Chapter XIV

29 1 0
                                    


A Few Hours Earlier

JC.

Mahimbing akong matutulog sa aking kwarto, patay ang mga ilaw, pero rinig na rinig ko ang tunog ng mga sirena sa kaley, mga sasakyang nagbubusinahan pero kahit ganun ang mga naririnig ko, nagagawa ko pa ding matulog.

Pero, minsan, habang pahiga pa lang ako, hindi matanggal sa aking pagiisip ang lahat ng nangyayari, its like unti-unti akong nawawala sa sanity. This is making me crazy, nagiging vulnerable ako sa lahat ng bagay. Some says demons are easy to manipulate us when we're weak and I think ayun ang nangyayari sa akin.

Dahil ayokong matulog, I decided to drink a glass of water. I have this weird feeling na kapag di namin ito naayos soon enough, there will be chaos. After kong uminom ng tubig, naisipan ko nang matulog.

Suddenly, I felt a wind, pero sa pagkakaalala ko, nakasara ang mga bintana, napadilat ako at umikot ang aking paningin sa kwarto. Napatingin ako sa bintana pero tama nga ako, nakasara  ito. 

JC...

Wait, may bumulong sa akin, tinatawag ang aking pangalan, suddenly, I felt a hand, na parang niyayakap ako pero nakahiga. Fck, katawan ko, di ako makagalaw, is this sleep paralysis?

Sinusubukan kong gumalaw pero wala, sinubukan kong sumigaw o kahit makapagsalita pero wala. Maya maya, may mga kamay na biglang naglabasan sa pader, mga duguan, patay na kamay at sa ilang saglit, lumitaw ang isang babae.

Mahaba ang buhok, putlang putla ang kanyang kulay at nakasuot ng school uniform, yung uniform na pang dekada 70s at nakatingin sya sa akin.

"Matagal na kitang iniintay." Sabi nito sa akin, ilang saglit, ang lapit na ng kanyang mukha sa akin. Mga mata nya, napupulot ng itim at nakangiti sya sa akin, binuksan nya ang bibig nya ng sobrang laki at maya-maya, may lumabas na ahas sa bibig nito. Tangina wag!! Wag kang pumasok sa bibig ko!!

Shit, napapikit ako sa sakit habang patuloy itong pumapasok sa lalamunan ko, parang may tubong pumapasok, pinipilit kong sumuka pero di ko magawa, paralyzed ang katawan ko. Pagdilat ko, nawala na sya pero bigla akong nakaramdam ng pagsusuka kaya dumiretso agad ako sa banyo at sumuka.

Pero, dugo ang lumabas, tangina. Kinakabahan ako, anong nangyayari sa akin, bakit parang palala na ng palala ang kondisyon ko. Teka, si Jeanne, baka may maitutulong sya sa akin. Kinuha ko kaagad yung phone ko at tinawagan ko si Sydney para hngin ang number nya pero wala, walang sumasagot, shit!!

Maya maya, nakaramdam ako ng matinding pagkahilo, pinaglalaruan ba ako? Tangina, kailangan ko nang umalis dito, personal kong pupuntahan si Jeanne at hihingi ng tulong sa kanya.

Sinuot ko yung jacket ko at pumunta ako sa elevator. Wala nang tao sa corridor kaya mag isa lang akong nagiintay sa elevator. Pero, in my peripheral vision, alam kong di ako nag-iisa, may nararamdaman akong kakaibang presensya. Pagtingin ko sa kaliwa ko, may kambal na babae na magkahawak kamay sila. "Tara, sumama ka sa amin." Sabi nila pero tangina, iba itsura nila, hindi sila ordinaryong kambal, itim ang mga mata nito at putlang putla sila.

Wag JC, wag mo na silang pansinin, pumunta ka na lang kay Jeanne at bibigyan ka nya ng protection. Mga ilang saglit, bumukas ang pintuan ng elevator at dali-dali akong pumasok sa loob. Pinindot ko ang 1st floor at nagsimula itong bumaba.

Twinkle, twinkle little star, how I wonder what you are

Putek ano yung tumutugtog sa elevator.

Up above the world so high, like a diamond in the sky

Maya maya, biglang nagpatay-sindi ang mga ilaw sa elevator, di ko namalayan na nagpapanic na pala ako, pinipindot ko ng pinipindot ang 1st floor ng elevator, nagmamakaawa na sana bilisan ng elevator ang pagbaba nito.

Twinkle twinkle little star, how I wonder-

Maya maya, biglang namatay ang ilaw ng elevator, at ang nakakatakot pa doon, tumigil ang elevator, kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at binuksan ang flashlight, nakita ko sa indicator na nasa 2nd floor ako.

"What. You. Are" Maya maya, may mga buhok na dahang-dahan na bumabagsak sa mukha, pagtingala ko. Isang babae, nakangiti sa akin at duguan ang mukha nito. Tangina, sa sobrang takot ko, binuksan ko ng pwersahan ang pintuan ng elevator at mga ilang saglit nakaalis ako sa elevator.

Nasa corridor na ako pero patay-sindi ang mga ilaw, I need to act fast. "SUMAMA KA SA AKIN SUMAMA KA SA AKIN SUMAMA KA SA AKIN SUMAMA KA SA AKIN SUMAMA KA SA AKIN!!!!" Paulit ulit kong naririnig ang mga boses lalo na sa pader, tangina, napapikit ako sa sobrang ingay at tinakpan ang mga tenga ko, tangina, sobra sobra na to. Pero kailangan kong lumaban, nakita ko ang fire exit at tumakbo agad ako doon, dali-dali akong tumakbo pababa sa hagdan kahit may naririnig akong nagtatawanan sa pader, sa sulok, sa hagdan lahat, maya maya nakarating ang ko sa pintuan at lumabas agad.

Narinig ko na ang mga busina at tambutso ng mga sasakyan sa kalye at wala na yung mga bulong at boses na naririnig ko kanina.

Nanginginig ako sa sobrang takot, kita ko sa kalangitan na malapit nang sumikat ang araw, sa mala kulay dark blue na kalangitan at malamig ang hanging dala nito. Kahit inaantok na ako, patuloy ako sa paglalakad, ng makarating ako sa bahay nila Jeanne, alam kong ligtas na ako, pumunta agad ako sa pintuan at kinakalampag ang pintuan, hoping na sana marinig nila. When the doors are finally opened, nakita ko ang mukha ni Jeanne at ni Sydney na parang nag-aalala sa akin. "Help me." Tanging ito lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko and then, everything goes black.

------- A Few Hours Later --------

Napadilat ako sa matinding liwanag mula sa labas at nakita ko si Sydney na pinupunasan ang mukha ko ng mainit na twalya, nandoon si Jeanne nakatayo at tinitignan ako. "JC, gising ka na." Sabi ni Sydney at hinalikan ako sa noo. Yeah, I remember, pumunta ako kela Jeanne and the voices, God, the experience, shit. "Lumalala ka na JC, I can sense a very powerful, malignant force in you." Sabi ni Jeanne sa akin.

"I, I had started hearing weird voices, kagabi, there are things na nangyari sa akin, and fck, I'm going insane." Sabi ko kay Jeanne pero poker face lang sya. Mga ilang saglit bumukas ang pintuan at nakita ko sila Ella at Isaiah na pumasok sa loob para kamustahin ako. "Pinatawag kami ni Sydney dito, anyari sayo?" Tanong ni Ella sa akin pero ngumiti lang ako.

Sinubukan kong umupo at tinignan sa mata si Jeanne."Jeanne, help me find her. Papasok ako sa loob ng Soul Rift and I would try to contact her." Nanlaki ang mga mata ni Jeanne sa sinabi ko. "No JC, this is suicide, alam mo yung dangers ng Soul Rift, once na nalulong ka sa kabaliwan you're stuck there forever." Sabi nya.

"I know, pero I can't risk bringing it here sa mundo natin. Something is inside me Jeanne, may pumasok sa loob ng katawan ko, the only person na kayang tanggalin ang anumang nasa loob ng katawan ko, its her. Please Jeanne, nagmamakaawa ako." Nagbuntong-hininga si Jeanne na para bang wala na rin syang choice sa desisyon ko.

"Fine, but make it sure na 5 minutes lang, more than that you're in hell." Babala nya sa akin.

"It's a risk I'm willing to take." 


To be Continued.


7 Chapters left and The Death Test Universe will continue on Madame Butterfly, please add it to your library to continue the saga of  the characters on finding the mystery of the death curse, the church, the cult and the witches that is happening in their world.

Death Test: REmake (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon