Millions of Reads, A Requirement?

19K 683 64
                                    

Requirement nga ba ang pagkakaroon ng milyon-milyong reads para mai-publish ang isang story? Well, I have two answers for that question: YES and NO.


Kung mapapansin natin, kadalasan ng mga napa-publish ngayon ay puro mga sikat na stories galing dito sa Wattpad. Usually minimum reads nila ay nasa isang milyon. Bakit nga ba ganoon? Well, kailangan nating intindihin na ang publishing ay isang negosyo. Hindi naman siguro mamumuhunan o maglalabas ng pera ang isang publisher para lang malugi sila. So ang nakikita ko sa ngayon, mas binibigyan nila ng pansin ang mga stories na tingin nila ay bebenta at hindi sila malulugi. Mas pinahahalagahan rin nila ang mga writers na may maraming followers dahil siguradong may 'market' na sila. I'm just being honest on this part. At hindi ko masisisi ang mga publishers dahil again, this is business.


Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay mahalaga ang number of reads, trust me guys. Sabi nga ng super gasgas nang kasabihan, "there's always an exemption to the rule."


Bago ko pa man makilala ang Wattpad, nagsusulat na ako sa PHR. Well, sige nag-sign up ako dito sa Wattpad year 2011 yata pero nitong 2014 lang ako naging active dahil na rin nakita kong malaki ang naitutulong ng Wattpad sa mga writers when it comes to promoting their craft. In short, nakigaya na rin ako sa uso.


Pero yun nga... bago pa man ako mag seryoso dito sa Wattpad, may 2 published books na ako sa PHR. Yung dalawang books ko na 'yon, hindi dumaan dito sa Wattpad. Wala siyang million reads o kahit nga 100 reads. As in diretso published agad matapos makapasa sa evaluation.


So what does that means? Well, it only means na hindi sa lahat ng pagkakataon ay importante ang number of reads. Mas mahalaga pa rin ang content ng story mo. Dahil kahit sampu or bente lang ang reads niyan pero nakita nilang karapat-dapat namang ipublish, ipa-publish nila 'yan, trust me.


Here's the list of Publishing Houses na PERSONALLY ay alam kong nagpa-publish ng hindi mga sikat pero worth it na stories.


*Precious Hearts Romances - (I have two books sa kanila na walang milyon-milyon na reads)


*PSICOM - (When they learned that I was writing, they contacted me personally and offered me an exclusive contract since freelancer pa lang ako that time. And they published my books Confessions o a Fashion Blogger at Dream Catcher kahit konti lang ang reads at nasa mahigit kumulang 3,000 pa lang ang followers ko that time)


*LIFEBOOKS - (Yeah, tried and tested)


So there you go! Kung ano lang ang nakasulat dito, yun lang ang alam ko. At based on experience po 'tong sagot ko hindi pang showbiz or pang Miss Universe na sagot. Kung wala diyan ang publishing house na gusto niyong pagpasahan, then it only means na wala akong idea and maybe you should try using Google na lang to find out the answers to your questions.


Thanks for reading and I hope nagawa kong sagutin ang tanong niyo kahit papaano. :)

Tips for Aspiring WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon