Writing Tip from The "Hambogest" Maxinejiji

2.7K 153 13
                                    

I don't know kung matatawag mo itong writing routine or writing discipline, but I think it's better to think of it as a habit. I daydream all day and I lie awake at night thinking about my previous chapters. Minsan bigla na lang may idea na pumapasok sa utak ko kung ano 'yong isusulat kong sunod. Madalas akong makinig sa music, habang naliligo, nagluluto, naglalaba, except sa work kasi hindi naman pwede. I listen to my favorite 90's music when I write. I have no choice, nagsusulat ako kahit may kasama kaya sa music na lang ako umaasa.

Wala akong sched ng pagsusulat, hindi ako araw-araw nakakapagsulat dahil sa linya ng trabaho ko. But I see to it na nakakapagsulat ako at least four times a week. Most of the time ay character lines ang unang naiisip ko, saka ko 'yon ginagawan ng eksena and then pahihirapan ko ang sarili kong ikonekta 'yon sa previous chapters hanggang sa susunod pang chapters.

Hilig ko rin mag-note down ng mga eksenang naiisip ko, sayang ang ideas kapag nakalimutan ko. Pero wala akong outline, I don't find it useful. I want my story to find its own way. Wala akong disiplina sa pagsusulat, natural na sa 'kin 'yong lumalabag sa rules ng pagsusulat. Ayaw ko nang may sinusunod, kontento na akong sumabay sa ilang aspeto.

As much as possible hindi ako nagbabasa at nanonood ng series/movies kapag alam kong magsusulat ako sa araw na 'yon or kinabukasan. Kasi ayaw kong doon manggaling ang ideas. Gusto kong ako mismo ang maghirap. Kaya madalas akong tulala. Kasi hinahanapan ko ng istorya ang mga dumaraang sasakyan, nadadapang tao, nasisigawang doktor, nagkakamaling nurse, napapagod na cleaners at brokenhearted na receptionist. Ayaw ko nang may sinusunod, ayokong inuutusan ako sa dapat kong isulat dahil 'yon ang gusto ng readers na mangyari (I'm talking about Wattpad updates).

Habang nagsusulat ay natural na rin sa 'kin 'yong mag-internet. Sa gano'ng paraan ko lang napagpapahinga ang utak ko. One thing na ayaw ko sa sarili ko, maganda ang nasa imagination ko but it hardly ever turns out to be what I thought it was, nothing I write can ever-ever-ever compare to what's going on inside my mind. But the good thing is, pasensya na kung mayabang ang dating ko, pero magaling akong mag-rewrite. Magaling akong mag-edit. Doon ako bumabawi. Nagkakaro'n ako ng bagong ideas, scenes, lines, etc.

Tips for Aspiring WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon