Chapter 15

736K 13.4K 1.7K
                                    

Bakit ko ba sya binalikan? I asked myself as we walked towards my condo unit. Bakit di ko na lang sya hinayaang umalis? Nag-iinarte akong naaasar ako sa kanya pero di ko naman sya matiis. Could it be that I am falling for this guy? I asked myself as I took a quick glimpse at his profile. He looked very happy and I suddenly felt irritated.

Nakakaasar kasi for the first time ay hindi ko nakuhang panindigan ang bwisit ko. Naiirita ako sa sarili ko kasi bakit hindi ko sya natitiis? You can't fall for anyone, Lia. You can't fall for Dustin! I quietly admonished myself. 

I didn't even know how he felt towards me. Pwede kasing landi lang. Pwedeng ako lang ang flavor of the month nya tulad ng gusto kong isiping sya ang flavor of the month ko kaya ipinagpapatuloy ko ang pakikipagrambulan sa kanya sa kama. We were compatible in bed, hindi ko naman yun idi-deny but for the first time, I wanted to know what we really were. Mahirap ang malabo kasi hindi mo matantya kung hanggang saan at hanggang kailan ka pwedeng magmaganda.

At takot ako. Takot akong mag-fall kay Dustin. Takot akong maging alipin ng nyetang pag-ibig na yan na kailangan pa para daw ma-propagate ang lahi mo. Di na lang tayo tumulad sa mga bubuyog, echos dito, echos doon—iba't ibang flowers, iba't ibang gardens. Walang hassle.

"Akala ko hindi mo na ako babalikan, Babe." Dustin said when we reached my unit.

"So pakana mo lang pala lahat ng yun at hinintay mo lang na sakyan ko?" I asked and his smile slipped a little.

"Babe naman. Mag-aaway na naman ba tayo?" He put an arm around my waist. Nasa harap na kami ng pintuan ng unit ko and he took my hand and brought it to his lips when I was about to type in my door's password. "Ako na." He said nuzzling my neck. My door clicked open and we both stepped inside. Niyakap nya ako kaagad pagkasara na pagkasara ng pinto. "I'm so glad you came back for me." He whispered against my hair.

I was pissed that he totally expected that I would come back for him. I was annoyed that he was confident that I wouldn't be able to see him leave. I was angry at the realization that Dustin Marcus Montemayor, despite his cool exterior, was a silent manipulator.

"Salamat sa paghatid, you can leave." I said as I pushed away from him.

"Babe, kung galit ka pa rin dahil sa nangyari kanina sorry na. Please. Nagalit ako kay Mommy after you left and I know na dapat umpisa pa lang may ginawa na ako pero masyado akong nagulat sa narinig ko."

"Nagulat ka?" I asked as I turned to look at him. "Bakit ka nagulat? Ibig sabihin naniwala ka?"

"Naniwala saan?"

"Dun sa sinabi ng babaeng yun."

"Importante pa ba yun?" He said before he pulled me towards him. "Past mo na yun—"

"Past ko? So you believe what she said?"

"Mag-aaway na naman ba tayo, Lia? Kakaayos lang natin ah. Tanggap kita kung ano ka, kung anong mga pinaggawa mo kung—" He stopped talking because I slapped him. Hard. Halatang nagulat sya at napahawak sya sa pisngi nya.

"Before you claim to accept my past, get to know me first. Tanggap ka nang tanggap ng mga bagay ni hindi mo alam kung totoo!"

"Did I deserve that?" He asked shaking his head in disbelief. "Kailangan mo akong sampalin? For what? For accepting who you are?"

"How can you accept me for who I am if you do not even know me?!"

"God, Lia! Andito ako, despite what my Mom, Tita Freda and Lauren said! That's more than enough for other women!"

"I am not those other women! Ang kapal mo! Sa tingin mo dapat akong magpasalamat kasi nandito ka?! Tangna! Ilang taon ka na ba?! Sa pagdedesisyon mo iisipin mo pa rin ang sasabihin ng nanay mong demonyita, ng tita mong kabit ni satanas at ng ex-girlfriend mong puta?!"

Bedroom Negotiations ClassicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon