Chapter 19: The final blow

4.3K 73 14
                                    


Enjoy reading

Madalian. Puspusan. In short, quickie update.

-------

Mallory's PoV

"Asan ako? ugh ang sakit ng ulo..." tanong ko sa sarili ko, iniikot ko ang paningin ko at naghanap ng sagot sa tanong ko. Puting kwarto. May dextrose na nakatusok sa kamay ko. May prutas sa tabi ko. Nasa hospital ba ako?

Napahawak ako sa ulo ko ng biglang may mag flashback sa isip ko. Si Nate at Lucy. Totoo ba yun? Bakit kumikirot ang puso ko? Dumiin ang paghawak ko sa ulo ko ng may maalala ulit... nag mamaneho ako habang umiiyak. Mabilis akong napahawak sa sinapupunan ko. Ang kambal ko...

"Ay mam buti at gising na po pala kayo..." agad akong lumingon sa pinangalingan ng boses. Hindi ko namalayan ang pagbukas ng pinto.

"Nurse, yung kambal ko? Ayos lang ba sila? Sabihin mo pls ayos lang sila diba?" Nagmamakaawa kong tanong dito. Ayos lang ang kambal ko. Hindi ko kakayanin kung may mangyayari sa kanila. Sila na lang ang mayroon ako.

"Mam huminahon po kayo.. hindi po iyan makakatulong sa inyo.." sabi nito at pilit akong pinapakalma.

"Sumagot ka! Anong nangyari sa kambal ko? Asan ang doktor? Wala kang kwenta! Sagutin mo ako!" Sigaw ko dito, hindi ito sumagot at bagkus ay may kung anong pinindot sa pader.

"Binge ka ba? Nurse ka diba? Sagutin mo ako! Doc! Pa! Ma! Doc! Sagutin niyo ako please! Sagutin niyo ko...." wala ni isang sumagot sa akin. Nakatayo lang ang nurse at pilit akong inihihiga. Wala akong magawa kungdi ang umiyak.

"Mallo..."

Agad akong nag angat ng tingin sa pinanggalingan ng boses. Kilala ko ang boses na iyon. At hinding hindi ko siya mapapatawad kung may manyaring masama sa mga anak ko. Oo akin lang ang kambal ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Matalim na sabi ko dito, halata ang pagod at pag aalala nito sa akin. Gulo gulo ang buhok at gusot ang polo nito. Wag kang magpadala sa kanya, manloloko yan.

"Babe calm down.. please.. let me explain... please listen to me first..." nagsusumanong sabi nito sa akin. No.

"Wala ka ng dapat ipagpaliwanag pa. Nakita ko na ang lahat. Alam ko na ang lahat kaya pwede ka ng umalis." Tiim bagang na dabi ko dito.

"Mallo please listen to me fir-"

"Stop it Nate ayaw na kitang makita ayoko ng marinig ang mga sasabihin mo! At ikaw na punyetang nurse ka kung hindi mo sasabihin sa akin ang kalagayan ng anak ko please hagilapin mo yung doctor!"

Mabilis na kumilos yung nurse at lumabas ng pinto. I know wala naman siyang kasalanan kaya hindi ko dapat sa kanya ibunton ang galit ko. But I can't help it. Yung sakit na nararamdaman ko ay mas lalong dumudoble sa anyo ni Nate. Nasasaktan siya? Impossible.

"I've already talked with your doctor... ligtas ang kambal natin. Sige susundin ko ang gusto mo. Aalis ako. Lalayo ako sayo kung yun talaga ang gusto ng puso mo. Now tell me, iyon ba talaga ang gusto mo? Ang gusto ng puso mo?"

Nakatungong sabi ni Nate. Agad akong nagpasalamat sa itaas na ligtas ang kambal namin. Half of me is celebrating already and the other half is mourning. Iyon ba talaga ang gusto ko? Ang gusto nito?

"Oo." I lied.

Alam kong hindi yun ang gusto nito pero iyon ang tama. Masasaktan lang ako lalo kung patuloy pa din akong magpapakatanga sa kanya. Sa kanilang lahat.

Nag ingat ito ng tingin, tagos ang sakit na makikita sa mata nito. Dahan dahan itong lumapit sa akin. Bat hindi ako makapag salita? Please. Wag ka ng lumapit. Wag mo na akong pahirapan pa Nate...

"Naiintindihan ko... Aalis na ako. Hindi mo na ko makikita. Please kahit sa huling sandali hayaan mo kong gawin to..."

Yumukod ito at awtomatikong napapikit ako, naramdaman ko ang marahan ngunit puno ng sakit na paghalik nito sa tiyan ko. Sa kambal namin. Ramdam ko ang pagluho ng luha sa mata ko ganun din ang pagpatak ng sa kanya.

"Kambal... wag niyo bibigyan ng sakit ng ulo si mommy... tandaan nyo mahal na mahal na mahal na mahal kayo ni daddy. Pag dumating ang araw, pangako babawi ako. Babawi ako sa inyo."

"Nate please uma-" hindi ko na natpos ang sasabihin ko dahil pinigilan na niya ito gamit ang isang banayad na halik. Halik ng pamamaalam.

"Aalis nako. Kumain ka ng madami. Alam ko dadating ang araw na mapapatawad mo din ako, yung araw kung kelan tuluyan ng naghilom ang mga sugat na nagawa ko.... hindi ako aasa sa wala. Alam kong dadating yun. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal. At kapag dumating yun? Pangako. Hindi na ako papayag na mawala ka pang ulit sa akin. Mahal na mahal kita Mallo at tangina lang dahil alam kong ikamamatay ng puso ko oras na lumabas ako ng pintuan. Pero kelangan eh. Ingatan mo sila. Paalam." Malungkot na sabi nito at sa isang iglap ay tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Hindi ko nagawang sumagot, ni kumurap sa bilis ng mga pangyayari. Umalis na siya. Wala na si Nate. Ito ba ang gusto ko? Ito ba talaga ang gusto ko? Bat sobra sobra akong nasasaktan? Hindi ko na kinya ang napagulgol na lang ako sa iyak yakap ang tiyan ko.

Hindi ko kayo pababayaan... at alam kong malaking parte ng pagkatao niyo ang magbabayad dahil sa desisyon ko...

Mabilis kong hinanap ang bag ko at sakto namang nasa gilid lang ito ng lamesa sa tabi ng kama ko, kinuha ang cellphone at mabilis na nag dial ng numero.

"King it's me Ara, please ilayo mo ako dito."

-------

A/N

Unedited. Unplanned.

-Ehye

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His ways to SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon