NG vs NANG

10.6K 285 411
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Narito ang wastong gamit ng "NG"


1. Kapag sinasagot ang tanong na KAILAN

Tanong: Kailan umuwi si Alden?

Sagot: Umuwi si Alden ng umaga.


2. Kapag sinagot ang tanong na ANO

Tanong: Ano ang ulam mo kaninang umaga?

Sagot: Hotdog at itlog inulam ko kanina.


3. Kapag tungkol sa ORAS at PETSA

Gumigising si Bimby tuwing ikapito ng umaga.

Darating si Apollo bukas ng umaga.

Sa ika dalawapu't walo ng Mayo ang fiesta sa Javier, Leyte.


4. Kapag tumutukoy sa hitsura - UBOD NG, PUNO NG, SAKSAKAN NG

Ubod ng pangit 'tong si Mr. Arinolli.

Puno ng kasamaan si lola Nidora noon.



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Narito naman ang wastong gamit ng "NANG"


1. Pamalit o panghalili sa salitang NOONG (when)

Nang (noong) isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo.


2. Pamalit o panghalili sa salitang PARA at UPANG

Kumain ka naman nang (para) magkalaman ka kahit papano.

Halika tumaya tayo sa lotto nang (upang) yumaman naman tayo.


3. Para mas masarap bigkasin ang NA

Pwede na pumasok. (Accepted)

Pwede nang pumasok. (Better)

Ang mamatay na dahil sa 'yo. (Accepted)

Ang mamatay nang dahil sa 'yo. (Better)


4. Kapag inilalarawan kung PAANO isinasagawa ang isang kilos

Kumain ako nang nakakamay.

Ipinalabas nang live sa TV ang laro ng PBA.

Natawa si crush nang napakalakas dahil sa biro kong crush ko siya.

Ang kasalanan ko lang naman ay nagmahal ako nang tapat.


5. Kapag katabi ng salitang MAAGA (early)

Umuwi ka nang maaga mamaya.


6. Kapag inuulit ang isang salita (Ligature for repeated words)

Kain ka nang kain hindi ka naman tumataba.

Wala kang ibangginawa kundi ang matulog nangmatulog.    

Tips for Aspiring WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon