KABANATA 11 - SALOT

4.6K 178 1
                                    

Kabanata 11 - Salot

Napasimangot si Abella habang kinakain ang gulay na nakahanda sa kanyang harapan. Puro hilaw na gulay kasi ang kinakain ng lahi nila kaya iyon ang palaging kinakain nya. Nagsasawa na nga sya at parang iba naman ang nais nya. Hindi nga nya alam kung bakit naglalaway ang bagang nya. Tila may nais syang tikman.

"Dalagang-dalaga na talaga ang aking apo. Maganda pa. Kaya hindi ako magtataka kung maraming makikisig na kalalakihan ang umakyat sa palasyo para masilayan lamang ang inyong anak, Francine." isang mapanuksong wika ng kanyang lolo kaya sya lalong napasimangot. Kanina pa sya nito tinutukso na may namamagitan daw sa kanila ni Antonios. Para sa kanya ay wala naman.

"Iyan nga ho ang kinakatakot ni Randall, Ama. Hindi daw nya makikita ang mukha ng mga nais na manligaw sa aming anak." nakangiting sabi ng kanya Ina at sumulyap pa sa kanya.

"Lolo, Ina, ayoko pong marinig ang ganyan. Wala pa naman po akong balak na magpaligaw." sabi nya at sinubo ang hilaw na carrots.

"Sa mga binata ni Haring Harisson, wala ka bang naiibigan, Apo?" tanong ng kanyang lolo na si Uriko.

"Wala po." tanggi nya ngunit nang pumasok sa isip nya ang itsura ni Antonios ay napailing sya at napaubo.

"Nagsisinungaling ang aking apo." sabi ng lolo nya kaya napasimangot sya ng magtawanan ang matatanda.

Nasa gitna ang lolo nya habang nasa gilid sa kanan nito ang lola nya. Habang ang kanyang ama at ina ay nasa kaliwa nito. Habang sya ay katabi ang lola nya.

"Wag mo na ngang tuksuhin ang ating apo, Uriko. Namumula na tuloy sa inis ang kanyang ma-rosas na pisngi." nakangiting sabi ng Lola Gaina nya kaya ngumiti sya rito.

"Mabuti pa kayo Lola. Kaya magkamukha po tayo,e." sabi nya na kinahalakhak nito.

"Anak, ako ang iyong kamukha." sabi ng kanyang ama kaya natawa silang lahat.

May lumapit sa kanila na isang Asya na isang alipin. Yumuko ito ng makarating sa gilid ni Uriko.

"Paumanhin sa abala, Mahal na hari. Nagpapatawag po ang babaylan ngayong gabi dahil may lumabas daw ho na propesiya." sabi nito kaya naibaba ni Uriko ang hawak na baso na naglalaman ng puting alak na gawa sa dugo na hinaluan ng ibang rekado.

"May nais na sabihin ang babaylan." anunsyo ni Uriko at nagpunas ng nguso gamit ang pinakamalambot na tela na tanging maharlika lamang ang makakagamit. Natigil sa pagkain sila Gaina, Francine at Randall dahil sa sinabi ni Uriko. Ngunit hindi si Abella na nagpapatuloy sa pagkain habang malalim ang iniisip.

"Abella.." tawag ni Francine sa anak na malayo ang lipad ng isip, "Abella.." tawag nya muli rito ngunit tila isa itong bingi na tulala. Nagtaka ang apat kaya hinawakan ni Gaina ang kanyang apo sa kamay nito na nakapatong sa lamesa.

Tila naman nagulat si Abella kaya agad syang napalingon sa kanyang lola at maging sa kanyang lolo, ama at ina.

"Bakit po?" taka nyang tanong.

"Tinatawag ka ng iyong ina ngunit tila malalim ang iyong iniisip." sabi ni Gaina.

"Pagkatapos mo d'yan, Anak, pumanik ka na sa iyong silid at kami ay meron lang pag-uusapan kasama ng babaylan." sabi ng kanya ni Francine kaya tumango sya.

"Tila napagod ka ngayong araw na ito, Anak. Kaya malalim ang iyong naging pagkatulala." sabi ng kanyang ama na kinabuntong-hininga nya.

"Opo." tugon nya.

"Kung gano'n ay ihatid nyo sa kanyang silid ang aking apo." baling ng kanyang lolo sa mga asya na nakatayo sa gilid.

"Opo, Mahal na hari." tugon ng mga ito.

BLOOD BOOK 2 (Unedited) ✓Where stories live. Discover now