Chapter Twelve

116K 2.4K 131
                                    

SHE stirs on her sleep as she felt the cold breeze hugging her body. May naramdaman din siyang mainit na dumantay sa kanyang katawan.

"Hey." Bati ng kasama niya sa kanya.

"Reigan?" tuluyan na siyang nagising nang mapagsino ang may-ari ng boses na iyon. Ngumiti ito sa kanya, it wasn't morning yet and there are still stars-no, lights behind him.

"Where are we?" umayos siya ng upo, naalala niyang may gumising sa kanya kanina pero dahil akala niya ay panaginip lang iyon kaya hindi nalang niya ito pinansin. Totoo pala ang akala niya ay panaginip. Ngayon ay nakaupo siya sa kotse nito, sa humper ng lambo nito. Nakahilig sa may dibdib nang binata habang ang braso ay nakayakap sa katawan niya.

Nakaharap sila sa isang malawak na karagatan kaharap ang nagtataasang mga buildings na napapalamutian ng mga nagkikislapan at nagtataasang ilaw.

"Marina Bay Sands, isn't it beautiful? My mom and I hang out here when I was still a child." Simula nito. "I always asked my mom where my dad was, I want to see him but she always tells me he was in heaven and become a star." Hinaplos nito ang buhok niya. "I cried at night wanting to see him kaya dinala niya ako dito and she says that the lights here were the stars. And one of the stars here is my dad naniwala naman ako dahil bata pa ako noon. Ngayong naaalala ko natatawa nalang ako." He chuckled. "This is my special place."

"Bakit mo ako dinala dito?"

"Hmn." Nagtaas siya ng tingin upang tingnan ito. Napatitig siya sa gwapong mukha ng lalaking katabi, never in her entire life she'd think na magkakasama sila ni Reigan ng ganito. It looks like they are dating couple.

Gusto niyang magtanong kung bakit may ganitong eksena sila pero kung ito ang huling araw na makakasama niya ang binata then be it. She'll keep this wonderful memories forever deep inside her heart.

"This place is like heaven." Nasabi nalang niya.

"It is. Nakapamasyal ka na ba sa buong Singapore?"

Umiling siya. "For three long years na nandito ako nasa Zyke's lang ang buhay ko. Kapag day off ko kasi it's either sa mall lang ako nagpupunta o kaya naman ay sa quarter para magpahinga."

"Am I slaving you that much?"

"Hindi naman masyado, konti lang."

He groans, "Sorry."

"Nah, dahil sa pang-aalipin mo sa akin naging maayos ang takbo ng buhay ko dito. I think I should thank you for that pero sana sa akin nalang magstop iyon ha. Nagsumbong sa akin sina Rose at Selena, nagulat sila ng makita ang evil side mo. Natrauma yata sa iyo don't worry I already explained them na ganoon ka talaga at dapat sanayin na nila ang mga sarili nila."

"I think I should apologize to them."

"Tama iyan and control your temper din kapag may time." Tinusok niya gamit ang daliri niya ang pisngi nito. Hindi naman nito pinalis iyon mukhang nag-eenjoy pa nga ito.

"Itotour kita sa buong Singapore." Wika nito.

"Eh? Boss kita-."

"Right now I am not your boss." Tiningnan nito ang suot na relo nito. "At exactly six in the morning you will be officially unexployed. Hindi ka na employee ng Zykes o kaya naman ay head secretary ng gwapong CEO ng kompanya."

"Nagbuhat ka pa ng sarili mong bangko." Pansin niya na ikinatawa naman nito. Napatingiin din siya sa suot niyang wristwatch na hindi pala niya natatanggal. "Five-thirty pa."

Marked Series 6: Deal With The Devil (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon