Blind Item (Charot!)

4.3K 95 51
                                    


Medyo matagal na rin mula nang mag post ako ng something personal dito. Kumusta naman kayo? Ako, eto masaya naman. Haha.



Anyways, andaming nangyari sa publishing world lately. Maraming chika akong nasagap mula sa mga kapwa ko manunulat pati na rin sa mga readers ko. Tulad na lang ng:



1. May indie pub house raw na tila nagkakaroon ng issue dahil sa isang writer nila. Hindi ko personal na kilala yung may-ari ng pub house pero yung writer na tinutukoy nila (male) eh, medyo nakilala ko dahil kinukulit niya rin ako noon. He is kind of annoying and mayabang din. Kaya nga dumating sa point na b-in-lock  ko siya sa Facebook kasi nga makulit masyado.

Sa akin lang, okay lang humingi ng tulong. Pero wag niyo namang kulitin masyado ang mga authors kasi may mga buhay rin sila outside Wattpad. Ako personally, nagrereply ako kapag hindi ako busy. Willing akong tumulong sa lahat ng aspiring writers.



2. May writers raw na may issues tungkol sa pagse-self-pub. Parang hindi natuloy at hindi na-refund ang pera. Nakakalokang issue! Minsan nag attempt rin akong mag self-pub pero di ko kinaya. I had to return the money to my readers kasi di ko napangatawanan ang proseso ng pagse-self-pub. Sa mga nagbabalak, pag isipan niyo muna nang makailang beses kasi hindi biro ang papasukin niyo if ever.



3. May publishing house na parang on the rocks yata at ang chismis, unti-unti nang nagsisialisan mga editors nila. Pahirapan na rin daw magpa-approve ng manuscript. Kaloka much!



4. May isang publishing house naman daw na hindi nagbibigay ng royalty sa mga writers nila. Dito ako naloka! Bakit walang royalty? Karapatan ng mga writers na makatanggap ng royalty sa book na pinaghirapan nilang isulat. Wag kayong papayag na walang royalty. Hehe.



5. Eto ang matinding issue na nasagap ko. Puro lang daw kalibugan alam kong isulat. Puro lang daw SEX. Hala ka! Aminado akong may mga stories ako na ang genre ay erotica. Pero hindi naman po lahat! May purely romance rin naman ako. At kung nagsusulat man ako ng erotica, I make it a point na may aral silang mapupulot. At may kwento po. Hindi lang puro chukchakan. Nakakaloka!!! ^_^



Anyways, kumusta nga kayo? Hehe

Tips for Aspiring WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon