Chapter VI

60 2 0
                                    

They left her alone with her thoughts, and her thoughts ate her alive.
-Anonymous

11:30 AM ng kinaumagahan, isang estudyante ang nagngangalang Danica ay sumasagot sa kanyang pagsusulit sa Filipino, ng makaramdam sya ng pag-ihi, inangat nya ang kanyang kamay at nagpaalam sa kanyang guro na sya ay pupunta lamang sa banyo. Pagkaalis nya sa banyo, walang tao sa hallway, lahat nasa loob ng kanilang klase, nasa 1st floor sya nagkaklase at ang C.R ay nasa 3rd floor kaya umakyat sya sa hagdanan at pumunta sa C.R

Pagkapasok nya sa cubicle at umihi, bigla syang nakaramdam ng kakaiba sa loob ng C.R, nakakatakot isipin na baka may tao sa loob ng C.R kaya pagkatapos nyang umihi, binuksan nya ng dahan-dahan ang cubicle at wala namang tao doon, sya lang. Tatayo na sana sya sa toilet ng biglang nagsara ang cubicle at kinakalampag ang pintuan.

Natakot ang dalaga at tinakpan nya ang kanyang mga tenga ng biglang namatay ang ilaw. Nagdasal si Danica ng The Lord's Prayer  pero, habang tumatagal ang kanyang pagdadasal, napansin nyang may ulong umaangat sa ibabaw ng pintuan ng cubicle. "Ama, patawarin nyo ko sa aking mga kasalanan, ikaw lamang po ang aking susundin." Paulit ulit nya itong sinasabi sa kanyang dasal at ng pumikit sya at nagsabi ng amen, pagdilat nya, nawala na yung ulo at bumukas na muli ang mga ilaw, dahan-dahan nya ulit na binuksan ang pintuan ng cubicle tumayo sya at dahan-dahan syang umalis sa cubicle, kahit natatakot, naisipan nyang maghugas ng kamay, ng pagtingin nya sa salamin.

Nasa gilid mo lang ako.

Napasigaw sya at narinig ito ng isang lalaking estudyante na naglalakad lamang sa hallway ng 3rd floor, narinig nya na nanggaling ito sa banyo, at maya maya biglang nagsara ng malakas ang pintuan sa C.R at may mga dugong tumalsik sa maliit nitong bintana. 

--------------------------------------------------

Late na akong nakapasok na school, buti na lang na discharge na agad ako sa hospital dahil minor injuries lamang ang natama kong mga sugat pero, di pa rin ako makapaniwala na pinako ako sa isang krus ng lumang simbahan. Ano ba ang gusto nila sa akin? Ano meron sa akin? Umakyat ako sa 3rd floor ng makarinig ako ng sigawan mula sa banyo ng mga babae. Lalapit na sana ako ng biglang nagsara ito kaagad.

Dahan-dahan akong lumapit ng malaman kong may tumalsik na pulang kulay sa bintana ng pintuan. Napaatras ako ng kaunti dahil teka... Oh my God, d-dugo? Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan ng C.R at pumasok sa loob, kahit may dugo ang sapatos ko patuloy pa rin ako pero hindi ibig sabihin na natatakot ako, nagmumula ang pagdaos ng dugo sa lapag sa isang cubicle, slightly opened yung pintuan pero, kinakabahan ako sa kung ano ang makita ko. "Lord, be with me." Sabi ko sa sarili ko, ng pagkabukas ko. Oh God, Oh my God!! H-hindi!! Fuck fuck fuck!!! Shit!! Nakaupo yung bangkay ng isang babae ng nakabukas ang bunganga nito, teka, fuck!! Wala yung panga nya, nakausli ang dila nito sa leeg at nakabukas yung mga mata, oh God, kitang kita pa yung utak nya.

Sa pader ng cubicle, nakasulat doon.

Take me > > > > >            < < < < < <  Take Me

At nakaturo ang mga arrow sa ulo nya. Oh God, ano ba tong ginagawa ko? Dahan-dahan akong lumapit sa bangkay, shit yung amoy, amoy patay na daga na may halong amoy ng sariwang lamang loob, napatingin ako doon sa utak at may nakita akong isang maliit na papel sa loob, pagkakuha ko, nalaman ko na may nakasulat na 

C E

CE? Anong C.E? Nakarinig ako ng boses ng mga babae at parang pinaguusapan nila yung dugo sa lapag, fuck!! Nasa loob ako, ng mabuksan yung cubicle, nakita ko ang kanilang mga reaksyon at sumigaw sila. Shit!!

Maya maya, dumating ang mga security guard at hinila nila ako pati ang dalawang babae. nagring yung bell ng klase at nakita ng maraming estudyante ang duguang C.R ng babae sa 3rd floor. Tinatanong ako ng guard kung ok ako pero di ako makasagot dahil fresh na fresh pa sa utak ko ang imaheng nakita ko.

"JC? JC!!!" Narinig ko yung boses at nakita ko si Sydney na tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako, maya maya, dumating na ang mga ilang SOCO na pulis at nilagyan ng yellow tape ang C.R. "JC!! Paano ka napadpad sa loob ng C.R? Anong nangyari?" tanong sa akin ni Ella na kasama si Isaiah subalit di ako makasagot. Natatakot ako sa nakita ko. Nagsisimula na ba?

Maya maya, may tatlong pulis ang lumapit sa amin. "Kailangan mong sumama sa amin." Sabi sa akin ng isang pulis. "Woah wait teka!! Walang kasalanan si JC dito, nakita nya lamang yung bangkay, di sya yung pumatay." Depensa sa akin ni Isaiah.

"kailangan lang namin sya sa Witness Report. Kung gusto nyo, samahan nyo ang inyong kaibigan dahil kailangan naming malaman kung sino yung gumawa nito." Sabi ng pulis. Napatango ako ng ulo at inalalayan kami pababa sa hagdan hanggang sa paglabas ng school pero, ang mga mata nakatingin sa akin na parang ako yung may kasalanan sa nangyari.

Nagsimula na ang Death Test?

Tangina, di na ako papasok!!

Sya ba yung pumatay?

Tangina pre, ipa expel nyo sya.

Ako ang napagbintangan sa isang kasalanan na hindi ko naman ginawa.

Death Test: REmake (On-Hold)Where stories live. Discover now