Chapter Ten

115K 2.3K 105
                                    

"Congratulations sis." Nakangiting bati niya sa kapatid na may suot na puting toga at namumutok ang leeg sa dami ng medals na suot-suot nito. Tinulungan niya itong tanggalin ang mga naglalakihang medalya at inilagay sa isang paperbag. Kaya pala nag-insist itong magdala ng paperbags dahil pala sa rason na ito.

"Hindi ako makahinga ang dami." Namumutla na ang kapatid niya but nevertheless alam niyang masaya ito sa mga nakamit nitong tagumpay. Yzzy was fifteen and yet she received more than what she was expecting.

Noong nakagraduate kasi siya ng high school hindi naman siya nagkaroon ng awards, wala siya sa honor roll dahil isa lang siyang average na student. Hindi kasi siya nakakapag-aral dati dahil inaalagaan niya ang kanyang kapatid at nagtatrabaho na rin, she was eighteen when she graduated high school, nagsta-stop kasi siya dahil sa palaging sinusumpong ng sakit ang lola niya.

Akala nga niya ay hindi na siya magka-college pa mabuti nalang at may nag-scout sa kanyang maging model, she was working in a fastfood chain ng lapitan siya ng isang scout. Noong una natakot siya lalo pa at may mga bali-balitang sindikato na nagbebenta ng mga babae. Nang mga panahon na iyon ang importante sa kanya ay ang magkapera para sa lola at kapatid niya kaya kahit na delikado ay sinubukan niya.

She worked as a model for a year ng maisipan niyang mag-aral sa college dahil hindi iyon naman ang pangarap niya. Kung paano niya nagawa iyon hindi niya matandaan pa basta naaalala niyang habang nagmomodel siya ay may bitbit siyang photocopies at nag-aaral. Habang inaayusan siya, like spray dito at spray doon ay may binabasa siya. Palagi siyang late sa classes niya pero matataas ang grado niya kapag test kaya siguro nakapasa siya. For three long years ay nagawa niyang matapos ang pag-aaral, pero pakiramdam niya ay super drained siya. Hindi naging normal ang buhay niya, nag-aaral kasi siya sa summer, walang summer na bakante ang schedule niya. Nakagraduate siya bilang irregular student but she doesn't care because what's important is ang makapagtapos siya.

After she graduated ay nagpatuloy siya sa pagmomodel ng isang taon hanggang sa nakapag-ipon na siya. Itinabi niya ang kalahati ng ipon niya para sa kapatid niya at iyong iba naman ay ginamit niya bilang placement fee, pinahiram siya ni Nao na nababayaran naman niya ng paunti-unti ng makapagtrabaho siya sa Zyke's and the rest is history.

Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod, gusto naman niyang gawin ang bagay na hindi niya nagagawa dati. Gusto na niyang magpahinga and be her own boss.

"Masyadong malalim ang iniisip mo ah." Untag ni Nao sa kanya na sa palagay niya ay nahimasmasan na sa nangyaring kaguluhan kanina. Napansin niyang wala na si Yzzy at kinukulit ang bestfriend nitong nasa may counter.

"Wala."

"May iniisip ka eh."

Ngumiti siya. "Yeah, about my life."

"Dito o sa Singapore? Alam kong may hindi ka sinasabi sa akin kapag nag-uusap tayo sa Skype ay para kang tanga na ngingiti nalang bigla don't tell me inlove ka na sa boss mong devil?"

"I'm not!"

"Defensive kang masyado, there is no harm in falling inlove you know." Anito.

"Hindi naman ako inlove sa kanya."

"Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit hindi ka makatingin sa akin ng diretso?"

She groaned. "Nao, I am not." She insisted.

"Uhuh?"

"Fine! I- May nararamdaman akong kakaiba. Kung hindi naman kasi sa deal namin hindi ako mapapalapit sa kanya ng husto at hindi ko mararamdaman ng feelings na ito. I feel so restless."

Marked Series 6: Deal With The Devil (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon