Chapter 7

5.3K 113 7
                                    

EUNICE

It's already 6 o'clock when I got home. May laban mamaya sa HELL CITY, makakapanuod pa ko. Ang tagal ko rin pala kanina dun sa amusement park na yun.

[A/N : pakiplay po yung song sa side]

FLASHBACK

Nalaman ko na ang totoo. Nalaman ko ng pinagpustahan lang pala ako ni Daniel. Ang sakit! Ang sakit sakit! Bakit ganun? Bakit kung sino pa yung taong sobra kong mahal ang syang unang dumurog sa puso ko? Bakit kung sino pa yung inaasahan kong hinding hindi mananakit sakin ang syang nagbigay ng sakit na nararamdaman ko.

Andito ako ngayon sa amusement park at nakaupo sa bench na inukitan namin ni Daniel. Hindi ko mapigilan yung sarili ko na wag umiyak.

"Miss, gusto mo ng panyo?" alok niya, hindi ko kilala.

"Ah no thanks okay lang ako." tanggi ko habang nakayuko.

"I know you're not Isabelle" nakasisiguradong pahayag niya.

" Sino ka ba?!" napataas ang boses ko sabay tingin sa kanya.

" Ha-Harvey? Anung ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko.

"Alam ko na ang nangyari sa inyo ni Daniel. Nandito ako para samahan ka." paliwanag nya.

" Ga-ganun ba? Harvey bakit ganun? Bakit ganun yung ginawa ni Daniel sakin? Minahal ko naman siya ng totoo ah! Pero bakit ito yung ipinalit niya?! Ang sakit Harvey! Ang sakit sakit lang!" sigaw ko.

"Tama na Isabelle. Kalimutan mo na si Daniel. Kalimutan mo na yung nangyari. Nandito lang ako parati sa tabi mo. Hinding-hindi ako lalayo sayo at hinding-hindi kita sasaktan. Kaya tumahan ka na dyan." pagpapatahan sakin ni Harvey.

" Sa-salamat Harvey kasi napakabait mo sakin. Salamat kasi kahit anong mangyari sakin lagi kang nasa tabi ko. Salamat talaga."

"Walang anuman Isabelle. Basta ikaw, tandaan mo lagi lang akong nasa likod mo."

"Harvey, sabihin mo nga sakin, masama ba kong tao para maranasan ko ang mga 'to? Ano bang naging kasalanan ko sa kanya at ginawa nya sakin to? Bakit niya ako pinagpustahan? Masakit lang, na lahat ng inaakala kong magandang panaginip isang malaking bangungot pala." sabi ko habang umiiyak parin.

"Hindi ka masamang tao Isabelle. Ang totoo nga niyan ay napakabait mo kaya hindi mo deserve na maramdaman ang mga ito. Ako na ang humihingi ng dispensa sa ginawa ni Daniel Isabelle. Alam kong hindi mo siya agad mapapatawad. Pero kung sakaling mangailangan ka ng taong matatakbuhan, asahan mong nandito lang ako lagi sa tabi mo at hindi-hindi kita sasaktan gaya ng ginawa sayo ni Daniel."

"Maraming salamat sayo Harvey. Maraming salamat talaga."

"Basta ikaw Isabelle, nakahanda akong isuko ang lahat ng sakin para sayo. Ayokong makita kang nasasaktan dahil nasasaktan din ako. Ayokong nakikita kang umiiyak dahil nadudurog ang puso ko at mas lalong ayokong makikita kang nagkakaganyan ng dahil kay Daniel."

"Thank you Harvey. You're really my guardian angel because you always save me."

END OF FLASHBACK





Ito na naman ba? Hindi na ba nagsawa 'tong mga punyetang luha ko at kanina pa labas ng labas sa mata ko? Anung oras na ba? Maghahanda na ko para mamaya pupunta na ko sa H.C ( HELL CITY ) Tatawagan ko na rin muna si Nat para may kasama ako.

Calling: Natalie

Hello?

Hello Nat, punta tayo sa H.C mamayang 8. Bye.

Pain Princess meets Death PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon