Chapter XVI

42 1 0
                                    

This chapter contains content that is not suitable for all readers. This chapter has a segment of rape, BDSM and sexual scenes that would find either offensive or insensitive to the readers. The author wishes no harm for the part and tried to tone it down. The author wishes to portray how it feels to be under a curse of a demon succubus, as per se, you can skip this part but if you wishes to continue, read at your own risk. Reader's Discretion is advised.

A Good Death, is its own Good Reward - Man of Steel, 2013

Isang pumapatak na tubig ang naririnig ko sa isang lugar na kung saan ang tunog nito, umaabot sa malawak na parte ng aking kinatatayuan. Nanghihina at pinipilit kong binubuksan ang mga mata ko kahit may nararamdaman akong mahigpit sa aking braso. Unti-unti kong minulat ang mga mata at nakita ko, nasa isang classroom kami, luma at sira sira. Nakita ko sa aking mga kamay na naka-kadena at ganun din sa paa ko.

Teka, anong nangyari? Ang naalala ko, nawala ang mga kaibigan ko at may kakaibang nilalang ang kumupkop sa akin. Nasaan si Sydney? Isaiah at si Ella? Di kami pwedeng magtagal dito, 20 minutes lang ang nakalaan sa amin ni Jeanne, pinipilit kong tanggalin ang mga naka-kadena sa paa at sa kamay ko hanggang sa nakarinig ako ng tawa. "S-sino yan? Magpakita ka!!" Sigaw ko pero kahit anong tapang ang ilabas ko, halatang nanginginig ako.

"JC, ang tagal kong nagintay sayo." Boses ng isang babae pero di pa rin sya nagpapakita. "Simula nung bata ka pa lang, ikaw na ang hinahanap ko." Sabi nya ulit sa akin. Lakasan mo ang loob mo JC, kaya mo ito, wag kang magpapaapekto sa mga sinasabi nya. "Bakit ngayon ka lang nagparamdam sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Tignan mo ang sarili mo, mahina, mangmang at higit sa lahat, madaling lokohin." Lumiwanag ng kaunti ang classroom at nakita ko ang kanyang mga paa pero pagdating sa katawan hanggang sa ulo, nakabalot ito sa anino pero kung titignan ito ng mabuti, nakasuot sya ng school uniform. Hindi ito si Vanessa.

"Have you heard of the name Lilith?" Naalala ko ang mga sinabi ni Jeanne sa akin. "Lilith was not a baby killer, she's a succubus." "By reviving Lilith, is also the ascension of the Antichrist."

"Matagal na rin kitang hinahanap. Lilith." Sabi ko sa seryosong tono.

Lumitaw ang mapula nitong mata at naglakad sya papunta sa akin ng mabagal, unti-unting tumataas ang liwanag sa kanyang katawan, simula sa paa, sa tuhod, umabot sa katawan, hanggang sa mukha. Isang magandang dalaga na maputi, mahaba ang buhok at may nakakaakit na labi na kasing pula ng isang rosas. "Ohhh JC. Buti at nakilala mo ko." Malaswang pagkakasabi nya sa akin.

"Nasaan sila Isaiah? Si Sydney at si Ella?" Tanong ko ng may bahid ng galit.

"Mga kaibigan mo? Dinala ko sila sa ibang kwarto na di mo sila mahahanap at dahil nandito ka na, madami tayong paguusapan." Lumapit sya sa akin at umupo sa aking binti. Malapit ang mukha ko sa mukha nya. "Ohh, ang gwapo mo." Sabi nya sa akin at nilagay ang mga daliri nito sa labi ko pero umiwas ako ng tingin sa kanya. "Ang KJ mo naman, wag kang mag-alala..." Sabi nya at may binulong sya sa akin. "Magkakaroon tayo ng masayang alaala." Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan at tinignan nya ako ng matagal.

Maya maya, hinalikan nya ako, pinipigilan ko sya pero di ko magawa, nalululong ako sa mga halik nya, nalulunod ako sa kanya, napapikit ako at tumulo ang mga luha ko, nararamdaman ko na kumikilos ang mga kamay ko sa kanyang katawan, kahit nakakadena, nagawa ko syang yakapin, Sydney, tulungan mo ko.

----- Sydney -----

Nagising ako sa isang malamig na semento, sinubukan kong tumayo at nakita ko na nasa isang classroom ako, madilim pero ang nagliliwanag sa bintana nito ay ang mapulang kulay ng isang buwan. "Ugh, ang sakit ng ulo ko." Nagulat ako sa narinig ko boses at sa aking pagtalikod, nakita ko sila Isaiah at Ella. "Isaiah? Ella? Buti nandito kayo." Maluha luha kong sinabi at niyakap ko si Ella. "T-teka nasaan ba tayo? Nasaan si JC?" Sabi ni Ella na halatang nanghihina at naguguluhan. "Di ko alam pero kailangan na nating hanapin si JC, at umalis na dito bago pa tayo malulong sa kagaguhan ng lugar na ito." Sabi ko, nagising na rin si Isaiah pero katulad ni Ella, mahina at naguguluhan.

Death Test: REmake (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon