Chapter Fourteen

113K 2.1K 115
                                    


"Bakit umalis ka ng hindi nagpapaalam kagabi?" agad na salubong ni Nao sa kanya ng pumasok ito sa ETC. "Umiyak ka ba?" tanong nito sa kanya.

"Oo." Sagot niya dahil totoo naman na umiyak siya dahil kay Reigan. "Ang sakit kasi ng tiyan ko pakiramdam ko ay may naghaharlem shake sa loob kaya nagpahinga nalang ako sa bahay. Hindi na ako nakabalik dahil hindi ko na kaya." She lied.

"Ganoon ba? Sige na hindi na ako galit-." Napatingin ito sa kamay niya, nagpalipat-lipat ang mata nito sa kanya at sa kanyang wrists. "Where is it?"

"Ang alin?"

"Your bracelet! Nasaan na iyon?"

"Ah, nawala ko." Mukhang hindi na talaga siya aakyat sa langit sa mga kasinungalingan niya ng araw na iyon.

"At hindi ka man lang nagwawala? I thought it was important to you."

"Hindi naman gaanong importante iyon and besides kung hindi talaga para sa akin ay mawawala talaga iyon maybe it is for someone who deserves it more than I do." She removed her gaze from her friend and then nagsimulang magdisplay ng mga kung anu-ano sa may estante ng counter. "May mga bagong products nga pala ako ngayon dito, may love potion ako dito. O kaya naman ay poison talaga na pwedeng pamatay kay Miggy." She changed topic.

"Bahala na siya sa buhay niya I have my own life."

Yeah, she also has her own life.

"Tao po!" napangiwi siya ng marinig ang boses ni George na biglang nagdoor crash. "Hi lovely Yvonne pabili ng flowers."

"Pick your own flowers dito George. Pili ka lang ng flowers at ako na ang mag-aarrange."

Ngumisi ito and how she wished she can wipe out that smile on his face. Namili naman ito ng mga bulaklak at sinadya talaga iyong mga mamahaling bulaklak ang pinagkukuha nito.

"Here." At inilapag din nito ang credit card nito sa tabi ng mga bulaklak na pinili nito. Tiningnan niya si Naome na bored na bored na nakatingin lang sa nag-iisang customer niya. Sinenyasan niya itong huwag siyang iwanan dahil baka ano pa ang magawa niya dito.

"I-aarrange ko lang muna ang mga flowers Sir George."

"By all means." May narinig siyang pumasok ng shop at ang malakas na pagsinghap ni Naome na para bang nakakita ito ng santo.

"Welcome to ETC, Sir." Bati ni Nao dito. "May I know what you want?"

"A bouquet of flower, a stuff toy and a box of chocolate." Natigil siya sa kanyang ginagawa ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Pakiramdam niya ay pinaliguan siya ng malamig na tubig... si Reigan!

"For your girlfriend Sir?"

"Yes." She bit her lips when he agreed to Nao's question. Para kay Dane. Ikinurap niya ang mga mata upang alisin ang mga namumuong luha sa mga mata. Humugot siya ng malalim na hininga upang gumaan naman ang bigat sa dibdib niya.

"Yvonne." Napapitlag siya ng tawagin siya ni George kaya minadali nalang niya ang pag-aarrange ng flowers na bibilhin nito. "Six months na akong nanliligaw sa iyo kung wala naman dito ang kapatid mong bodyguard ay may iba kang manliligaw. Kailan mo ba ako bibigyan ng pag-asa---."

Napaatras siya ng biglang ibagsak ni Reigan iyong mga kinuha nito sa mismong harap nila. Napatingin siya dito at maging ito ay tumitig sa kanya, his eyes gives no emotions. Pero now that she sees him after six months pakiramdam niya ay mas lalo siyang nasasaktan. How can he looks so gorgeous when she undergone a night of tearing up last night. Inilapag nito ang isang itim na credit card sa harap niya, sinulyapan naman siya Nao na para bang nafefeel ang tension sa pagitan nila.

Marked Series 6: Deal With The Devil (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon