Chapter Eight

119K 2.4K 104
                                    

 You can be a great friend Yvonne.

You can be a great friend Yvonne.

Iyon ang paulit-ulit na kumukutiltil sa utak niya habang nakatingin sa sarili niya sa salamin. Ganito din kasi iyong feeling na asang-asa ka tapos hindi pala, nahihiya siya. Hindi kay Reigan pero para sa sarili niya. Nahihiya siyang isipin na baka may iba na, na may pwedeng mangyari pero heto na naman siya ambisyosang froggy. Gusto niyang sampalin at sarili at sigawan na gumising na siya sa kabaliwan niya.

She is crazy. Dead crazy.

Bukas ay Sunday na, walang pasok ibig sabihin hindi niya makikita si Reigan. Sa lunes naman ay hindi na siya papasok dahil flight na niya, right after he offered his friendship to her ay may ibinigay ito sa kanya. An all-expense plane ticket, he gives her a vacation leave good for one week. Mukhang mabait si Lord ngayon kasi kahit na pinasama nito ang loob niya ay pinagbigyan naman ang hiling niya.

Hindi ba sinabi niyang gagawin niya ang lahat makarating lang sa graduation ng kapatid niya? Then this is it, gagawin niya ang lahat kahit na ang tiisin ang hiyang nararamdaman niya.

Muli niyang sinulyapan ang sarili niya sa salamin sa restroom ng malaking hotel grand ballroom, doon gaganapin ang isang charity party. Pinilit niyang huwag pansinin ang inis niya para sa kanyang sarili.

Sinulyapan niya ang damit na napili niyang isuot. Walang alam si Rooke at si Reigan na isusuot niya. Ang sabi lang nang magkaibigan ay kailangang mas maganda siya sa lahat ng mga bisita doon. She is wearing a black high-collared backless lace dress. It shows her bare back, noong una ay medyo asiwa pa siya dahil matagal na noong huling nakapagsuot siya ng ganoon ka-revealing at eleganteng damit. Sobrang baba ng neckline ng dress kaya nakikita ang cleavage niya at mas lalong na-emphasized ang liit nang kanyang beywang.

They want her to be beautiful and she will give them the model side of her.

Parang kailan lang ay kasama pa niya ang bestfriend niyang si Naome sa pagmomodelo at pagsusuot ng mga ganitong damit. Nagpapasalamat din siya sa modeling world dahil kung hindi dahil doon ay hindi niya makikilala si Nao. Noong una ay akala niya ay maldita at spoiled brat ito pero nagkamali siya dahil kompara sa kanya mas malungkot ang buhay nito.

Muli siyang umikot sa harap ng salamin at tiningnan muli ang sarili mula ulo hanggang paa. Napangiti siya sa mamahaling sapatos na nasa kanyang mga paa. Si Yelena ang nag-order ng sapatos para sa kanya. Balak sana niyang isauli ang sapatos dahil hindi siya mapalagay sa presyo ng sapatos pero tumanggi ito. Gift na raw ni Yelena sa kanya ang sapatos na iyon.

"Hey." May narinig siyang mahihinang katok mula sa labas ng restroom. "Okay ka lang ba diyan Yvonne?" umalis na siya sa harap ng salamin.

"Yes, Sir Rooke."

"How many times do I need to tell you to call me Rooke, Yvonne." Paalala nito sa kanya, she mentally face palm herself.

"Sorry, nasanay na kasi ako. Don't worry I'll be your best date for tonight." She wants to look good and to look better tonight. Iyon ang pinapasok niya sa kanyang isip pero ang totoo gusto lang niyang inisin si Reigan. Gusto niyang magpakitang gilas sa lalaking iyon at ipakita dito kung gaano kagana ang napili itong i-friendzone. At gusto rin niyang matapos na ang gabing ito.

She opened ther door that would connect her to the real world. Agad siyang sinalubong ni Rooke na kulang nalang ay malaglag ang panga ng makita siya.

Marked Series 6: Deal With The Devil (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon