Chapter I

205 11 4
                                    

Minsan nagiisip ako ng mga bagay tulad ng, ano ba ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay bilang isang tao? What is really the importance of living? Is it also the same when we were dead? Or minsan, bakit kailangan nating dumaan sa mga pagsubok upang makilala natin ang sarili natin, what was it really means to be alive? Ito ang mga tanging tanong na pumapasok sa isip ko habang nabubuhay pa ako.

"Magandang umaga po sa inyong lahat, ako po si JC De Vera, bagong student po ako dito sa school na ito and I hope maging friends ko kayo." Bati ko sa kanila sa harapan. Iba't ibang reaction ang mga natanggap ko, ang ilan nakangiti, yung iba walang pake, at may mga ibang titig na ang sobrang sama pero imahinasyon ko lamang iyon.

"Maraming salamat JC, makakaupo ka na sa iyong upuan." Sabi ng aking guro at sinunod ko ang kanyang utos. Umupo ako sa bandang dulo na kung saan malayo ako sa klase dahil first day ko pa lang, nahihiya ako sa kanila.

Ang eskuwelahang pinasukan ko ay Frayville College, located at Frayville City dito sa Pilipinas. Prestigious ang klase at madaming kabataan ang gustong pumasok sa loob ng klase, may entrance exam dito and I was one of the few lucky students na nakapasa at nakakuha ng free voucher mula sa mayor ng city na ito.

"Lady? Anong oras na? You're late for 30 minutes" Nawala ako sa iniisip ko at napatitig ako sa isang babae na pagod at tila naghahabol ng hininga, siguro tumakbo pa ito mula 1st floor hanggang 5th floor papunta sa room namin.

"Sorry po sir, nalate po ako ng gising." Dahilan nya sa Professor. Inintindi na lang sya at inutusan na lamang na umupo sa kanyang kinauupuan. First impression ko sa kanya? Makulit sya pero mukhang matalino but I can't stop looking at her, she looks so beautiful, nawala ako sa iniisip ko when she looked at me, in an awkward way. "Uhm, kuya? May something ba sa mukha ko?" She asked me in an awkward tone.

"Ha? Ah eh... Wala hehe, uhm, sorry, for staring you." Sabi ko sa kanya, fuck, ang awkward, ang bad ng galaw mo JC, ang bobo mo!! Ayoko na tuloy tumingin sa kanya, tangina, weird na ang first impression nya sa akin. "Uhm, by the way, ako nga pala si Sydney, Sydney De Rochefort." Sabi nya sa akin pero naa awkward pa rin sya sa akin.

"Yeah, ako si JC. Its, nice to see you uhm, Sydney." Ngumiti sya sa akin and I saw the most beautiful smile as if, she was the one for me. Wait what? "Ok class, as you all know, Frayville National-" Naputol sa sasabihin yung prof namin dahil bumukas yung pintuan at may nakatayong dalawang tao, isang maangas na lalaki, at isang naka salaming babae pero, bakit ang angas ng tindig nila. "Yes, ano kailangan nyo?" Tanong ng Professor sa kanila.

"Uhm, sorry sir, late rin po kami ng gising." Sabi ng babae sa kanya, wow, akala ko siga sila pero mabait naman pala, tumango na lang ang Prof sa kanila at naghanap ng mauupuan. The first day of our class started as a normal class, I'm taking a course of Education and ang subject namin ngayon is all about basic English, yung katabi kong maganda, si Sydney, todo ang pakikinig sa kanya, nasa likuran ko yung dalawa, di ko sila kilala pero nai intimidate ako sa kanila, 1 hour has passed and tapos na yung subject namin, yung mga iba, nag stay sa room, yung iba nagsi-alisan para bumili ng pagkain sa canteen. Ayun, di ko naman kayang kausapin si Sydney dahil tangina nahihiya na ako sa kanya. Kinuha ko yung phone ko tapos naglaro ako ng ML. Maya maya may lumapit sa aking dalagita, maiki buhok at nakasalamin pero maganda kaso ang angas nya.

"Hey, bakit ang tahimik mo?" Tanong nya sa akin. "Uh, wala, nahihiya lang po ako." Tumango lang sya sa akin at saka ako naglaro ulit. "Hey girly, bakit tahimik ka rin?" Napatingin ako kay Sydney at mukhang naiilang sya.

"Uhm, wala po." Nag buntong-hininga sya at maya maya hinawakan nya ang kamay ko at kamay ni Sydney at ngumiti sya sa akin. "Free ba kayo mamaya?" Napatingin kami ni Sydney sa isa't isa tapos sa kanya.


------ A Few Hours Later ------


"So ayun, welcome sa field ng Frayville College, dito nagtatakbuhan ang mga athletes but since first day pa lang, wala munang tumatakbo and I think it's the great time to know each other." Sabi ng babae sa aming dalawa.

"Oh, my manners, I'm Sorry, ako si Ella Bosconovitch, and this big guy on my left is Isaiah Williams, don't worry mabait sya." Tapos umupo silang dalawa sa madamong lapag, tinignan ako ni Sydney at ngumiti ako sa kanya, as if I'm telling her na it's okay to sit down with them.

"Yan, so kuya anong name mo?" Tanong sa akin ni Ella. "Uhm, ako si JC De Vera, but you can call me JC." Sabi ko.

"Hmm... I see well it's nice to meet tapos ikaw ate?" Tanong naman nya kay Sydney. "Uhm, Sydney De Rochefort po." Sabi nya.

"Guys, wag kayo ma intimidate sa amin, ganito lang talaga kami di ba Isaiah?" Tinignan lang sya nung lalaki at ngumiti tapos nagcellphone na ulit sya. "Medyo tahimik lang sya ngayon pero madaldal sya, so anyway, bakit ka napadpad dito JC?" Tanong ni Ella.

"Uhm, libre yung tuition fee? Tsaka sabi daw maganda yung education dito ehh." 

"Hmm sabagay, actually maganda naman talaga, prestigious school to, ikaw naman Sydney, bakit naman gusto mo rito?" Tanong ni Ella kay Sydney.

"Uhm, expectations ng parents." Sabi nya in a soft tone. Naging seryoso ang mukha ni Ella sa kanya as if ang paguusapan namin ay napaka seryoso.

"Ok lang ba na ishare mo sa amin? I mean, hindi sa pagiging tsismosa pero atleast makatulong di ba?" Tinignan ng maigi ni Sydney si Ella before saying yes as if nahihirapan syang magtiwala.

"Sa pamilya kasi namin, lahat ng kapatid ko, matataas ang grades, syempre ako bilang bunso at nagiisang babae sa aking pamilya, kailangan kong patunayan sa kanila na kaya ko din, na kaya kong higitan ang mga kapatid ko." Tapos maya maya, unti-unti nang tumutulo ang mga luha nya. Tumabi sa kanya si Ella at niyakap sya.

"That's okay Sydney, madami tayong pagsubok, expectations and challenges sa buhay at kahit anong gawin natin, di natin matatakasan ang mga iyan, ang tanging paraan para malabanan natin yan, ay harapin ang mga pagsubok na ito dahil yan ang magpapalakas sa atin kaya smile ka na ahh?" Tapos ngumiti si Ella sa kanya.

Nahihirapan syang ngumiti kaya hinawakan ni Ella ang magkabilang pisngi ni Sydney at pinilipilit nyang pangitiin. "Come on girl smile!!! We only have few days to live mamamatay rin tayo, so why don't we make the most of it?" Sabi ni Ella kay Sydney, tapos tumingin sya sa akin at kay Isaiah.

Maya maya, natuto nang ngumiti si Sydney at pati ako napangiti, we all have dark secrets at yung sa akin? I think its not the right time to tell it to them dahil baka di nila matanggap. After that, naglatag ng pagkain si Ella gamit ang kanyang panyo na pampatong sa kakainin namin at doon, ang naging simula ng aming pagkakaibigan sa isa't isa.

"Guys, may nakatinging babae doon sa bintana sa ma 5th floor." Sabi ko sabay turo sa kanya. "Ha? Wala naman akong nakikita." Sabi ni Ella sa akin, pero nakikita ko sya. Nang iniscrub ko yung mata ko, wala na sya. That's weird.

Wag kang lilingon.

Tumaas ang mga balahibo ko, sa  isang tonong patay ang pagkakasabi sa akin, ramdam ko ang lamig ng kanyang mga daliri, isang patay at nakakakilabot na pakiramdam ang nararanasan ko. 

Wag kang lilingon

Nagdasal ako sa isip-isip ko, Amang Diyos, gabayan nyo po ako. Nanginginig at pinagpapawisan na ako.

"Uyyy ok ka lang?" Napadilat ako at nakita ko si Sydney na nag-aalala sa akin, pati na si Ella at si Isaiah. "Ah... O-Oo, okay lang ako." Sabi ko sa kanila. At bumalik na sila pagkain ng kanilang kinakain.

Ito, ang sekreto ko, ang makaramdam at makakita ng multo, isang sumpa na kahit kailan, di ko maia-alis sa aking katawan.


Death Test: REmake (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon