Chapter 28

1.7K 42 8
                                    

EUNICE

What the fuck is wrong with Rein? And what the fuck is fucking wrong with me too!? Ano ba Eunice! Paano kung malaman nyang ikaw nga si Isabelle?! Nag-iisip ka ba?! Why did you let your guard down?! Gusto ko nang iuntog ang sarili ko dahil nagpadala ako sa emosyon ko.

Ramdam na ramdam ko pa din yung naging tensyon sa pagitan namin ni Rein. Hanggang ngayon hindi pa din kumakalma ang sistema ko. Nagpunta ako sa C.R para maghilamos. Kailangan kong palamigin ang ulo ko kundi lahat ng tao sa paligid ko madadamay sa pag-iinit ng ulo ko.

Paalis na sana ako sa C.R ng makaapak ako sa basa at mapulupot sa paa ko yung map, dahilan ng pagkadulas ko.

"Pakshit talaga!" sigaw ko. Tumama yung mukha ko sa may kanto, pakiramdam ko nasugatan yung pisngi ko at masakit sa may bandang likod at braso ko. Iyon kasi ang pinangsangga ko. Letse, masakit pa din ang katawan ko dadagdagan pa nito!

"Hey you okay?" tanong ng isang babae sa likod ko. Nag-init naman lalo ang ulo ko.

"Do I look like I'm okay?!" iritado kong sigaw sa kanya at nilingon sya, paglingon ko, mukha syang nerd na ewan. Naalala ko na naman tuloy ang dating ako sa kanya. Goodness! Throwback Thursday ba ang araw na ito?!

"No? Let me help you." Nakangiting sabi nya at tinulungan akong tumayo.

"Is that blood?" tanong nya at akmang hahawakan ang mukha ko pero nilayo ko ito.

"Isn't obvious?" mataray kong sabi sa kanya. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang nasugatan kong pisngi. Naiirita talaga ako. Pati tuloy sya nadamay sa init ng ulo ko.

"Masyadong mainit ulo mo. Oh eto band aid." Nakangiti nya pa ring sabi sakin at inabot yung band aid. Kinuha ko naman yun.

"Thank you." I told her and opened the band aid. Hello kitty printed band aid?! What the?!

"Hey, wala ka na bang ibang band aid?" tanong ko sa kanya. Nakangiti pa din sya.

"Wala na eh, yan na lang. Sa kapatid ko kasi talaga yan, hindi ko alam na yan pala ang nalagay ko sa bag ko." Paliwanag nya. No choice kaya nilagay ko na din sa mukha ko.

"You look cute." Puri nya.

"I'm not cute, I'm gorgeous." Taas noo kong sabi.

" The famous Eunice Kang, may tinatago palang over confident side?" natatawa nyang sabi pero imbis na mairita ako lalo, natawa na lang din ako sa sinabi nya. Magaan ang loob ko sa kanya. Siguro kasi nakikita ko yung sarili ko sa kanya?

"Ano naman ngayon? Bakit wala ba kong karapatan ipagmalaki ang kagandahan ko?" medyo natatawa kong sabi.

"Thanks for the help and for the band aid. What's your name by the way?" I asked her while finally returning the smile.

"Mitch, Mitch Katie Carvajal." She said while offering her hands for a shake. I accepted it.

"Eunice Catherine Scarlett Kang." I told her and smiled again. Sabay na kaming lumabas ng C.R.

Habang naglalakad kami, sige lang sya sa pagkwekwento. Nakikita ko talaga sa kanya yung dating ako. Yung tipong kakakilala pa lang pero kung makapagkwento ng talambuhay akala mo matagal ng magkakilala. Natatawa ako sa personality nya, parang akong-ako talaga.

"Hey, wala ka bang class?" bigla kong tanong sa kanya. Nakita ko kasi yung ibang estudyante na kumakaripas ng takbo papunta sa classroom. Naalala ko, may klase pa nga pala ako.

"Omo! Hala late na pala ako sa next class ko! Sheez!" bigla syang nataranta. Natawa naman ako sa reaksyon nya.

"Ano ba next class mo? At anong room? Ihatid na kita." Nakwento nya kasi sakin na kakatransfer nya lang ngayon. Naisip ko na baka hindi nya pa kabisado itong school.

Pain Princess meets Death PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon