KABANATA 3 - PAGSASAMANTALA

5.2K 179 7
                                    

Kabanata 3 - Pagsasamantala


"Sigurado ka ba anak na hindi na kita ihahatid sa paaralan mo? Baka may mangyari na naman sayo. Wag ka nalang kayang pumasok?" nag-aalalang paniniguro ni Francine kay Abella.

"Wag na po, Ina. Kaya ko na po kaya hindi nyo na po kailangan pang mag-alala." tugong ng anak nya kaya wala syang nagawa kundi ang ipanalangin nalang ito na maging ligtas ito tuwing aalis ito ng bahay.

Lumabas sila ng bahay at sa kanilang paglabas ay may pumaradang mamahaling sasakyan sa harap ng bahay nila.

                  (Brabus B63s – 700)

Bumaba doon ang binatang nakasama ng kanyang anak sa isang silid aklatan at ito yung nagsabi na handa daw tulungan sila para sa gamot ng kanyang anak. Ngumiti ito palapit sa kanila. May iba syang pakiramdam sa binata. At naguguluhan sya kung bakit parang ang dali nitong tanggapin ang pagkatao nila kahit hindi naman sila nito lubusang kilala. Kaya hindi sya masyadong magpapakasiguro sa pakay ng binatang ito. Baka mapahamak ang anak nya.

"Magandang araw ho, Aling Francine at Abella. May balita po ako sa inyo." nakangiti nitong sabi.

"Ano yun, Hijo?" tanong ni Francine.

"Meron na po akong nagawa na mas matalab na gamot kay Abella. Heto po." sabi nito at nilahad ang hawak nito na isang paper bag. Alanganin namang kinuha ni Francine yun upang tignan. At nang makuha nya ang laman ay isa yung boteng puti na walang nakalagay na pangalan at label.

"Anong gamot ito, Hijo?"

"Basta po. Isa po yang Vitamin D na mabisa sa katulad nyo." sabi nito.

"Sigurado ka ba sa gamot na ito? Baka lalo lamang makasama ito sa anak ko?" paniniguro nya. Dahil oras na makaapekto ito lalo ay tiyak na hindi nya palalagpasin ang binatang ito.

"Opo. Kung gusto nyo ay subukan nyo po. Mabilis tiyak na bibisa sa inyo yan." sabi nito sa kanila. Tumingin sya sa anak nya at inabot nya ang gamot.

"Subukan mo, Anak." Sabi nya rito. Kinuha nito iyon at binuksan. Nilabas nito ang isang tableta na kulay asul ang kulay. Tumingin ito sa kanya kaya tinanguan nya.

Sinubo na nito at nilunok. Tinignan nya ito at hinintay nila ang bisa ng gamot.

"Ina, ang sarap sa pakiramdam. Para akong nasa alipaap. At bigla ay nawala ang pagtatakam ko sa dugo ng mga hayop." natutuwang sabi ni Abella sa ina nya.

"Talaga, Anak? Kung ganoon ay tumalab nga ang gamot mo, Hijo." natutuwa ring sabi ng kanyang Ina kay Antonios. Napangiti sya at iyon ang kauna-unahang beses na ngumiti sya sa isang lalake.

"Salamat sayo." sabi nya rito na napahawak sa batok at pansin nya ang pagkapula ng buong mukha nito na kinataka nya.

"Walang anuman. Natutuwa ako at tumalab sayo ang ginawa ko." sabi nito kaya tumango sya.

"Pero Hijo, hanggang kailan ang talab ng pinainom mo sa anak ko? Baka katulad lang din iyan ng ginawa ko na saglit lang ang talab." Tanong ni Francine sa binata.

"Isang buong araw ho ang talab nyan. At marami po akong ginawa kaya hindi po agad mauubos. Pwede na pong gawin ni Abella ang gusto nya sa magdamag na hindi na umuulit ang pagnanasa nyang uminom ng dugo. At meron pa palang benepisyo ang ginawa kong iyan. Kahit na kumain sya ng pagkain ng tao ay maaari na po. Kaya mamumuhay na sya ng parang tao na hindi sya magiging weirdo sa paningin ng mga tao."

Humanga sya sa binata. Hindi nya akalain na magagawa nito sa saglit lang na panahon ang klase ng gamot na binigay nito. Tumingin sya sa anak nya na napatingin sa kanya.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon