namin.

Lalong malinaw sa akin ang lahat sa labas dahil sa matalas nga ang aking paningin.

Mula sa bahay namin ay kitang-kita namin ni Trois ang paglabas ng tatlong lalaking naka suit and tie. Hindi ito ang mga lalaking gustong kumidnap sa akin. At mukhang kilala ni Mama ang mga ito based sa pag-entertain niya sa mga lalaki.

“Hindi na babalik ang mga lalaking iyon dito. Alam nilang wala na silang sasadyain dito.”

“Salamat, Sir Trevlor.” Boses ni Mama.

“Thank you, too, for the information.” Tumango ang tinawag na Trevlor. Bata-bata pa ito pero mukhang napakaseryoso.

“Kailangan ko na rin ho ba talagang umalis dito, Sir Trevlor?” si Mama ulit. “Paano kung bumalik si Ria? Magtataka siya kung nasaan ako—”

“Hindi na siya babalik.”

“Pero hindi naman agad-agad ay matatanggap niya ang totoo. Kinilala niya akong ina niya, ang lugar na ito ang itinuring niyang tahanan niya. Babalik siya, nararamdaman ko na babalik ang anak ko—”

“She’s not your daughter, Madam. And I don’t think we still need you. We will just send you your last check.”

“Thank you…” basag ang tono ni Mama. Garalgal. Parang anumang oras ay iiyak.

“You’ll receive a bonus, too, for the job well done.”

“But I hope I can see her for the last time… Kung mamarapatin niyo ho sana… I want to see her even for the last time…”

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon