Chapter VIII

41 1 0
                                    

Pagkalabas namin sa Police Department, napatigil ako sa paglalakad, iniisip ko kung paano ko matitigil itong misteryosong pagpatay sa eskuwelahan, kailangan kong malaman kung ano ba ang meron sa lupa na kinatatayuan ng Frayville College at ng simbahan sa likod nito. "JC, may problema ba?" Tanong ni Ella sa akin, napatingin sa akin sila Isaiah at si Sydney sa akin.

"Wala, pero may gusto akong malaman." Sabi ko.

"Ano yun?" Tanong naman ni Sydney sa akin.

"Kailangan kong malaman ang sekreto ng Frayville College, starting sa pinakadulo." Sabi ko sa kanya. "JC, nababaliw ka na. Hindi ito kagagawan ng isang demonyo o kung ano man, gawa ito ng isang mamamatay tao." Sabi ni Ella na parang di sya naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Ella for God's sake alam mo sa sarili mo na may hindi tama sa eskuwelahan at sa lupang kinatatayuan nun. Gawa ba ito ng isang mamamatay tao?" Binuksan ko ang sleeves ng aking damit at pinakita ang sugat ko na may butas mula sa simbahan nung ako'y pinako ng isang kakaibang nilalang. "Ella, walang sinumang tao ang may gantong kakayahan ang kayang gumawa nito sa akin. Something's out there at alam ko yun, kailangan kong malaman kung ano iyon, whether you're with me or not, aalamin ko ang katotohanan." Sabi ko sa kanya. Nakita ko sa kanilang mga reaksyon na parang nagdududa sila ng biglang lumapit sa akin si Ella at hinawakan at sa balikat.

"Kung ano man ang desisyon mo, sasama ako, pero walang tawagan ng engkanto, sasama ako para malaman ang katotohanan, no rituals or callings." Napangiti ako sa sinabi nya at ganun din ang ginawa ni Isaiah at ni Sydney. Oras na para imbestigahan ang misteryo ng eskuwelahan.

"Saan tayo magsisimula?" Tanong ni Sydney sa akin. "For sure nagsara na ang eskuwelahan dahil sa nangyari, any ideas?" Tanong ko. Nagisip kaming apat kung saan may public libraries or kung wala, paano na lang kami makakapasok sa school ng hindi nahahalata.

"Ganto, what if pasukin na lang natin ang school?" Suggestion ni Isaiah.

"Okay, if ganun ang gagawin natin, how?" Tanong naman ni Ella sa kanya. "Hindi tayo dadaan sa simbahan dahil baka kung ano ang mangyari sa atin pero, I know exactly kung paano tayo makakapunta doon. May Fire Exit sa gilid ng school, isang swipe lang ng I.D and nasa loob na agad tayo. Once na nasa loob tayo pumunta agad tayo sa library at doon naka store ang mga yearbook, especially the Year 1974." Sabi ni Isaiah. Di na kami nagdalawang isip na gawin ang plano nya.

------ a Few Hours Later ---------

"Shit, muntikan na tayong mahuli ng security guard." Sabi ni Ella habang naglalakad kami sa madilim na hallway ng school. "Well atleast nasa loob na tayo, pero mag ingat tayo, di natin alam kung ano ang umiikot sa loob ng eskwelahan." Sabi ko sa kanila. Gamit ang flashlight mula sa phone namin, iba yung dating at itsura ng eskwelahan kapag walang estudyante at patay ang mga ilaw, parang tirahan ng mga multo ang eskwelahan and God knows where kung saan sila nagtatakbuhan.

Umakyat kami mula 1st floor hanggang 3rd floor kung saan located ang library. Pagkatutok ko ng flashlight doon sa pintuan, bumungad sa amin ang malaking library na sign. "Ito na yun, tara." Binuksan ko ang pintuan at buti na lang, di sya nakalock, pagkapasok namin sa loob, nakita namin ang mga bookshelves at mga lamesa, typical library ng mga college. "Ok, search the area, anything na related sa 1974 dalhin nyo dito, kailangan nating pira-pirasuhin ang mga pangyayari." Naghiwa-hiwalay kami at kinuha ang mga libro at yearbooks noong 20 years ago. Ilang sandali nagsibalikan na sila at dala dala ang mga iba't ibang libro at isang yearbook ng 1974.

"All right, alamin na natin ang nangyari." Sinimulan naming buksan ang history book ng Catholic School for Girls. Tatlong gusali ang tumayo sa lupang ito. "Noong 1920, itinayo ang Frayville Catholic Church. Mukha syang cathedral kaya malaki ang lupang sinakop nito." Sabi ko sa kanila. "Ito, tignan nyo, ang mga pari at madre ng Frayville Catholic Church." Labing-dalawa sila sa picture at sa pinaka ibabang parte ng libro nandoon ang kanilang pangalan. Maya maya, nagulat si Sydney ng may nakita sya sa mga pangalan.

"Teka, ang Delos Reyes, last name ito ni Jeanne, di ba may binanggit sya na dati daw naging madre ang lola nya sa simbahang ito? Kung sino man ang may nakakaalam sa mga kakaibang pangyayari, ay walang iba kundi si Jeanne." Sabi ni Sydney sa amin.

Pumunta naman kami sa yearbook 1974 ng isang Catholic School for Girls at nakita namin ang iba't ibang section, maya maya, napatigil kami sa section ni Vanessa. Nakita na namin ang mukha nya. Kitang kita namin ang kanyang inosenteng mukha. Isang mukha na di talaga gagawa ng mali. Anong nangyari sayo Vanessa? Ano ang ginawa nila sayo?

"Oh my God, JC, tignan mo to." Sabi sa akin ni Ella at pinakita ang isang journal ng isa sa mga naging kaklase ni Vanessa.

Patawad Vanessa, pero ikaw ang perpektong kandidata para sa kanila. Hawak nila ang pamilya ko, patawad Vanessa, patawarin mo ko.

Yun yung nakasulat sa journal. Madami pang mga butas sa investigation namin. "Sydney, tawagan mo si Jeanne, kakausapin natin sya regarding sa simbahan. Hahanapin natin ang may-ari ng journal na ito." Sabi ko sa kanila.

"Saan naman natin sya hahanapin?" Tanong ni Ella.

"Ito oh, nandito ang pangalan nya." Pinakita ko sa kanila ang pangalan at tumingin silang lahat sa akin. "Hanapin na natin sya." Umagree kaming lahat sa sinabi ni Isaiah at umalis na kami sa library bago pa may makakita sa amin.

Ang pangalang hahanapin namin ay walang iba kundi si Maria Veneracion.

To Be Continued.

Death Test: REmake (On-Hold)Where stories live. Discover now