Kabanata XXV

62K 3.2K 388
                                    

PRESENT

"YOU ARE MY QUEEN. YOU WILL BEAR MY SONS AND YOU WILL MAKE MY LIFE COMPLETE."

My eyes were still red from crying. Naaalala ko na ang lahat. Hindi ako basta si Ria lang. Ako si Maria Euletta Pedrigal. Isa lang akong normal na babae sa isang baryo.

Normal lang ang buhay ko, sunud-sunuran sa kinilala kong ama at mga kapatid nang dumating si Z—Helios sa buhay ko. Binago niya ang buhay ko. Kinontrol niya ang buhay ko. Daang taon na ang lumipas, daang taon ang nawala sa akin. Daang taong ninakaw niya.

Lumabas ako ng kuwarto. Wala na akong pakialam kung may makakakita man sa akin. Iniwan ako ni Lucia sa loob kanina na tulala. Hindi ko alam kung anong dahilan niya bakit niya ako tinulungan but I'm indebted to her. If not with Lucia mukhang tanga pa rin ako.

Hinanap ko kung nasaan banda ang hagdan. Napakalawak ng second floor at puro makalumang chandelier ang nakikita ko sa mataas na kisame. Tinalunton ko ang diretsong daan hanggang sa makita ko ang hagdan. Kaya pala pamilyar ang pakiramdam ng lugar na ito sa akin. Nanggaling na ako rito noon. Dito niya ako dinala at ikinulong.

"Where are you going?"

Muntik na akong madulas nang makita sa baba si Helios. Nakatayo siya ron at kunot salubong ang mga kilay sa akin. And he's shirtless!

"You're not supposed to go out of the room." Umakyat siya hanggang sa tatlong baitang na lang ang pagitan ko sa kanya.

"And why?" Ang mga mata ko ay hindi makaiwas sa katawan niya. He possess a great body. Sabagay, normal sa mga bampira ang maging perpekto. Hindi ako dapat mahulog ulit sa kanya.

Inabot niya ang palad sa akin. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba iyon o hindi.

Play with him

Naalala ko ang sinabi ng babaeng maputla na parating walang suot na bra. She's right. Sinalubong ko ang mga mata ni Helios saka tinanggap ang naghihintay niyang kamay sa ere.

Pagkalapat ng mga palad namin ay mabilis niya akong hinila and before I knew it, nasa mga bisig niya na ako. Karga niya na ako pabalik sa itaas ng mansiyon.

Idinantay ko ang aking ulo sa kanyang dibdib habang ang mga braso ko ay nakayapos sa leeg niya.

Nang makarating kami sa tapat ng pinto ng kuwarto niya ay binuksan niya iyon gamit ang kanyang paa. Hindi na nakalock ang pinto kaya malamang na galing na siya rito kanina at nagpanic siya siguro dahil wala na ako sa loob.

Marahan niya akong ibinaba sa gilid ng kama. Lumuhod siya sa harapan ko pagkatapos. "Ria..."

Hinaplos ko ang makinis na pisngi ni Helios. "Bakit hindi ako pwedeng lumabas?"

"Because I am a selfish man and I don't like sharing what's mine."

Napalunok ako.

"I don't want to share you to the world, Ria."

"Kahit kanino Helios?"

"Kahit kanino."

"Kahit sa mga anak natin?"

Nanlaki ang mga mata niya.

"Paano kapag nagkaanak na tayo? Pati ba sa kanila ipagdadamot mo rin ako?"

Yumuko ako at kunwaring nasaktan. He took my chin and his gentle hands raised my face. "Ria..."

"Helios, gaano mo ako kamahal?"

"I love you more than anything in this world."

"Talaga? Can you prove it?"

Kitang-kita ang pag-alon ng Adam's apple niya. "How?"

Ngumiti ako. "Anakan mo ako."

♚♚♚

HELIOS POV

Ria is still in a deep slumber. I hypnotized her that's why she fell asleep soon after I lay her down. Sinadya kong makatulog siya para mapagmasdan ko ulit siya nang matagal. She looked so fragile as she sleep. I want to hold her in my arms and take care of her forever.

My heart thundered in my chest and sweat broke out my body when she mentioned about us having a baby.

Vampires are not capable of conceiving. They cannot reproduce as they did when they were human. They are undead and thus unable to create life. Hindi na gumagana ang matris ng mga babaeng bampira while male vampires are capable of impregnating human females yet the baby will never get the chance to be born. Being pregnant with a vampire's baby will cause the early death of human females.

My triplets with Ria is a different story. Ria was the chosen one. My chosen one.

I chose her to bear my sons that's why she made it. She was blessed with strength to carry my vampire babies in her human body. And right after she gave birth with Kaden, Lourd and Cross, she became a vampire. Ayoko nang maalala pa kung paano siya nabaliw matapos ang mga nangyari sa nakaraan. It took me five decades para maibalik ang nawala niyang katinuan. Itinago ko sa kanya ang katotohanan dahil ayoko na siya uling masaktan.

Kahit ako na lang ang masaktan. Wag lang siya. Wag lang ang tatlong magkakambal.

"I'm sorry, my beloved."

I am deleting her memory again... This is to only way for me to protect her. And the only way for me to be with her forever.

I bend down and softly kissed her forehead. "You will wake up and live the life of Maria Bermudez, an orphan, and an OFW who fell in love with her Italian boss."

JF

His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon