Chapter 3: Complicated life

10.9K 104 1
                                    

Kyahhhhhh! Nag rank po ang His ways to seduction !!!! Humor#474 Romance#493

Super saya ko po talaga !!!!

Kaya eto po ang rewards nyo readers ! 

Nate on the side >>>>>>>>>>>>>>>

------------------

Ara’s POV

Kanina pa kami nag start mag byahe. At kanina pa din ako nag iisip kung pano ko aakto ng normal sa harap ni A. I looked at her side, nakatingin lang sya sa bintana. Parang ang peaceful lang ng buhay nya.. Hindi kagaya ng sa akin…

Magulo.

Sobrang gulo.

Gusto ko syang kainisan dahil parents nya ang dahilan ng magulo kong buhay ngayon. Pero hindi ako ganun. Mas matagal ang pinag samahan naming ni A at alam kong wala syang idea sa ginagawa ng magulang nya..

I envy her.

Napabuntong hininga nalang ako at nakinig sa ipad ko..

Finally nakadating nadin kami sa aming destinasyon.

Sabay na kaming bumaba ng bus ni A and wow.

Just wow.

Ang ganda ng place, super relaxing. Mahilig kasi ako sa mga lugar na madaming puno …

The view is awesomely perfect!

Gusto ko pag nagka pamilya ako, sa ganito kami titira…

 

My lips twisted on my own toughts.

Malabong mangyari yan dahil sigurado akong yung pakakasalan ko ay hindi ilalayo ang buhay nya sa syudad.

I started to take some pictures. Nag selfie ako ng malala. Minsan lang to eh.

Nag seselfie pa kami ni A ng dumating ang isa sa mga taong mas nagpagulo ng buhay ko.

Nate.

 

“Pasali ko wah. 123 dali!” he said

Tss parang bata. Di naman bagay tse.

“Ya mauna ka na, may naiwan ako sa bus eh”

His ways to SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon