Chapter Eleven

108K 2.4K 114
                                    

"WELCOME BACK!" she smiled at herself as she pushed the glass door of her boss' office. The longest eight days na hindi niya nakita ang amo niya sa loob ng tatlong taon and swear to God, she misses him. Kaya lang hindi pa rin niya nakakalimutan ang nakita niya sa Pilipinas, alam niyang si Reigan iyon.

"Good morning, Sir." Bati niya sa amo niya, gusto niyang mapasimangot ng mapansin na hindi man lang siya nito tiningnan at busy sa pagbabasa ng mga nasa ibabaw ng mesa nito. "Gusto daw po ninyo akong makausap." Linakasan niya ang loob niya, as she stepped forward ay mas lalong bumibigat ang loob niya. Mas lalong naghihinagpis ang puso niya.

"Have a seat Ms. Lastimosa." Pormal na saad nito, just like the first day he talked to her. Just like the first day she started working for him. Umupo siya sa upuan na nasa harap ng mesa nito. Hindi man lang siya nito sinulyapan. "Here." Iniusog nito sa kanya ang isang yellow folder na agad naman niyang kinuha upang basahin. It's her contract.

"About this sir."

"You don't have to say anything Ms. Lastimosa." Nagtaas ito ng tingin nagulat siya sa nakitang pormalidad sa mukha nito. Hindi siya sanay. She is used with his playful attitude towards her. "You just need to answer my questions."

Tumango siya at hinihintay ang mga sasabihin nito o kaya naman ay itatanong nito. "Your contract will expire in two weeks do wish to lengthen your stay as my head secretary?"

Heto na nga iyon, iyong tanong na matagal na niyang pinag-iisipan ang sagot. Hinuli nito ang mga mata niya pero hindi niya nakayanan ang intensidad ng paraan ng pagtingin nito sa kanya. It looks so different. He is looking for an answer, hindi lang niya matukoy kung ano ang klase ng sagot ang gusto nitong marinig mula sa kanya.

"Sir, sorry." Ang tanging nasabi niya.

"It's a no then." Pinakinggan niyang mabuti ang boses nito, she can sense disappointment on it pero may ibang tono pa siyang narinig na hindi niya alam. "What are your plans after here? Magtatrabaho ka ba sa ibang kompanya?"

Agad siyang umiling. "I'll go back to my sister Sir, sa Pilipinas na ako mag-eestay."

"Anong gagawin mo sa Pilipinas?"

"Magtatayo siguro ng maliit na negosyo, may naipon po naman ako kahit papaano. Ang mahalaga sa akin ay hindi na maiwan ang kapatid ko nagdadalaga na po kasi siya. Hindi ko na po siya kayang iwanan."

"You are not going to work in other companies?"

"Hindi ko pa po iyan masasabi sa ngayon I'll cross the bridge when I get there."

"You are leaving me then."

"Hindi naman po sa ganoon Sir kaya lang kailangan ko rin pong asikasuhin ang pamilya ko. It's nice working with you but my family will always be my first priority." She defended. Wala na siyang marinig na sagot mula dito at kinuhang muli ang folder mula sa kanya.

"I want you to train Felix my next head secretary for five days starting tomorrow. After five days ikaw na ang bahala pwede kang manatili dito sa Zyke's until then you can do whatever you want, pwede ka na ring umalis hindi kita pipigilan. You have done too much for me and my company Ms. Lastimosa. Don't worry on the fifth day you'll have your last pay, separation fee, and bonus for a job well done."

"Sir..." gusto niyang maiyak sa sinabi nito pakiramdam kasi niya ay pinapalayas na siya nito.

"You can go now Ms. Lastimosa." Isang minuto siyang hindi agad nakakilos, inabala muli nito ang sarili sa pagbabasa at pagpirma ng mga kung anu-ano. Biting her lips she walks out from his office and went back to her table.

Marked Series 6: Deal With The Devil (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon