KABANATA 2 - BAMPIRA

5.1K 190 2
                                    

Kabanata 2 - Bampira


Agad na inagaw ni Abella ang gamot nya mula kay Antonios at agad na binuksan para kumuha ng gamot. Nagpapasalamat sya na madilim. Dahil maaaring makita ni Antonios ang paunti-unti nyang pag-iiba ng anyo kung maliwanag.

Pumikit nya makaramdam ng ginhawa. Unti-unti ring nanumbalik ang ayos nyang pakiramdam.

Tumayo sya at pinalibot ang tingin sa paligid ng madilim na silid aklatan.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng lalake na hindi nya kilala.

Hindi sya sumagot at patuloy sa pagtingin sa paligid. May naaninag syang maliit na liwanag kaya lumakad sya sa dulo ng silid aklatan.

"Hey, saan ka pupunta?" tanong sa kanya nito.

Lumapit sya roon at hinawakan. Napansin nya na isang pinto iyon kaya kinapa nya kung may buksanan. May nahawakan sya na parang kahoy kaya ginalaw-galaw nya iyon. Tinagilid nya at bumukas iyon. Binuksan pa nya at bumungad na sa kanya ang isang kagubatan.

"Kagubatan pala ang labas nito." ani ng lalake. Lumabas sya at nilibot ang paligid. Napakunot-noo sya dahil parang kakaiba ang gubat. "Saan kaya ang daan sa harap ng school?" sabi muli ng lalake.

Hindi sya nagsalita at pinakiramdam ang paligid. Parang may yanig syang nararamdaman. Pumikit sya at pinaringgan ang tunog. Palapit sa kanila. Mabangis, mabilis na tumatakbo, at umaalulong. Dumilat sya at tinignan ang lalake na tumitingin-tingin sa paligid.

Batid nya na nasa kakaibang lugar sila. At nasa panganib ang lalaking ito. Hinawakan nya ang braso nito na kinagulat ni Antonios. Napatingin sya sa dalaga na nililibot ang mata bago nya ilipat ang tingin sa kamay nito na nakahawak sa braso nya. Para syang lalamigin sa lamig ng kamay nito pero may iba syang nararamdaman na kakaiba sa tapat ng dibdib nya na biglang bumilis ang tibok nito.

Hinatak sya nito kaya napatanggay sya sa lakas nito. Gusto nyang murahin ang sarili dahil para syang bakla na nagugustuhan ang paghawak nito sa kanya. Lihim syang napatikhim at dahan-dahan nyang hinawakan ang kamay nito. Lihim syang napangiti ng hindi nito iyon napansin dahil pokus ito sa pagtakbo at pagmatyag sa paligid.

Napahinto ito at maging sya na nakatingin parin sa mukha ng dalaga. Humarang sa harap nya ang dalaga kaya doon nya lang napansin na napapalibutan sila ng mga asong lobo na malalaki at mababangis na kinakaba nya. Ngayon lamang sya nakaencounter ng ganito at natatakot sya para sa sarili at sa dalaga lalo't tila masasakmal sila ng mga lobo oras na may gawin silang hakbang.

Umalulong ang mga ito at nagsi-upo na kinataka nya. Parang naging maamong tupa ang mga ito.

Napatingin sya sa dalaga at nagulat sya na nakalabas ang ngipin nito. Hindi pala! Kundi isang pangil na kinabitaw nya rito.

"I-Isa kang--"

Nagtataka si Abella sa reaksyon ng binata habang nakatingin sa kanya. Hindi nito matuloy-tuloy ang sasabihin tila nabibigla.

"Ano?" tanong nya rito.

Tinuro nito ang bibig nya kaya kinapa nya. At gano'n nalang ang pagkagulat nya ng makapa ang pangil na bago sa kanya. Napatingin sya sa binata at agad na tumalikod rito. Kinabahan sya dahil alam na nito ang sekreto nya. Baka anong gawin nito sa kanya.

"Wow! Hindi ako makapaniwala na totoo ngang may bampira. At tama nga ang nasiyasat ko tungkol sa pagkalamig ng balat mo." sabi ng binata mula sa mahabang katahimikan tila ngayon lang ito kumalma mula sa pagkabigla. Naramdaman nya ang paglapit nito kaya hinanda nya ang sarili mula sa pananakit nito. Humawak ito sa balikat nya kaya hinawakan nya agad ang kamay nito at pinilipit na kinaaray nito.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Where stories live. Discover now