Chapter 31

1.8K 37 11
                                    

I was inspired by this song, kindly play it for more 'feels'.

EUNICE

"I guess you should finally know the hell I've been through when Isabelle left." He said then gave me a sad smile. I was shocked at what he said. I recovered fast from being shocked and gave him a confused look.

"What?" I asked.

"Alam mo naman na ang lovestory namin diba?" tanong nya. Nakangiti pa din sya pero isang malungkot na ngiti. Tumango ako. Lumingon sya sa ibang direksyon at tumingin sa malayo.

"Pero hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko noong umalis sya right?" tanong nya ulit. Tumango ulit ako sa kanya. Huminga sya ng malalim.

"When she left, I was a total wreck. It was like the whole world turn its back on me, or should I rather say, my world turn her back on me. It was hard, it was difficult and it was painful but all I could do is just to endure the pain. When her parents died, I went to their funeral. Nakita ko sya na tulala at wala sa sarili, kahit na kinakausap sya ng mga taong nasa paligid nya, there's no reaction coming from her. Kahit tango at pag-iling wala. It hurts me like hell. Seeing her like that crushed every piece of me. Araw-araw akong pumupunta sa funeral ng parents nya, but hindi ako nagpapakita. I kept myself hidden. Araw-araw ko din syang nakikita na nasa ganoong sitwasyon. Gustong-gusto ko syang lapitan at yakapin. Gustong-gusto kong humingi ng tawad sa kanya, gusto kong sabihing magiging okay din ang lahat, na andun lang ako sa tabi nya kapag kailangan nya ko pero nawalan ako ng lakas ng loob. Lalo na sa araw-araw na pagpunta ko, araw-araw ko din syang nakikitang umiiyak, na tulala lang sya pero maya-maya may makikita kang luhang tumutulo sa mga mata nya at wala akong ibang magawa kundi ang panuorin ang ibang tao para magpunas ng mga luha nya na dapat ako ang gumagawa. I saw how miserable she was and all I can do is just to watch her from afar. God knows how hard it was for me to do nothing but to watch the girl I love so much suffer from that unbearable pain. Nang matapos ilibing ng mga magulang nya, lumipas ang isang araw, nagdesisyon na akong puntahan at kausapin sya. Too bad pagdating ko sa bahay nila, yung bestfriend nya na lang ang naabutan ko at ang sabi nya, wala na si Isabelle, sumama na sa totoong mga magulang nya. I tried to find her, I really did. I even came to a point na pinasundan ko pa yung kaibigan nya para lang malaman kung nasaan sya pero I failed. Unti-unti na kong nawawalan ng pag-asa na makita pa sya but when Harvey went to America, sinabi nya sa akin na parang nakita nya si Isabelle sa America, I booked the earliest flight to America that time. Silly isn't it?" Kwento nya at natawa sa huling sinabi nya. Naramdaman ko namang parang unti-unting bumibigat yung pakiramdam ko. Parang may kung anong mabigat na bagay ang nilalagay sa dibdib ko dahilan para mahirapan akong huminga. Parang unti-unti ding sumisikip yung nasa paligid ko, pakiramdam ko nasusuffocate akong hindi ko maintindihan. Ipinagpatuloy nya naman yung kwento nya.

"And then the next, I am already in America. Pinuntahan ko nun si Harvey at sinabi ko sa kanyang puntahan namin yung lugar kung saan nya nakita si Isabelle. We waited for God knows how many hours pero hindi namin nakita si Isabelle. Naisip kong magtanong-tanong sa mga tao sa paligid ng lugar na yun. Mukha akong tanga na nanghaharang ng tao at paulit-ulit na nagtatanong ng 'Have you seen this girl?' sabay pakita ng picture namin ni Isabelle at paulit-ulit din akong nakakarinig ng sagot na 'no'. Pakiramdam ko sa bawat no na naririnig ko, palayo ako ng palayo sa pag-asang makita pa ulit sya. I spent a week in there, hoping to see her. But again, I failed. I came back in the Philippines but my life was a mess. Simula ng bumalik ako galing America, wala na akong ibang ginawa kundi ang sirain ang buhay ko. Lagi akong napapasama sa gulo, lumayo ako sa grupo ko. Lagi din akong laman ng mga bar at umiinom na parang wala ng bukas, I'm still underage but I got my access through money. Lagi akong may nakaka-away na mga gang, mabuti na lang at laging nandyan sila Harvey para tulungan ako at linisin ang mga kalat na ginawa ko. And I guess the most dangerous thing I've done was to join in an underground racing. Noong una, simpleng street racing lang naman ang sinasalihan ko. I've won some fights, siguro nakalimang panalo ako noon bago ako sumali sa underground racing. I know all my opponets are professionals. Ako lang naman 'tong sira-ulong sumali doon, thinking na kakayanin kong manalo dahil nagagawa ko namang manalo sa mga petty street racing. Pero nagkamali ako, and that's the time I got into car accident. Noong una, nagagawa kong humabol sa mga kalaban ko, I won the first and second round. Sa isip ko noon, 'Hell yeah! Mga wala naman palang binatbat mga kalaban ko.' Pero noong nagfinal round na, at one on one na kami ng champion nila, damn, madaya pala ang kalaban ko. There was thirty minutes break, at nalaman nila Harvey na sumali ako doon. Kaya yung thirty minutes na yun, ginamit ko para makipagtalo kila Harvey. They tried to stop me pero hindi ako nagpapigil. Nakainom pa ko sa lagay na yun. Sinubukan nila akong pigilan na sumali sa final round pero hindi ako nakinig. Hindi ko alam na sa thirty minutes na yun, yun na pala ang oras na isinagawa ng kalaban ko ang mga kagaguhan nila. Pinutol nila ang break ng sasakyan ko kaya noong nagstart na ang game at kailangan ko nang gamitin ang preno para sa first drift, everything I didn't expect happened. Nalaglag yung sinasakyan ko sa bangin, mabuti na lang at eighteen feet lang ang lalim noon kung hindi, malamang patay na ko. I was comatosed for almost one year." Nanginginig na ang kamay ko habang nagkwekwento sya, nahihirapan na din akong huminga at kung mabigat na ang pakiramdam ko kanina, mas bumigat pa ngayon. Hell, hindi ko alam 'to. Gulat na gulat ako sa mga sinasabi nya.

Pain Princess meets Death PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon