KABANATA 8 - ANG PAGKIKITA

4.7K 199 3
                                    

Kabanata 8 - Ang Pagkikita

Maluha-luha si Francine habang nakatingin na ngayon sa palasyo ng kanyang ama. Marami ang pinagbago. Nawala ang kinang nito at halos paligiran ng mga bakal na tarangkahan ang buong palasyo.

"Mahal na prinsesa, tayo ng pumasok upang makahingi na tayo ng tulong sa iyong ama." pukaw sa kanya ni Cyrus.

Tumango sya at pinunasan ang luha ng maalala nya ang kanyang anak na si Abella. Lumakad sila palapit sa bakal na tarangkahan. May tatlong kawal na nakabantay doon at meron rin sa taas na nagmamatyag.

"Pinuno, maligayang pagbabalik." bati ng mga kawal na pinagbuksan sila.

"Magbigay galang kayo sa prinsesa ng ating hari." sabi ni Cyrus sa mga ito.

"Paumanhin, Mahal na prinsesa. Hindi namin kayo namukhaan sa inyong kasuotan." magalang na paumanhin ng mga ito.

"Ayos lamang at hindi ko kayo masisisi." nakangiti nyang sabi. Lumakad na sya kasabay ni Cyrus. Mayroong mga bagong babaeng alipin na pinagmamasdan sya. Hindi nya masisisi ang mga ito kung magtaka ang mga ito kung sino nga ba sya. Dahil matagal na panahon na rin ang lumipas ng muli syang makatuntong sa palasyo.

Masaya sya at maayos parin ang pakikitungo ng bawat mamamayan na naninirahan ngayon sa maliit na kwarto sa palasyo sa likod. Napahinga sya ng malalim dahil kinakabahan sya sa muli nilang pagkikita ng kanyang magulang at syempre ni Randall. Nananabik na rin sya at nais nyang takbuhin nalang ngunit nakakahiya na ipakita iyon sa mga tao na nasa labas.

Pinagbuksan sila ng ilan pang kasamahan ni Cyrus na kawal na agad yumukod sa kanya. Nakikilala sya ng mga ito dahil narito na ang mga ito ng sya'y mawala.

Nilibot nya ang tingin habang patungo sa bulwagan kung saan alam nyang naroon ang magulang nya. Nangingiti sya na lumakad ng matulin at pagdating sa bungad ng pinto ay huminga muna sya ng malalim.

Nang ayos na ay pumasok sya at nakita nya na marami ang nagsasanay na mga batang Hikaros na makipaglaban. Tila hinahanda ng kanyang ama ang mga ito kung sakali mang magkaroon ng digmaan.

Napatingin sya sa trono at doon ay nakita nya ang kanyang magulang na nakaupo habang pinanood ang mga nagsasanay.

"Ama! Ina!" hiyaw nyang tawag sa mga ito na nagdulot ng pagkahinto ng mga nagsasanay. Napatingin sa gawi nya ang magulang nya na mga nagulat at napatayo.

"Anak? Ikaw ba yan Francine?" naluluhang paniniguro pa ng kanyang ina na agad-agad bumaba sa trono nito at nilapitan sya. Lumapit din sya at nagkayakapan sila.

"Ako nga ito Ina. Ako ito ang anak nyo." naluluhang sabi nya rito.

"Anak, salamat at bumalik ka na. Ang tagal kong nangulila sayo. Lagi akong nag-aalala na baka napano ka na. Mabuti at ligtas kang nakarating dito." sabi nito kaya napangiti sya. Napatingin sya sa kanyang ama na masayang nakatingin sa kanila na naluluha rin. Umalis sya ng yakap sa kanyang ina upang ang kanyang ama naman ang mayakap.

"Ama." usal nya at mahigpit itong niyakap.

"Anak, patawad at hindi ka agad namin nahanap. Hindi namin alam na nasa mundo ka ng tao. Mabuti nalang at nagpunta si Randall rito kaya namin nalaman." sabi nito.

Umalis sya ng yakap dahil nabanggit nito si Randall. Ito ang isa sa gusto nyang unang makita.

"Ama. Si randall? Nasaan sya?" tanong nya.

"Nasa kanyang silid, Anak. Nagpapahinga dahil napagod rin sa ginawa nyang pagsasanay para sa sarili nya." sabi nito.

"Gusto ko syang makita. Saan ang silid nya, ama?"

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Där berättelser lever. Upptäck nu