Chapter 12

4.2K 88 5
                                    

REIN

Boring sa bahay kaya naisip kong mag-aya sa H.C. Andito na kami ngayon sa sa H.C nang may marinig akong sumigaw ng...

"Nandito na din ang The Deaths! Nandito ang dalawang pinakamalakas na grupo!! Ano kayang mangyayari?!!"



F---! Andito na ang leader nila?! Akala ko ba ayaw ng bumalik pa dito nung leader nila eh anong ginagawa nya dito ngayon?! Psh. Ako na ang hari dito tapos bigla syang eeksena! Nakakainis lang, may katapat na ko.

Nakita ko sila, nakaupo sa royal seats. At syempre, sya yung nakaupo sa "Royal Chair". Takte lang, upuan ko yun nung wala pa sya. Bakit ba kasi bumalik pa siya dito.

"Oh Prince, chillax ka lang! Sa kanya naman talaga yung upuan na yun eh. Dun na lang tayo sa ibang royal chairs." sabi sakin ni Evans sabay tapik sa balikat ko.

"Bakit kasi bumalik pa sya!" naiiritang sabi ko.

"Hay nako, tara na nga!" sabi sa amin ni Jayden sabay tulak sa balikat ko.

Dahil sa wala naman kaming ibang choice, dun nga kami naupo sa ibang royal chairs. Nakakainis talaga kasi sa kanya talaga yung pinakagusto ko. Made of pure gold kasi yung chair na yun. Asar talaga.

At kamalas-malasan pa, wala nang ibang upuan kaya malapit sa tabi nya ako uupo kahit ayaw ko! Psh.

"So you're here huh?" nakasmirk na sabi ni Pain. Napatitig ako sa mga mata nya, nakaramdam ako ng takot nung makita ko yung mga mata nya. Inaamin ko, nakaramdam ako ng takot.

Parang puno ng galit, sakit at hinanakit yung mga mata nya. Parang wala kang ibang makikitang emosyon bukod sa mga yun.

"No answer? Why? Afraid of my eyes Death Prince?" biglang sinabi ni Pain na nagpabalik sa katinuan ko.

" Ye- yeah. Why? Bawal na bang magpunta dito ang Deaths? " sagot ko. Sht talaga, nauutal ako kasi di ko parin talaga maalis yung tingin ko sa mga mata nya!

" Why are you stammering? Afraid huh?"  Pain said then she smirked.

"Why would I be afraid? Psh." yun na lang sinabi ko tapos naupo na.

Wtf, kinakabahan parin ako nung nakita ko yung mga mata nya. I'm pissed. Pero naalala ko yung mata nya, its emotionless. Malayong-malayo sa mata niya. Ang ganda talaga ng mga mata nya. Kapag tinignan mo ito, you can see her innocence, and her angelic face, it's so beautiful. Kapag nakita mo yung mga mata nya, hindi mo maiisip na saktan sya. At kapag sinaktan mo sya, pagsisihan mo yung ginawa mong nakasakit sa kanya. I know it sounds so gay pero yun ang totoo eh. At grabeng pagsisisi yung naramdaman ko nung pinagpustahan namin sya. Lalo na nung nakita ko yung mga mata nya, you can see that she's badly hurt that time. Asan ka na ba? Bakit hindi na kita nakita? Bakit umalis ka? Bakit iniwan mo akong mag-isa? Bakit-----

"Hoy Prince!! Nakikinig ka ba huh?!" sigaw sakin ni Harvey.

"I'm sorry. May sinasabi ka ba?" tanong ko.

"Ang sabi ko umalis na yung Paths of Pain kanina pa. Nga pala, may nagpapaabot sayo. Eto oh, nalaglag na kasi di mo napansin na iniwan nya sa harap mo." sabi sa akin ni Harvey at may iniabot na papel.

" Thanks" sabi ko sabay kuha nung letter. Ano naman kaya 'to?



To : DEATH PRINCE

You look so happy huh? Let's see kung hanggang saan yang kaligayan mo. It's seems that you already forgot about your dear Isabelle. Well, good luck Death Prince!

From : unknown



Sino to?! At pano nya nalaman yung tungkol kay Isabelle?!

"Harvey, kilala mo ba kung sino yung nag-abot nito sakin?!" pasigaw na tanong ko.

"Huh? Hindi eh. Nanonood kasi kami kanina. Napansin ko nalang na nalaglag sa harap mo kaya pinulot ko. Hindi ko nga rin napansin na umalis na yung Pains eh. Bakit ano bang nakalagay? Patingin nga." sabi ni Harvey. Akamang kukunin na nya yung letter sa kamay pero naiwas ko agad yung kamay ko.

"Wag na. Hindi naman importante kaya wag mo na lang pansinin. Sige mauna na ko, inaantok na ko eh." sabi ko na lang at umalis na.

Sino kaya talaga yung nag-abot sakin nito? Bakit ba kasi lumilipad isip ko kanina, hindi ko tuloy napansin kung sino yung nagbigay. Pinapasakit talaga nito yung ulo ko. Ano kaya ang koneksyon nya kay Isabelle?

Papunta na ko sa parking area para kunin yung motor ko nang biglang may 2 lalaki ang humarang sakin. Mejo madilim na rin kasi kaya hindi ko sila ganong makita. Nakamask pa sila kaya di ko talaga makita mga mukha nila.

"At sino naman kayo?!" sigaw ko.

"Hindi na mahalaga yun. May gusto lang kaming ibigay sayo." sabi nung isang lalaki sabay bato sakin ng isang box.

"Ano naman 'to?" tanong ko.

"Tignan mo nalang ng malaman mo." sabi nung isa pang lalaki sabay umalis na silang dalawa. Ano na naman ba 'to?!

Pagkabukas ko nung box,

Pa-pa-paanong napunta sa kanila to?!

------------------------------------

Vote and comment!

psssteunice

Pain Princess meets Death PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon